elumagui
2 stories
TINDABOY by elumagui
elumagui
  • WpView
    Reads 117
  • WpVote
    Votes 20
  • WpPart
    Parts 20
Sa buhay ng tao, laging may dumarating na pagsubok-mga problemang kailangang harapin, gaano man kabigat. At minsan, kailangan mong isantabi ang sarili mong mga pangarap. Gaya ni Efs, na tumayong magulang para sa dalawa niyang kapatid na babae. Ang pag-ibig niya kay Belen? Pansamantala niyang kinalimutan... hindi dahil hindi mahalaga, kundi dahil inuuna niya ang pamilya sa gitna ng hirap ng buhay. Hindi niya inalintana ang panlalait, pang-aalipusta, at masasakit na salita ng mga tao. Tiniis niya ang lahat-para lang makatawid sa bawat araw. Ngayon, inyong tunghayan ang kwento ni Efs: ang kanyang pakikipagbuno sa buhay... at ang pag-ibig na pilit niyang nilimot, pero kailanman ay hindi nawala- ang pag-ibig niya kay Belen.
"INDOY  KUBA" by elumagui
elumagui
  • WpView
    Reads 135
  • WpVote
    Votes 14
  • WpPart
    Parts 3
Bata pa si Indoy ng marinig ang balitang mayroong kayamanang nakabaon sa tabi ng batis, ngayong binata na siya naging interesado sa kayamanan doon. Maraming narinig si Indoy na mga balita, mayroong mga sumubok na hinukay ang nasabing kayamanan ngunit lahat sila ay nabigo. May mga namatay at mayroon ding nabuhay ngunit silay nilisan ng matinong pag-iisip. Lahat ng tao sa Barrio Santol ay natatakot tuwing nakikitang gumagala ang bolang apoy doon sa kanilang lugar. Maraming matatanda ang nagsasabi na kung saang lugar lumubog ang nasabing bolang apoy ay doon mismo makikita ang mga gintong kayamanan. Sinasabi rin ng mga matatanda na kung sino ang may balak na maghukay ng kayamanan, dapat ay alas dose ng gabi at hindi dapat ipinagsasabi kahit kanino. Si Indoy ay may kababaang loob, ngunit kinatatakutan at kinukutya dahil sa kanyang pagkakuba.