krukydoky's Reading List
7 stories
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 34,048,228
  • WpVote
    Votes 838,346
  • WpPart
    Parts 49
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at lungkot sa kanyang puso: si Nathan. Magagawa kaya nilang maitama ang pagkakamali ng nakaraan upang maiwasan ang trahedyang dulot ng bawal na pag-ibig na nagsimula pa noong una at nagpapatuloy kahit ilang siglo na ang nakalipas? O hanggang sa panahon bang ito ay hindi pa rin nila mababago ang nakasulat sa kanilang kapalaran? A story that will look back from its past and present. Will the lines connect them for the second time around? or Will history repeats itself? [Next: "Bride of Alfonso"] Date Written: May 06, 2017 Date Finished: November 12, 2017
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,669,020
  • WpVote
    Votes 307,293
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Love at First Read (Pereseo Series #1) by chiXnita
chiXnita
  • WpView
    Reads 24,978,516
  • WpVote
    Votes 990,984
  • WpPart
    Parts 54
[ Pereseo Series #1 ] Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae. -- Book cover by @arkiSTEPH
Targets of Destiny (Pereseo Series #1.5) by chiXnita
chiXnita
  • WpView
    Reads 5,250,719
  • WpVote
    Votes 177,852
  • WpPart
    Parts 50
Sequel/Book 2 (The MAIN STORY) of Love at First Read. Ano ang gagawin mo kung ginulo ng tadhana ang tahimik mong mundo? Sina Train, AB, Kudos, at Hazel, pinagsama-sama at sabay-sabay na pinaglaruan ng tadhana. Handa na nga ba silang harapin ang lahat kahit na maaari silang masaktan at mawasak sa huli? *** Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Para kay Train, kaya niyang suwayin ang ama at maghintay ng hanggang sampung taon para kay AB. Para kay AB, pipilitin niyang mabuo ang nawasak na sarili para maging karapat-dapat kay Train. Para kay Kudos, kaya niyang masaktan nang paulit-ulit basta't mananatili siya sa tabi ni AB. At para kay Hazel, patuloy siyang aasa na mahahanap ang taong tunay na magmamahal sa kanya. Pero paano kung tadhana at realidad na ang kalaban nila? Itutuloy pa rin ba nila ang laban kahit na pinipilit na nito na sumuko na sila?
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,644,144
  • WpVote
    Votes 586,788
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020