NedsBals's Reading List
170 stories
Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 242,626
  • WpVote
    Votes 4,004
  • WpPart
    Parts 24
Somewhere Only We Know By Europa Jones How bad could it be to develop a crush on him? After all, crush pa lang naman. Hindi akalain ni Marjory Arieta-Student Council President ng Benedict College na pakikiusapan siya ng principal para sa disciplinary sanction ni Jason Velasquez. Sa kabila ng nararamdamang pagtutol dahil sa reputasyon ng lalaki bilang isang bully at tyrant ay wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag. Pero siniguro niya sa sarili na pahihirapan itong mabuti. Nagbago ang lahat nang makilala nang husto ni Marjory si Jason. Lalo na nang matuklasan nila ang sekretong grotto. Unti-unting naging malinaw ang lihim sa pagkatao at ang mga dahilan ng mga ipinapakitang pag-uugali ng binata. Naging saksi ang grotto sa pag-usbong ng unang pag-ibig ni Marjory kay Jason. Nararamdaman niyang may pagmamahal din ang lalaki sa kanya pero natatakot siyang ungkatin ang estado ng relasyon nila dahil umiiwas ito tuwing ipipilit niya ang topic. Kahit pa inamin ni Jason na mahal siya nito ay nilayuan pa rin siya ng lalaki dahil hindi nito kayang tanggapin ang sarili. Pero maghihintay pa rin si Marjory. Hahanapin niya si Jason. At sana balang-araw ay puwede na itong mahalin...
Old Photos And Crinkled Love Letters COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 174,738
  • WpVote
    Votes 4,417
  • WpPart
    Parts 24
Old Photos And Crinkled Love Letters By Chelsea Parker "Noong una kitang makita... ang unang naisip ko, sa wakas, nakabalik ka na." Ang balak lang naman ni Luchi ay isauli ang mga gamit na ipinuslit niya ten years ago nang mag-field trip silang magkakaklase sa isang lumang mansiyon. Madali lang sana ang kanyang misyon, kung hindi lang umepal ang tadhana. Tuloy, nalintikan ang kanyang plano nang muntik na siyang mabuko sa pagte-trespass sa lumang mansiyon. Mabuti na lang at mabilis siyang nakapagtago sa isang kuwarto. At dahil determinadong hindi pahuhuli nang buhay kaya ginawa ni Luchi ang natitirang option-tumalon siya sa balkonahe ng kuwarto mula sa ikalawang palapag. Ang kaso lang, 2015 ang taon nang magpatihulog si Luchi. Pero nang mag-landing siya sa ibaba, 1928 pa lang daw, sabi ng poging lalaking nakadaupang-palad niya. Anyare?
Sweetheart 2: Lavender Lace COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 586,050
  • WpVote
    Votes 8,981
  • WpPart
    Parts 22
Sweetheart 2: Lavender Lace By Martha Cecilia "My old faded blue jeans would be out of place. It'll never fit in to your world of lavender lace." The infamous Rigo dela Serna ng Engineering Department: super-guwapo, ex-scholar, star player, at playboy numero uno. Pero para kay Lacey, Rigor is a cross between Elvis Presley and Antonio Banderas sa kupas at hapit na maong, itim na jacket, at motorsiklo. Nasa high school si Lacey at nasa college si Rigo. Malayo ang high school building sa college but stealing glances from afar, they fell in love. Their young hearts vowed to love each other for always. But vengeance and betrayal separated them.
For One Single Kiss COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 611,411
  • WpVote
    Votes 9,364
  • WpPart
    Parts 20
For One Single Kiss By Vanessa Brat-iyan ang tingin kay Penelope ni Franco, pero wala siyang pakialam doon. Basta siya, gagawin niya ang lahat ng ikasisiya niya-at mas mag-e-enjoy siya kung makukunsumi si Franco. Mabuti nga iyon dito. Kung umasta kasi ito ay akala mo kiing sinong magaling at guwapo. Eh, ano ngayon kung talagang magaling at guwapo ito? Wala naman siyang pakialam doon-wala na dapat. Ayaw na niyang alalahanin na minsan ay minahal niya ito at tinang- gihan nito ang pagmamahal niya. Hindi niya inakalang sa kanya rin pala babalik ang lahat ng pangungunsumi niya rito: ipinatapon kasi siya ng daddy niya sa probinsiya, at ang pinakamatindi sa lahat, kasama niya roon si Franco upang bantayan siya! Staying in a province without the comfort of the luxuries she was used to was hell as it is, at lalo pa iyong naging impiyerno nang ma-realize niyang in love pa rin pala siya kay Franco at wala na siyang pag-asang mapansin nito dahil engaged na ito sa iba...
The Girl In A Vintage Dress COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 174,370
  • WpVote
    Votes 4,219
  • WpPart
    Parts 30
The Girl In A Vintage Dress By Chelsea Parker Lumipas man ang ilandaang taon, pagtatagpuin at pagtatagpuin ang dalawang tao na itinakda ng tadhana para sa isa't isa. Nagsimula ang lahat nang sumama si Ayu sa field trip ng klase nila. Para daw mas ramdam nila kung ano talaga ang ibig sabihin ng "history," imbes na sa museum ay sa isang lumang bahay na hitik ng throwback items sila dinala ng kanilang history teacher. Doon, isang lumang picture ng babae ang natagpuan ni Ayu. Pero nasira niya iyon. At sa takot na mapagalitan ng teacher nila, wala siyang choice kundi ibulsa ang litrato. Dahil doon, nagsimula na ang kalbaryo ni Ayu nang pumunta naman siya sa lumang bahay ng kanilang pamilya. Maya't maya na lang kasing may nagpapakita sa kanya na isang babae-in a vintage dress! But that was ten years ago. At ngayon, nagbalik si Ayu sa kanilang lumang bahay. Siguro naman, panis na ang multo. Pero nagkamali siya ng akala. Dahil nasa harap na niya ngayon-in flesh-ang babaeng noong una ay inakala niyang multo. Julia ang pangalan nito. At sa paglipas ng mga araw na nakasama niya ang babae ay minahal niya ito. At nakahanda siyang sundan si Julia sa taong 1896 sakaling bigla itong maglaho...
Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 455,485
  • WpVote
    Votes 8,090
  • WpPart
    Parts 35
Unlove Me By Rica Blanca
May's Fairy Tale COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 413,923
  • WpVote
    Votes 7,187
  • WpPart
    Parts 20
May's Fairy Tale By Victoria Amor "One thing I know, I'm miserable without you. At kung hihingin mong i-give up ko lahat ng mayroon ako, gagawin ko, basta nasa tabi kita." Ang tanging nais ni May ay mahanap ang kanyang Prince Charming and fulfill her own fairy tale. May tatlong katangian siyang hinahanap sa kanyang prinsipe-magandang lalaki, mabuting tao at higit sa lahat, kailangang mayaman. Noon niya nakilala si Shin Rui Shimamura-super rich at super handsome pero bagsak sa isang kategoryang hinahanap niya. Sa mga kuwento pa lang, mukhang hindi na ito mabait na tao. At napatunayan niya iyon nang magkaharap sila. Sinira nito ang fairy tale niya! Pero bigla ba naman siyang hinalikan nito-at nagustuhan niya iyon...
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 973,187
  • WpVote
    Votes 15,317
  • WpPart
    Parts 21
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?
Ang Aking Happy Ending  by Vanessa by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 742,765
  • WpVote
    Votes 11,865
  • WpPart
    Parts 32
"Just when you were all set to forget what you feel for me because I told you I can never love you did I realize that I'm in love with you. How's that for irony?"
Love Trap by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 805,829
  • WpVote
    Votes 15,802
  • WpPart
    Parts 33
Naniniwala siyang higit ang pagtinging inuukol niya kay Lola Emilia kaysa sa sarili nitong apo, si Robb, whose true to life experience was made into a movir and became a big hit. Kaya walang dahilan upang tumanggi si Serena sa suhestiyon nito na magkunwari silang magkasintahan upang mapaligaya ang mga huling araw ng buhay ng matanda. Mula sa inosenteng pagkukunwaring iyon ay natagpuan niya ang sariling taglay na ang pangalan ni Robb nang magpakasal nila- kasal na tiniyak ni Robb na ipaa-annul nito sa sandaling matapos na ang silbi niyon. Subalit habang lumilipas ang mga araw ay natagpuan ni Serena ang sariling umiibig dito. Subalit paano ang nalalapit nilang annulmentÉ At ano ang gagawin niya gayong dinala ni Robb sa bahay nila ang magandang babae sa katauhan ni Yvette?