Fantastic and Historifics!
48 stories
Stay Alive, Stella  by sntdivi
sntdivi
  • WpView
    Reads 2,705
  • WpVote
    Votes 101
  • WpPart
    Parts 5
"𝙏𝙧𝙪𝙨𝙩 𝙢𝙚, 𝙎𝙩𝙚𝙡𝙡𝙖. 𝙎𝙩𝙖𝙮 𝙖𝙡𝙞𝙫𝙚. 𝙏𝙝𝙖𝙩'𝙨 𝙖𝙡𝙡 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙩𝙩𝙚𝙧𝙨." Isang pangakong bumulong sa gitna ng digmaan ay isang kasaysayan ng pag-ibig, at katatagan sa gitna ng apoy ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa isang iglap, napadpad si Miguel Sevilleja sa digmaang hindi niya inakalang sasalubungin niya. Sa piling ng mga gerilyang mandirigma, lumaban siya para sa bayan, para sa pag-ibig, at para sa kaluluwa ng isang bayang sinaklot ng dilim. Ngunit habang nagsasalubong ang mga alingawngaw ng kahapon at ang mga hiwaga ng panahon, kakaharapin niya ang mga sakripisyong susubok sa kanyang loob, mga pasyang huhubog sa kanyang pagkatao, at isang pag-ibig na maaaring hindi na makatawid sa dulo ng digmaan at panahon. Ang kasaysayan ay sinusulat ng mga intelihente ngunit paano kung bigyan ka ng pagkakataong baguhin ito ng panahon? © All Rights Reserved santiago sntdiv
One Last Night with Trinidad by sntdivi
sntdivi
  • WpView
    Reads 1,158
  • WpVote
    Votes 95
  • WpPart
    Parts 8
Sinasabi nila na kayang magtagal ang pag-ibig kahit sa pinakamatinding digmaan-ngunit paano kung ang digmaan mismo ang pinakamalupit na kalaban? Sa gitna ng nagbabantang pagbagsak ng pamahalaang Kastila at ang pagdating ng mga bagong mananakop, isang lihim na pag-ibig ang unti-unting umusbong sa pagitan ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Si Trinidad, ang anak ng isang namayapang ilustrado na dating lumaban para sa reporma, ay pinanday ng lungkot, galit, at hangaring ipagpatuloy ang laban ng kanyang ama. Samantalang si Severino, isang tapat na Pilipinong guardia civil, ay nahulog ang loob sa babaeng bahagi ng kilusang lihim na Reklamadores. Sa pagsiklab ng Digmaang Español-Amerikano noong 1898- isang digmaang magtatakda ng kapalaran ng buong kapuluan- pinilit nilang pangalagaan ang isang pagmamahalan na isinilang sa pagitan ng tungkulin at pagtataksil, ng dangal at pagnanasa. Isang pag-iibigan na itinaguyod sa kabila ng panganib, pagdududa, at magkaibang pananaw sa kalayaan at pananagutan. Ngunit ang digmaan ay walang pakialam sa mga pusong umiibig. Ang kanilang lihim na ugnayan ay unti-unting nahulog sa pagitan ng tungkuling sundin ang utos ng kolonyal na kapangyarihan at ang matinding pagnanasang makalaya mula rito. Makakaligtas ba ang kanilang pag-ibig sa gitna ng kaguluhang nilikha ng digmaan, o magiging isa na lamang itong trahedyang magpapatunay na sa panahon ng pananakop, walang sinuman ang ligtas- maging ang dalawang pusong sabay na tumibok sa gitna ng himagsikan?
Operation: Winning The King's Heart by xxangelxx_writes
xxangelxx_writes
  • WpView
    Reads 1,107
  • WpVote
    Votes 55
  • WpPart
    Parts 22
Sa kakanood niya ng mga historical na K-drama, bigla na lang napunta sa sinaunang Korea si Catalina. Pumasok siya sa mundo ng isang K-drama bilang bida nito. Bilang babae ng hari, habang siya ay naghahanap ng paraan upang bumalik sa kaniyang modernong mundo, kailangan niyang makuha ang loob nito upang mabuhay nang maayos sa loob ng palasyo. Ngunit mailap ang hari sa mga tao at laging mainit ang ulo. Kaya sinimulan niyang planuhin kung paano makukuha ang puso nito. Ito ang Operation: Winning The King's Heart.
Sulat ng Tadhana  by Cinnamorena
Cinnamorena
  • WpView
    Reads 2,724
  • WpVote
    Votes 182
  • WpPart
    Parts 17
Paano kung isang araw . . . magigising ka na lamang bilang kontrabida ng isang istorya? At ano ang iyong gagawin sa oras na mahulog ang iyong kalooban sa kapwa mo antagonista? Hangad ng isang manunulat na si Marialunea Sae Caringal ang makalikha ng isang nobela. Ngunit sadyang lahat ng pangarap ay palaging may hadlang at para kay Lune, iyon ay ang writer's block na kaniyang nararanasan. Hanggang sa matagpuan niya ang isang librong magdadala sa kaniya papunta sa ibang mundo...patungo sa ibang pagkatao. At sa bagong mundong iyon ay makikilala niya ang taong magiging hamon sa kaniyang pananaw at prinsipyo na siyang kontrabida sa mismong kuwento-si Heneral Lejandro Almazan. Sa gitna ng kanilang tila walang hanggang bangayan, pag-ibig ba'y magbubunga? Paano kaya ipaglalaban ng dalawang antagonista ang kanilang pagmamahalan? Aayon ba sa kanila ang sulat ng tadhana? ---- Started: 12/26/24 Ended: -
Two Souls Of Esmeralda by sntdivi
sntdivi
  • WpView
    Reads 4,480
  • WpVote
    Votes 120
  • WpPart
    Parts 7
"The fuck! I have a boobie?!" Asher Clyde Lopez had it all-charm, skills on the court, and a long list of flings. But after a night of what he thought was just another drinking session, he wakes up to a nightmare. He's not in his bed. Not even in his own time. And worst of all? He's trapped in the body of a woman. A gorgeous, undeniably sexy woman named Esmeralda. With 1896 on the calendar, revolution brewing outside, and a disapproving ama waiting for his demure and respectable poise, Asher has one goal- survive long enough to figure out how the hell to get back to his own body. But in a time of war, deception, pretending to be Esmeralda might be harder than he thought especially when her body starts feeling too real, and his heart starts making unexpected choices. How do you escape a past that isn't yours? Or worse... what if you don't want to?
The Violet that takes me deeper by Worthyof_21
Worthyof_21
  • WpView
    Reads 2,453
  • WpVote
    Votes 1,155
  • WpPart
    Parts 48
Everdeens Mystique University is a place cloaked in mystery, led by powerful Enchanters from the ancient bloodline of the Everdeens. Here, every student must prove their strength, wisdom, and cunning through a mission or project designed to test their worth-only then can they truly be called an Everdeen. One such student, still learning the delicate art of magic, is faced with a challenge unlike any other. To pass her subject, she must undertake the Book Travelling - a journey into the heart of a novel. Within its pages, a story marked by tragedy awaits, and it is her task to rewrite its fate, to breathe hope into a tale the author once destined to end in sorrow. ~(E) Ang Everdeens Mystique University ay isang lugar na nababalot ng hiwaga, pinamumunuan ng makapangyarihang mga Enchanter mula sa sinaunang angkan ng mga Everdeen. Sa paaralang ito, bawat estudyante ay kailangang patunayan ang kanilang lakas, karunungan, at katalinuhan sa pamamagitan ng isang misyon o proyektong susubok sa kanilang kakayahan-tanging sa tagumpay nila sa pagsubok na ito sila tunay na matatawag na Everdeen. Isa sa mga estudyante, na nagsisimula pa lamang sa maselan at mahiwagang sining ng salamangka, ay naharap sa isang kakaibang hamon. Upang makapasa sa kanyang asignatura, kailangan niyang tahakin ang Paglalakbay sa Aklat-isang paglalakbay sa puso ng isang nobela. Sa loob ng mga pahina nito, isang kuwentong pinanday ng trahedya ang naghihintay, at tungkulin niyang baguhin ang kapalaran nito, magbigay liwanag sa isang istoryang minsang isinulat upang matapos sa lungkot. Sa kamay niya ngayon ang kapangyarihang magpanibago ng isang daigdig-at marahil, ang sariling landas. ~(T) *(This is a taglish novel!)
Sa Harap ng Pulang Bandila by AorinRei
AorinRei
  • WpView
    Reads 27,413
  • WpVote
    Votes 4,421
  • WpPart
    Parts 60
Babaeng nagmula sa kasalukuyan ang napadpad sa yugto ng himagsikan. Naroon lamang upang masaksihan ang bawat kaganapan, ang mga kamalian na tugma sa pangyayari ng modernong panahon na dapat iwawasto. Ang mga maling paniniwala na dapat iwaksi. Subalit kailangang alalahanin na walang mababago ni isa sa mga nangyari sa kasaysayan. Isinasaad sa panaginip na lahat ng matututuhan ay dadalhin sa kasalukuyan, ang dunong at kagitingan na magsisilbing armas, kasangga ang nag-aalab na damdamin ng pusong makabayan, ang siyang maghahatid tungo sa tunay na kapayapaan. Ako'y nasanay na sa takbo ng panahong ito, tulad na rin ng kanilang hangarin "Maaari po ba akong sumapi?" Sinong mag-aakala na hindi lang pala iyon ang aking makukuha. "Malamang ay bulag ang iyong mga nakakasamang tao sapagkat hindi nila makita ang iyong karilagan o marahil sila'y nabulag na dahil sa pagkasilaw sa iyong rikit." Kapwa namin batid na hindi tugma subalit nagsalitan pa rin kami sumpaan Kaniyang ipinagtapat na ang tunay na nadarama "Isang karangalan Ang maiharap ka sa pulang bandila Pangako, kailanman Mamahalin ko'y ikaw, wala nang iba" Ano ang mangyayari kung magiging malapit ang loob sa mga bayani ng nakaraan lalo na at alam na alam ang kahihinatnan ng mga ito? Tila panghuhuli ng agila ang dalawang magkatunggaliang panig na magdalo upang pagkaisahin ang mamamayan ng lupang tinubuan. May pag-asa pa bang ayusin ang pingkian ng kasalukuyan? Ako si Idianale, ang tagapagsalaysay ng tunay na kaganapan sa kasaysayan.
He, who conquered my heart by AorinRei
AorinRei
  • WpView
    Reads 653
  • WpVote
    Votes 193
  • WpPart
    Parts 4
ONESHOT STORY Maria is an aspiring nun who was sent on a perilous mission to infiltrate the enemy unit. She was supposed to seize crucial documents and bring an end to the suffering. However, fate had other plans, leading her to cross paths with Isao Yamazoe. Yamazoe is a Japanese soldier who loves his motherland the same way he loves the vanquished land. Maria's resolve is tested as she faces an impossible choice. Will she betray her nation and choose their happiness or sacrifice her own heart for the sake of sovereignty?
Liwanag sa Likod ng Kasawian by AorinRei
AorinRei
  • WpView
    Reads 248
  • WpVote
    Votes 109
  • WpPart
    Parts 3
Published under Lolakwentosera Book Publishing A ONESHOT STORY about familial struggles and pressure from society.