13th_Zodiac's Reading List
3 stories
Zack and Sab ( Original Story ) by Toyantz by supertoyantz
supertoyantz
  • WpView
    Reads 414,495
  • WpVote
    Votes 5,246
  • WpPart
    Parts 37
Zackarias Hidalgo - Mahirap ngunit pursigidong makapag aral. Mabait at masunuring anak. Tapat at maasahang kaibigan. Sabina Robles - Anak ng amo ni Zack. Spoiled. - - Lumaki si Zack sa poder ni Ditas. Sa dami ng hirap na pinagdaanan nito, tumatak na sa kanyang isip na kailangan nyang ibalik ang paghihirap na pinuhunan ng ina. At ito ay sa pamamagitan ng pagtatapos ng pag aaral. Sinuwerte namang may isang mabait na lalaking tumulong sa kanya. Si Saimon Robles, isang negosyante. Dahil sa kabutihang loob at awa ng lalake, kinupkop nya ang mag ina kapalit ng pagsisilbi nito bilang kasambahay. Tuwang tuwa si Zack at Ditas sa ideya. Makakapag ipon sila para sa pag aaral ng binatilyo. Ngunit may mas magandang offer si Saimon. Libreng pag aaral ni Zack kapalit ng pag aalaga nito sa kanyang nag iisang anak. Si Sabina. - - Kung tutuusin, madali lamang kay Zack ang lahat. Babantayan lamang nya ang mga kilos ni Sab habang nag aaral. Madali lang ito dahil sa iisang eskwelahan lamang sila. .. Planado na ang lahat. Kapag nakatapos sya ng pag aaral, gagawa sya ng paaran para matupad ang pangarap na maging Doktor. Ngunit nagkamali si Zack. Ang simpleng pagbabantay nya kay Sab ay naging kalbaryo. Ang pagtinging kapatid na inuukol nya para dito ay nagbago sa paglipas ng panahon. Ang pagtinging kapatid ay napalitan ng paghanga sa unti unting paglitaw ng ganda ng dalagita. Hanggang ang paghanga ay nauwi sa pagmamahal. - - Ito ang pinakamalaking suliranin ni Zack. Paano nya ipagtatapat ang nararamdaman sa among si Sab ? Kung sakaling maipagtapat nya, may pag asa ba syang mahalin din nito ? Paano na ang mga magulang ng dalagita ? Paano kung magalit ang mga ito sa kanya ? Paano na ang kanyang pag aaral ? Paano na ang kanyang pangarap ? Bakit maraming tanong ang author na alam naman nya ang sagot ? ? Di ba parang tanga na lang ? Pwedeng basahin nyo na lang ?
Kwadro Alas - Ace of Clubs by supertoyantz
supertoyantz
  • WpView
    Reads 41,478
  • WpVote
    Votes 649
  • WpPart
    Parts 2
Ang Kwadro Alas ay grupo ng apat na binatang pawang galing sa makapangyarihan at mayayamang angkan. Gwapo at siraulo ngunit busog sa pangaral ng mga magulang. Higit pa sa pamilya ang turingan. Sagrado ang salitang RESPETO. Sama sama silang nalalagay sa alanganin ngunit kailanman ay hindi nila iniwan ang isa't isa. Kabilang sa grupong ito si Rhoi. Sya ang may hawak ng titulong "Ace of Clubs" Pinaka positibong mag isip at laging nasa katwiran kung magdesisyon. Likas din syang mapagbigay at matulungin sa nangangailangan lalo na sa mahihina. - - - - - Sa kabila ng pagiging astigin ni Rhoi, mayroon syang tanging kahinaan bukod sa mga magulang. Ang kababatang si Krising. Sa twina, sila ang laging magkasama. Bukod sa tatlo pang alas, ito ang kanyang kasangga at karamay sa lahat ng oras. Walang hiya hiya sa kanila kahit pa pareho na silang nasa hustong gulang. Tulad ng tatlong alas, kasabay nyang lumaki si Krising. Kapatid din ang turing nya sa dalaga at ganun din ito. May mga sikreto syang ito lamang ang nakakaalam. Planado na ang lahat. Ngunit ang lahat ng ito ay nasira sa isang gabi ng pagkakamali. Nagising ang damdaming akala nya'y matagal na nyang nalimot. Nagkamali sya ng kalkula sa sitwasyon. Bigo syang ibaon ang nararamdaman, bagkus ay lalo lamang itong nahinog sa pagdaan ng panahon. - - - - Nalagay sya sa alangin. Habang dumadaan ang mga araw, tila lalo nyang minamahal ang kaibigan. Pinilit nyang sikilin ang nararamdaman. Hanggang sa di na sya makatiis, lakas loob syang nagtapat. Pero bago pa nya ito magawa, naunahan na sya ng kaibigan. - - - - - Kwadro Alas book 3 - Ace of Clubs. Story of Rhoi and Krissia. Kiligin, tumawa, kabahan, mangisay, mabwisit, maimpatso sa ating mga bida. Samahan natin silang tuklasin kung gaano kalakas ang pwersa ng pag ibig na hinaluan ng pinaka importanteng sangkap, ang pagkakaibigan. Ano pang hinihintay mo ? Tara na ? Game!
Expensive Hearts by 13th_Zodiac
13th_Zodiac
  • WpView
    Reads 1,978
  • WpVote
    Votes 76
  • WpPart
    Parts 31
Si Luke Harris ay isang binatang walang alam sa kanyang totoong pagkatao. Naaksidente ang mga magulang nya at sa kasamaang palad ay nakasama siya sa nahulog na sasakyan sa gilid ng bundok. Natagpuan siya ng kasalukuyan nyang kinikilalang ama na pinangalanan siyang Stephen. Lumipas ang mga taon at sa pakikipagsapalaran sa maynila ay maynakita siyang isang magandang dilag na kailanman ay di nya inakalang iibigin nya, si Wendy. Paano magkakasundo ang dalawang taong pinagtagpo na may magkasalungat na pananaw sa buhay?