shortchances
- Reads 1,426
- Votes 73
- Parts 22
Pilit kong isinusulat
Mga katagang hindi maisiwalat
Mga emosyon at damdaming kailangang ilabas
Ngunit tikom ang bibig at hindi mabigkas.
Sa bawat letrang magkarugtong,
Ay ang mga salitang patanung.
Di ko alam kung mabibigyang halaga,
Ang bawat binibitawang kataga.
Nakaupo sa isang sulok,
Kaibuturan ng puso'y inaarok.
Maisusulat ko ba ang isang tula,
Na maiintindihan ng aking kapwa?
Puno man ng alinlangan,
Ang aking puso't isipan.
Pagsulat ko'y pinagpatuloy,
Hinayaang mga ideya ay dumaloy.
Hindi ko alintana,
Kung pa'ano ko nagawa,
Nabu'o ang mga tula,
Na ako ang may-akda.
~sana magustuhan nyo guys!!
Maligayang pagbabasa:)
Salamat! muawh!