phr
42 stories
CASEY'S SECRET RECIPE (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 101,893
  • WpVote
    Votes 1,582
  • WpPart
    Parts 12
"Stop begging me to let you go. Because that's the last thing I'd do." Pagkalipas ng sampung taon, bumalik si Casey sa Pilipinas sa pag-aakalang nalimutan na ng lahat ang kanyang madilim na nakaraan. Pero nagkamali siya. Dahil hindi pa man siya nagtatagal sa bansa ay ginulo na siya ng mga tao sa kanyang nakaraan. At isa na roon si Gideon, ang lalaking naging malaking parte ng nakaraan niya. Tatakas na sana uli si Casey pero dalawang bagay ang pumigil sa kanya. Una: ang kagustuhan niyang makasama uli si Gideon kahit kumokontra doon ang kanyang puso at Pangalawa, gusto niyang masiguro ang kutob niyang mayroong inihahandang sorpresa ang binata para sa kanya. Aminado si Casey na mahal pa rin niya si Gideon kaya nakahanda siyang ayusin ang gusot na namagitan sa kanila. Mukhang ganoon din ang gusto ng binata kaya nagkasundo silang ibalik ang dating magandang samahan nila. Maayos na sana ang lahat. Kaya lang, nalaman niyang ikakasal na pala si Gideon sa iba at inililihim lang nito iyon sa kanya.
The Rebellious Wife (COMPLETED) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 564,656
  • WpVote
    Votes 12,482
  • WpPart
    Parts 29
Caleb wanted and longed for a child and a beautiful family. Kaya ginawa niya ang hindi hassle na paraan para matupad iyon: he purchased a wife. But it turns out na pinahirapan lang niya ang sarili niya. Serena---his bride---was not the lady he has thought to be. Pero responsableng tao si Caleb. Aayusin niya ang gulo na siya mismo ang gumawa. Pinakasalan siya ni Serena dahil sa pera niya. Ipapakita naman niya sa asawa na may mas mahalaga pang "asset" sa kanya na dapat ay pansinin nito...
The Missing Wife (COMPLETED) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 637,145
  • WpVote
    Votes 12,555
  • WpPart
    Parts 27
Mga bata pa lang, ipinagkasundo na sina Rafe at Liv. Naikasal sila ayon sa plano. Bumuo sila ng pamilya at nagkaroon ng isang anak-si Scarlett. Maayos naman ang lahat hanggang sa isang araw, umalis na lang si Liv nang walang paalam. Bumalik si Liv pagkalipas ng tatlong taon. Ayaw talaga ni Rafael na tanggapin ang asawa, pero hinayaan niya itong makapasok uli sa buhay nila-hindi para maging ina ni Scarlett kundi para ipakilala si Liv bilang yaya ng kanilang anak. Pero sa paglipas ng mga araw, naramdaman ni Rafe na may kulang pa sa kanyang pamilya. He needed a woman who would fill his bed. Again, he saw Liv as the perfect candidate.
Hello Again, My One and Only (Published under Precious Hearts Romances) by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 165,377
  • WpVote
    Votes 2,569
  • WpPart
    Parts 12
"You may be out of my sight but not out of my heart. You may be out of my reach, but not out of my mind. I may mean nothing to you but you'll always be special to me." February was the golden girl, the princess. Wala siyang ginusto na hindi nakukuha. Kaya naman nag-init ang kanyang ulo nang parang may sakit siyang iniiwasan ng probinsiyanong transferee na si Raymond Angeles. He was one gorgeous hunk that caught February's attention. Sunod siya nang sunod sa binata na hindi pa nangyari kahit kailan. Nasaktan siya nang sabihan na parang asong bubuntot-buntot kay Raymond kaya nagalit siya at binalak na gantihan ang binata. But he became her unexpected hero in a school dance. At himala ng mga himala ay nagkaroon sila ng pagkakataong maging close. Pero hindi iyon tumagal, umalis si Raymond na galit dahil sa maling akala na pinaglaruan niya ito. Limang taon ang lumipas at muling nagbalik si Raymond. He was now a famous swimmer. Baliktad na ang kanilang mundo, mahirap na si February. Hindi alam ng dalaga kung bakit nakikipaglapit sa kanya si Raymond na para bang hindi siya iniwan noon. And how can she stop herself from falling in love with him all over again?
The Pregnant Wife (COMPLETED) by CadyLorenzanaPhr
CadyLorenzanaPhr
  • WpView
    Reads 809,202
  • WpVote
    Votes 17,286
  • WpPart
    Parts 23
"Kailangan ba talaga na kilalang-kilala natin ang isa't isa para magpakasal? The only thing we need is what we feel for each other." Wala nang mahihiling pa si Duke Jacques sa buhay niya. He got good looks, money, fame, a successful career and a beautiful partner in life. He was living the dream. At ganoon din ang buong akala niyang nararamdaman ni Misha. Kaya isang araw, nagulat na lang siya nang sabihin ng asawa na pakiramdam nito ay may kulang pa sa buhay nila. Gusto raw nitong magkaroon ng anak. No way! Isa nga sa mga dahilan kung bakit niya pinakasalan si Misha ay dahil alam niyang hindi ito puwedeng mabuntis. But two lines from a pregnancy test turned Duke's perfect world upside down...
It's Gonna Be Love (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 97,557
  • WpVote
    Votes 1,633
  • WpPart
    Parts 10
Hindi matatawaran ang inis na nararamdaman ni Cindy kay Colt tuwing nakikita niya ito. Nalaman kasi nito na pinagpapantasyahan niya ang kaibigan at kabanda nito na si Milo. Dahil sa kagustuhan niyang mapalapit sa iniirog ay nilapitan niya ito at nagpatulong na "ilakad" siya kay Milo. Pumayag ito ngunit binigyan siya nito ng kondisyon: kailangan niyang maglinis sa apartment nito tatlong beses sa isang linggo. Walang nagawa si Cindy kundi pumayag. Iyon lang ang tanging paraan para magkaroon ng katuparan ang fairy-tale love story nila ni Milo. Sa bawat araw na kasama niya ito ay unti-unting nagbabago ang nararamdaman niya para kay Colt. Sa halip na si Milo ang laman ng panaginip at pantasya niya ay ito ang naging perma- nenteng namamahay sa isip niya. Lalo lang niyang nasiguro na mahal na niya ito nang ma-threaten siya sa mga babaeng umaaligid dito. Ngunit mukhang kahit ano pa ang gawin niya ay hindi rin magkakaroon ng katuparan ang love story nila dahil pagtinging-kaibigan lang ang nararamdaman nito sa kanya.
Love Thy Neighbor (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 84,741
  • WpVote
    Votes 1,565
  • WpPart
    Parts 10
Isang taon nang kapitbahay ni Cris si Allie pero nagkakasya lang siyang tinatanaw ito mula sa malayo. Para kasing may sariling mundo ito; hindi ito nakikihalubilo sa ibang tao. Nang magkaroon siya ng pagkakataon upang mapalapit dito ay sinunggaban na niya iyon kahit pa nga mukhang walang interes ito sa kanya. Nang malaman pa niya ang totoong katauhan nito ay lalo siyang nawalan ng pag-asang mamahalin din siya nito. Paano naman ang pagsinta niyang inabot nang isang taon? Hanggang isang gabing nalasing siya ay hinalikan siya nito. Ano kaya ang ibig sabihin niyon?
The Artist's First Love (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 95,910
  • WpVote
    Votes 1,544
  • WpPart
    Parts 13
"Akala ko hindi na 'ko magmamahal pa. 'Yon pala, ikaw lang ang hinihintay nitong puso ko." Nahaharap sa isang financial problem ang pamilya ni Bridgette. Kailangan niyang kumita ng pera para mabayaran ang bangkong pinagkakautangan nila para hindi makuha ang lupa't bahay nila. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli niyang nakita ang high school classmate niyang si Takehiro. Sinabi ni Takehiro na tutulungan siya sa financial problem niya kung tutulungan din niya ito. Pinagpanggap siya ni Takehiro na buntis na girlfriend at ipinakilala sa pamilya para daw hindi na ito papuntahin sa Japan. Madali lang naman sana ang deal nila, smooth sailing na ... Kaya lang, kung kailang na-in love na si Bridgette kay Takehiro at balak nang totohanin ang relasyon nila, saka naman dumating ang "fiancée" ng binata... at wala siyang kaalam-alam do'n! https://www.facebook.com/The-Nightingale-Trilogy-1502439353329197/ https://www.preciousshop.com.ph/home/ https://preciouspagesebookstore.com.ph/ https://www.facebook.com/Precious-Pages-229654370425644/ https://www.facebook.com/BooklatOfficialPage/
Tale As Old As Time (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 79,337
  • WpVote
    Votes 1,442
  • WpPart
    Parts 12
Dahil sa kasawian sa pag-ibig ay ipinangako ni Rodgine sa sarili na hindi na muna siya magmamahal. Pero wala pang isang araw pagkatapos niyang ideklarang brokenhearted siya ay parang biglang na-mighty bond ang puso niya at kusang nagdikit-dikit nang makilala niya si Kwesi. Para itong anghel na pinababa sa lupa upang mabilis siyang maka-recover mula sa pagkasawi niya. Sa maikling panahon ay na-in love siya sa binata. Kinalimutan niya ang mga agam-agam dahil sa puso niyang nagpasyang mahalin ito. Hanggang sa malaman niya kung sino ba talaga ito at kung ano talaga ang pakay nito sa kanya. Dapat pa ba niyang ipagkatiwala rito ang puso niya o hahayaan na lamang niyang masaktan siya nito?
Twisted Tales Book 3: Sweet Crazy Love by _cinnamondreamer_
_cinnamondreamer_
  • WpView
    Reads 75,823
  • WpVote
    Votes 1,825
  • WpPart
    Parts 10
[When your past came back to haunt you...] Wala nang mahihiling pa si Lemon-masaya na siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Hanggang sa ipakilala sa kanya ng kaibigan niyang si Pepper ang lalaking pakakasalan nito: si Joey Montinola. Si Joey ang lalaking ayaw na niyang makita. Ngunit hindi na siya makakaiwas dahil siya ang napili ni Pepper na mag-organize ng engagement party nito. Kahit hindi niya gusto ang ideya ng pagpapakasal ng dalawa, ginawa pa rin niya ang kanyang trabaho. She thought everything was going to be perfect, but something went wrong. Tumakas si Pepper; and worse, sumama ito sa kuya niya. Sinabi ni Joey sa kanya na kailangan niyang malusutan ang problemang iyon. At hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa nito. Joey suddenly kissed her. The moment Lemon felt his lips on hers, she knew he had captured her heart. Again.