blueglasses311
Nong bata pa raw ako, lagi ako nagsasalita ng mag-isa.
Sinasabi ko na meron daw akong kinakausap na isang kaibigan na ako lang ang nakakakita.
Nong una raw iniisip nila na may kausap akong masamang espiritu o isang nilalang na ako lang nakakakita, pero bandang huli baka imaginary friend ko lang raw yon, na common na magkaroon kapag bata ka palang.
Pero sa totoo lang , hindi ko maalala ang mga yon.
Sabi nila Mama, na tumigil akong magsalita ng mag-isa noong 8 years old na ako.
Pero hindi nila alam na hindi ako tumigil na magsalita ng mag-isa, ang kaibahan lang ay wala akong kausap, literal na ako lang mag-isa ang kinakausap ko, pero syempre kapag ako lang mag-isa sa bahay, baka isipin pa nila Mama na nababaliw na ako.
Nakakabaliw nga isipin na mag-isa lang ako nagsasalita, pero I just remind you that I am perfectly normal, wala akong sapak sa utak okay.
It just became a habbit, and I don't know why and how it became a habbit.
Siguro dahil doon sa imaginary friend kong kuno raw nong bata pa ako.
Pero sa totoo lang, I have a feeling that when I'm talking to myself...
...somebody is actually listening.