desfar123's Reading List
2 stories
Stuck With Me - Published under PHR by rieannpeach
rieannpeach
  • WpView
    Reads 92,939
  • WpVote
    Votes 1,630
  • WpPart
    Parts 12
My First Published Novel under Precious Heart Romances. "Walang araw na hindi ko pinangarap na maging akin ka." Mahal na mahal ni Jane si Paolo. Kaya nang mag-propose ito ng kasal ay buong puso niyang tinanggap. Kaya lang, tuwing sasabihan siya nito na mag-set na ng date ng kanilang kasal, lagi siyang tumatanggi. Marami pa kasi siyang gustong gawin sa buhay. Kampanteng-kampante siya sa pagmamahal ni Paolo sa kabila ng ilang beses niyang pagtanggi sa alok na kasal. Masyado kasi itong mabait at maunawain na nobyo at ramdam na ramdam niyang mahal na mahal siya nito. Pero mali pala si Jane sa pag-aakalang laging makauunawa ang nobyo. May hangganan pala ang lahat. Napagod ang taong labis-labis na nagmamahal sa kanya. Isang araw ay nakipag-break si Paolo, sinabing hindi na nito kayang maghintay. Nagsisi si Jane na nagpatumpik-tumpik pa siya sa pagkakataong pinalampas niya na makasama habang-buhay ang minamahal. Lalo na nang may umeksenang maganda at seksing babae kay Paolo. Nag-panic ang puso niya! Hindi siya makapapayag. Handa siyang lumaban mabawi lang ang lalaking dati naman nang nakalaan para sa kanya.
Aseron Weddings: I'll Be There For You by bosxzjhen
bosxzjhen
  • WpView
    Reads 965
  • WpVote
    Votes 9
  • WpPart
    Parts 16
Malaki ang utang na loob ni Elezabeth kay Lolo Nemo Aseron. Tinulungan siya nito noong panahong walang wala na siyang ibang makakapitan. Kaya walang pangingiming um-"oo" agad siya kay Lolo nemo nang pakiusapan siya nito na turuan niyang maging responsable sa negosyo ang apo nitong walang alam gawin kundi magwaldas ng pera. Ngunit nang malaman niyang si Giac ang apo na tinutukoy ng matanda, parang gusto niyang umurong sa usapan. Umibig siya rito noon at nabigo. Kaya nga ayaw na niyang ipagkatiwala ang puso niya sa isang lalaki. Mas malalim, mas mahirap kalimutan, at napakaimposebleng paghilumin ang sugat na nilikha nito noonsa batang puso niya. Pero paano kung iyon na ang pagkakataon niya para makaganti rito? Kapalaran na mismo ang naglapit sa kanya sa binata. Ito naman ang paiibigin niya ngayon at sa huli ay tatalikuran tulad ng ginawa nito sa kanya noon. Magagawa ba niya iyon nang hindi nasasangkot ang puso niya?