The King and The Serial Killer
WigoPrimo
Nakagapos ng mahigpit at nakabitay, ang naging kalagayan ni Ralmer nang bumalik ang kanyang ulirat. Pinagmamasdan niya ang buong paligid. Masasabing sagrado ang lugar pero nababanaagan niya ang hipokritong-kabanalan. Nakapaligid ang mga kandelabrang umiilaw na nagsisilbing liwanag sa antigong simbahan.
Nagmistula siyang si Hesukristo, nakabitin sa harap ng dambana. Tanaw niya ang mga bakanteng upuan at mahabang mesa na pinaglalagyan ng makapal na librong nakabukas at mayroong nakapatong na pamilyar na bookmark.
GOMBURZA
Ang salitang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang utak. Ang salitang madalas niyang nakikita na nakasulat sa parihabang bookmark. Sa harap ng pananda, nakasulat ang salitang GOMBURZA na pinalamutian ng korona ng hari at baril. Sa likod, ang maiksing mensahe na nakasulat sa makalumang instrumentong panulat-ang balahibo ng hayop. Bakas sa kulay ng mga salita ang paghihimagsik at kamatayan.