Shaxxae
Limang taon na ang nakalilipas, Pero heto pa rin ako, Baliw na baliw sayo. Pinilit kong huwag kang maalala, Pinilit ang aking sariling alisin ka sa aking sistema. Pero bawat paggising, Bawat paghinga, Aysiya ring paglalim ng nararamdaman. Kung ako ang tatanungin nakakapagid na, Nakakapagod dahil kahit ako na ang nagsabing huwag ng umasa ay bakit mayroong munting pagasa na pwedeng magkaroon ng ikaw at ako. At maging tayo hanggang dulo. Pero siguro ay nalabo ng mangyari ang mga iyon. Baka nakalimutan mo na ako at masaya ka na sa buhay mo, Ako lang naman kasi ang tanga na kahit ainaktan na umaasa pa rin. Siguro ay CEO ka na sa kompnya ng magulang mo, Mayroon ka na rin sigurong asawa at mga anak. Habang ako, hindi makausad, Isang tagalinis lang ng karinderya sa aming baryo. At kung totoo man ang nasa isip kong may asawa ka na, Baka pumasok na lang ako sa kumbento at doon manirahan. Kailangan kong tanggapin na kahit kailan bawal pagsamahin ang langit at lupa. Na dapat kong tanggapin, kahit kailan hindi na magtatagpo ang landas natin. Masaya ka na siguri, Habang ako ay lugmok na lugmok.