purplemoon_09
Ang Kwento ng Tubig at ng Bato (Isinalin sa wikang Filipino)
Panulat ni G. Run Kantheephop
Buod:
Si A-Po ay isang graduate student na inimbitahan ni Karn, kaniyang junior, upang gumanap sa maikling pelikula na proyekto ni Karn para sa kaniyang Thesis. Dahil sa pangyayaring iyon, nakilala ni A-Po si Sila, isang kolehiyal, na nakababata kay A-Po ng anim na taon. At ang maikling pelikula na kailangan nilang gampanan ay mayroong tema ng Boys Love sa direksyon ni Karn. Sa katunayan nga, hindi masyadong nahirapan si Karn sa pagsasagawa ng kaniyang pelikula sapagkat siya ang nagpapasimuno ng halos lahat ng kailangan nilang gawin.
Habang nagsasanay sina Sila at A-Po, ginawa ni A-Po ang lahat upang mapalapit kay Sila. Paulit-ulit niyang idinahilan na gusto niya na maging perpekto ang tinatrabaho nila kaya dapat laging "in-karakter mode" silang dalawa kapag magkasama sila. Maihahantulad ang ginawang pakikipaglapit ni A-Po kay Sila sa isang kasabihan na "constant dripping wears away the stone". Naging determinado at pursigido si A-Po na kaibiganin si Sila sa lahat nang pagkakataon na sila'y magkasama hanggang sa makuha niya ang loob ni Sila at unti-unting nagbago ang pakikitungo nila sa isa't-isa.