MrMontenogra
Isang makabuluhang pangyayari na babago sa isip at pananaw mo sa buhay na kung saan bawat salita o katagang iyong binitawan o bibitawan ay may malaking epekto sa buhay ng iba. Ang mga salita ay napakahiwaga at makapangyarihan. Kung iyong gagamitin ng tama ay paniguradong nasa tama ang iyong landas at kung magamit mo man ito sa maling paraan gumawa ng sariling hakbang upang mabawi ito sa magandang paraan dahil kung hindi mo mabawi ang iyong mga salita tiyak na hahantong ito sa hindi natin inaasahang pangyayari.