SuperPotchi
Si Jeremy Sanchez ay isang gwapo, matalino at mayamang member ng isang Pep Squad sa School Academy College o SAC. Naging ultimate crush ito ni Maddie Lyn Aimee Zavalla noong naging magka-klase sila nung grade 6. Sobra siyang nagpapaganda sa harapan nito noon para lang mapansin ngunit balewala ang pagpaparamdam na gina-gawa niya. Dahil sa sobrang kamanhidan ni Jeremy, di na siya nasasaktan kahit batuhin siya ng bato sa ulo. Pero joke lang.
Nang sila ay naka-graduate na, lumipat ito sa ibang school. Akala ni Maddie na wala na siyang pag-asang mapansin ni Jeremy pero nagkakamali siya dahil after 2 years, bumalik ito sa SAC. Pero hindi naman sila naging magkaklase nang bumalik ito.
May pag-asa pa bang mapansin ni Jeremy si Maddie? Eh another 2 years nalang ang natitirang araw niya para mapansin siya ulit nito at makapag-confess dahil ga-graduate na sila ng High School.