TravisClevour
Ang istoryang ito ay patungkol sa isang guild sa bansa ng Sicco na kilalang kilala dahil sa angkin nitong galing at lakas. Ito ay ang Sabertooth.
Si Seila ay isang probinsyanang babae na idolo na ang guild na ito bata pa lamang siya. Pangarap na niyang makapasok dito o masilayan lamang ang mga miyembro nito. Kaya ng magkaroon siya ng pagkakataon na manirahan sa siyudad ay sinamantala na niya ito upang hanapin ang guild na matagal na niyang pangarap.
Sa paghahanap ay may trahedyang naganap sa kaniya. Doon niya nakilala ang lalaking makatutulong sa kaniya upang hanapin ang matagal na niyang hinahanap. Ito ay si Dexter. Anong buhay kaya ang tatahakin ni Seila sa piling ni Dexter at nang guild ng Sabertooth?