WEDDING GIRLS ( Jasmine Esperanza )
12 stories
Wedding Girls Series 05 - SHELBY - The Wedding Singer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 180,157
  • WpVote
    Votes 4,877
  • WpPart
    Parts 25
"Tell you what, Shelby, kapag nag-mature ka na. Maybe, kapag eighteen ka na at ako pa rin ang crush mo, ibibigay ko sa iyo ang first kiss na hinihiling mo." ***** Marcus Sandoval was her big crush during her teens. Fifteen si Shelby nang matanggap ni Marcus ang isang Valentine card na hindi niya ipinadala subalit ang nakasulat ay ang totoong laman ng puso niya: she wanted Marcus to be her valentine and first kiss. Nasunod ang unang kahilingan niya. Marcus gave her the experience of first date. Subalit hindi siya nito pinatulan upang maranasan ang isang halik. Ang pangako nito: someday. Iyon ay kapag hindi na siya ganoon kabata o kaya ay kapag tumuntong na siya sa disiotso. At sa kondisyon na si Marcus pa rin ang crush niya. Subalit pagkatapos nang gabing iyon ay bumilang ng mahabang taon bago sila muling nagkita. At bagaman natanto niya na si Marcus ay nanatili pa ring espesyal sa kanyang puso, hinding-hindi naman niya magagawang ipaalala dito na mayroon pa siyang isang kahilingan na hindi nito napagbibigyan. Because was now engaged to be married to someone else. Pero bakit buhat nang muli niya itong makita ay siya mismo ang hindi mapakali?
Wedding Girls  Series 01 - EVELYN MAY - The Wedding Planner by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 168,512
  • WpVote
    Votes 4,102
  • WpPart
    Parts 22
"I intend to marry you, Eve. Kung kailangang haranahin kita uli ay gagawin ko para tanggapin mo ang alok ko." Inilahad nito ang palad sa kanya. "My mother's engagement ring, Eve. Hiningi ko ito sa kanya upang ibigay sa iyo. Will you marry me?" Ryan Olivares was handsome. He was tall. He had striking personality that she felt he was making her breathless. He seemed to possess a patent in sex appeal. Wala siyang iniwan sa isang babaeng kulang na lang ay mangatog sa labis na emosyong dumamba sa dibdib niya. Pinangahasan siya nitong halikan. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na pag-isipan kung tama ang nagaganap o hindi. Eve opened her mouth and accepted his kiss. At tangay na tangay na siya ng halik na iyon nang bigla ay matauhan siya. Ikakasal na siya sa ibang lalaki! A year later, isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang asawa. At wala siyang ibang sinisisi kung hindi si Ryan Olivares. At ipinangako niya sa sarili na gaganti siya. Aakitin niya si Ryan at paiibigin. At saka iiwan. And they are now ensnared in the web of seduction game.
Wedding Girls Series 11 - MAXINE - The Wedding Photographer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 108,280
  • WpVote
    Votes 2,923
  • WpPart
    Parts 18
"I realized that I love you too. Siguro, natabunan lang iyon ng marami pang klase ng pagmamahal na iniukol ko sa iyo mula't mula pa. Pero hindi na ito iyong pagmamahal na parang sa isang kapatid o kaibigan. I mean, I'm also in love with you, Maxine." ***** Si Maxine, all her life si Xanderr ang kasama niya. Kalaro, kaibigan at parang kuya. Kung paano siya bigla na lamang na-in love dito ay hindi niya alam. Basta ang alam niya, hindi niya iyon sinasadya. Si Xanderr, all his life, si Maxine ang kasama niya. Pero ni minsan, hindi niya inisip na iibig siya dito. She was a playmate to him, a friend and a shock absorber. Sa dami ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya, magtagumpay man siya o mabigo, si Maxine ang kapiling niya. Isang araw bago ikasal si Xanderr, natuklasan nito ang pinakatatagong lihim niya. Pero hanggang doon na lang ba iyon? O may pag-asa pa para sa kanya naman mabaling ang pag-ibig ni Xanderr?
Wedding Girls Series 06 - YSABELLE - The Makeup Artist by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 110,323
  • WpVote
    Votes 2,903
  • WpPart
    Parts 14
"I asked you about love at first sight. Tinanong kita kasi ako rin, hindi ko alam kung totoo ba iyon. But when I met you, naniwala na akong totoo nga iyon. I love you, Ysa. I really do." ***** Si Ysabelle, maganda at dagsa ang manliligaw. Pero ni minsan, hindi pa nagka-boyfriend. Paano, bago kilatisin ang lalaki, inuuna pang magtaray at mang-basted. Tanging siya lang ang nakaalam kung bakit. Enter the Mr. Tall, Gorgeous and Playboy. Si Jonas Sta. Ana. Hindi pa man niya ito nakikilala ng personal, alam na niyang palikero ito. Bakit hindi, kaibigan yata niya si Shelby na kapatid nito na siyang nagsasabi kung gaano kahilig sa babae si Jonas. Siyempre, basa agad ang papel nito sa kanya. Kaya nang una niya itong makita, kahit unat na unat ang barong nito bilang best man sa kasal ni Shelby at nagpapa-cute sa kanya, kibit lang ng balikat ang reaction niya. Pero hindi pala kasing-simple lang ng pagkikibit-balikat ang pag-iwas ay Jonas. Dahil sa pangalawang beses niya itong makita ay natuklasan niyang hindi effective dito ang katarayan niya. At sa pangatlong beses, tila napaulanan na siya ng karisma nito. At bandang huli, sa wari ay lumipad na sa bintana ang sabi niya sa sarili na babastedin niya ang lahat ng lalaking magkakainteres sa kanya. Totoo pala ang kasabihan. There's always an exception to the rule. Sa kaso niya, si Jonas Sta. Ana iyon.
Wedding Girls Series 09 - FAITH - The Printer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 128,930
  • WpVote
    Votes 3,081
  • WpPart
    Parts 23
"Hindi pa huli ang lahat para sa atin, Faith. Hindi na natin maibabalik ang mga taong nagdaan pero puwede pa tayong magkasama-sama, di ba? And this time, hindi na tayo magkakahiwalay pa. I love you. Kahit kailan, hindi nagawang pawiin ng galit ang pag-ibig ko sa iyo." ***** Napakaganda ng plano ni Faith at Patrick para sa kinabukasan nila. Pagkapasa ni Patrick sa board exam para sa mga civil engineers ay magpapakasal na sila. Pero nang araw na lumabas ang resulta ng exam ay bigla na lang nawalang parang bula si Patrick. Hinanap ni Faith ang binata. Hindi siya sumuko dahil mahal na mahal niya ito. At ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya nang malaman niyang sumama din ito sa ina patungo sa America upang ganap na mailayo sa kanya. Pagkatapos ng anim na taon ay muling nagtagpo ang landas nina Faith at Patrick. Kapwa may taglay na galit sa isa't isa. "Naaksidente ako. Kritikal ang kondisyon ko. Faith, sa bawat pagkakataon na magkamalay ako, ikaw ang tinatawag ko. Ikaw ang gusto kong makita. Pero wala ka." Agad na napuno ng luha ang mga mata niya. "A-ang mama mo," mahinang sabi niya. "I realized that my mother manipulated us. Nagawa niyang dalhin ako sa America upang doon na rin ipagpatuloy ang pagpapagamot ko. But I didn't recovered fast. Ang sabi ng doktor, napakahina ng will ko para gumaling. And it was because of you. Wala talaga akong balak na mabuhay pa dahil wala ka naman sa tabi ko." Napahikbi siya. "I love you, Patrick." Tumigas ang anyo nito. "Really?" sarkastikong wika nito. "Kaya ba nagpakasal ka agad sa iba?" "Patrick, may mabigat akong dahilan. H-hindi ko gagawin iyon kung hindi dahil-"
Wedding Girls Series 08 - ADRIENNE BLYTHE - The Caterer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 143,400
  • WpVote
    Votes 3,746
  • WpPart
    Parts 19
I'll tell you that I love you because I want you to be beside me every morning that I wake up and share each breakfast together. I'll tell you that I love you because I want to spend the rest of my life with you. Andie, that's how I really feel right now." *** Madalas ay nakatitig si Andie sa kabilang bahay. Kung mansyon ang turing niya sa bahay na pinagbabakasyunan niya, mas mansyon ang sa kabila. Naalala niya ang kuwento tungkol kay Jesse-ang may-ari ng kabilang bahay. One of the most sought-after bachelors in the city. Ang angkan ay isa rin sa pinakamayaman sa Baguio. And so? Tahimik na react niya na may kasali pang pagtataas ng kilay. Bakasyunista siya. Hindi siya naghahanap ng lalaki. He's rich. At hindi lang basta guwapo. He had the face, the stance, the personality. Kahit na suplado ito, tila nakakadagdag pa iyon sa karisma nito. He definitely had the elements to be tagged as one of the most sought-after bachelors in the city. And so again? Bakit ba ang lalaking iyon ang iniisip niya? Kungsabagay, attractive namang talaga ang lalaki. "But I'm not attracted to him," sabi niya sa sarili. Yeah, hindi ka nga attracted. Kaya nga ganoon na lang kung makatitig ka sa katawan ni Jesse. Ano na nga iyong naisip mo kanina? He's sexy.
Wedding Girls Series 07 - NICOLE - The Honeymoon Destination Expert by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 149,319
  • WpVote
    Votes 3,821
  • WpPart
    Parts 20
Akala ko, mga babae lang ang may isipin na magkaroon na lamang ng anak-at hindi asawa. Until I met Artemis. He wasn't interested having a wife but very much excited to have a child of his own. At nakakatuwang isipin na sa bandang huli, hindi lang ang anak ang napasakanya but a wife that he came to love so deeply and he won't trade for anything in the world. Minsan talaga, love has its own unique way to bind two hearts...
Wedding Girls Series 03 - GERALDINE - The Cake Architect by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 202,555
  • WpVote
    Votes 5,250
  • WpPart
    Parts 23
"Kung hindi mo ako nabunggo at muntik nang mabuhusan ng kape, I wouldn't know you exist. I wouldn't have met you. And I wouldn't fall in love this way." Sa pagkakaalam ng pamilya ni Geraldine, her fiancé was Matthew Beltran. Handsome, rich, caring, loving at kung anu-ano pang magandang katangian. Of course, her fiancé was the best-dahil gawa-gawa lang naman niya iyon para tigilan na siya ng kanyang pamilya sa pagrereto sa kanya ng kung sinu-sinong lalaki. Kung sino ang nagmamay-ari ng pangalang nabasa lang niya sa isang resibo ay hindi niya alam. Until one fine day. Nakabangga niya si Matthew Beltran. He was handsome. At sa pagdaan ng araw, nadiskubre niya, he was also friendly, caring, and gentle. She thought he was also rich. But was he also loving? She wished he was-kasi nai-in love na siya sa totoong Matthew Beltran...
Wedding Girls  Series 12 - JULIANNE - The Bridal Gown Designer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 106,404
  • WpVote
    Votes 2,620
  • WpPart
    Parts 15
"I've never been happier in my life, honey. I've never been this in love before. I'm so glad you came into my life." *** Hindi inaasahan ni Julianne na sa kanya ipapamana ni Mildred Sunico ang lahat ng kayamanan nito sapagkat hindi naman siya kadugo ng matanda. Subalit hindi ganoon kadali ang magiging pagsalin sa kanya ng kayamanan nito. Kailangan muna niyang sumunod sa kondisyon nito. Ang mag-asawa siya sa loob ng anim na buwan. Tamang-tama naman na nag-alok na sa kanya ng kasal si Tim Pozzorubio. Parang dobleng suwerte iyon sa buhay niya. Matutupad na rin ang pangarap niyang maging bride at may mamanahin pa siya. Pero paano kung matuklasan niyang si Tim ay konektado sa isang taong malaki ang interes sa kayamanang mamanahin niya?
WEDDING GIRLS 20 - Sydney by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 84,957
  • WpVote
    Votes 2,705
  • WpPart
    Parts 29
WG Sydney - The Singer Walong taon na ang relasyon nina Paolo at Sydney. Napakatagal na niyon kumpara sa mga relasyon ng iba na hindi nagtatagal at nauuwi lang sa hiwalayan. Kaya ang mauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ay hindi inaasahan ni Sydney na mangyari. Dahil lang sa maliit na problema ay nagkahiwalay sila. At noon na-realize ni Sydney kung gaano niya kamahal ang binata. Gusto niyang habulin si Paolo. Mahal na mahal niya ito pero paano siya makikipagbalikan dito kung may iba na itong girlfriend. Mabuti na lang at sa kanya pa rin boto ang ina at kapatid ng binata. Tutulungan siya ng mag-ina para magkabalikan sila ni Paolo. Effective naman kaya?