Writer Friends 😉
2 historias
The King and The Serial Killer por WigoPrimo
WigoPrimo
  • WpView
    LECTURAS 460
  • WpVote
    Votos 58
  • WpPart
    Partes 4
Nakagapos ng mahigpit at nakabitay, ang naging kalagayan ni Ralmer nang bumalik ang kanyang ulirat. Pinagmamasdan niya ang buong paligid. Masasabing sagrado ang lugar pero nababanaagan niya ang hipokritong-kabanalan. Nakapaligid ang mga kandelabrang umiilaw na nagsisilbing liwanag sa antigong simbahan. Nagmistula siyang si Hesukristo, nakabitin sa harap ng dambana. Tanaw niya ang mga bakanteng upuan at mahabang mesa na pinaglalagyan ng makapal na librong nakabukas at mayroong nakapatong na pamilyar na bookmark. GOMBURZA Ang salitang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang utak. Ang salitang madalas niyang nakikita na nakasulat sa parihabang bookmark. Sa harap ng pananda, nakasulat ang salitang GOMBURZA na pinalamutian ng korona ng hari at baril. Sa likod, ang maiksing mensahe na nakasulat sa makalumang instrumentong panulat-ang balahibo ng hayop. Bakas sa kulay ng mga salita ang paghihimagsik at kamatayan.
MAPUSOK por WigoPrimo
WigoPrimo
  • WpView
    LECTURAS 1,407
  • WpVote
    Votos 118
  • WpPart
    Partes 11
Maladas siyang hinuhusgaan. Walang limitasyon sa sarili. Kung ano ang tinatakbo ng kanyang utak, pinapahayag sa marahas na paraan, iyan si Archer John Mercampo. Nabago ang kanyang pagkatao dahil sa pinagdadaanan at para makuha ang affirmation na hinahangad. Ilang taon din siyang kinulong sa takot. Pero, sa paglipas ng panahon unti-unti niyang napagtanto, ang nakakasakal na pagkatao ay kailan man hindi siya magiging masaya. Pinipilit siyang maging hipokrito. Pinipilit siyang mabuhay sa nagmaskarang pagkatao. Sa kanyang magagandang pangangatawan nagtatago ang kanyang kapusukan. Makasarili. May sariling mundo. Mundo na alam niyang siya'y malaya. Mundo na pinagtatawanan at hinuhusgaan ng iba. May babae pa kayang nakatadhana para mabago ang takbo ng kanyang mundo?