Kenthelion
3 stories
Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka by KenTheLion
KenTheLion
  • WpView
    Reads 222,009
  • WpVote
    Votes 10,423
  • WpPart
    Parts 42
Nayanig ang mundo ni Crisostomo aka Soso Toto Momo nang isang maalinsangang katanghalia'y utusan siya ng kanyang ama na bumili ng suka sa tindahan para sa niluluto nitong paksiw. Sa kalagitnaan ng paglalakad pabalik ng kanilang tahanan, habang nagbibilang ng sukli, nilapitan siya ng tatlong maskuladong kalalakihan at pwersahang ipinasok sa van. Binitbit siya ng mga ito sa mansyon ng mga Torente, kung saan siya napilitang makipaglaro kay Blaise (na may saltik) sa pag-aakalang kapag ginawa niya ito'y makakalaya na siya't makakabalik sa normal na buhay. Ginalingan niya pa man din. Sa kasamaang palad, pinalala lamang nito ang kanyang sitwasyon. Sa sukdulang galak ng mga magulang ni Blaise sa kanyang naging pagganap ay hindi na siya pinakawalan ng mga ito, para hindi na mawalan pa ng kalaro ang kanilang anak, para lagi itong masaya. Hindi sana magiging impyerno para kay Soso ang pagtira sa mansyon kung nanatili lang ang ugali ni Blaise noong una nilang paglalaro. Kaya lang, sa paglipas ng mga araw ay unti-unting lumabas ang sungay nito't hindi na laruan ang nilalaro, kundi mismong ang kanya nang kalaro. Ang tanong, mangyayari ba ang lahat ng ito kung hindi siya inutusan ng kanyang ama na bumili ng suka? At ang mas malaking tanong, kamusta na kaya ang paksiw na niluluto ng kanyang ama gayong hindi na ito nalagyan pa ng karagdagang suka? ****
You Stole My Heart by KenTheLion
KenTheLion
  • WpView
    Reads 294,483
  • WpVote
    Votes 9,028
  • WpPart
    Parts 46
Book I of the TMK Series **** What Zeke wants, Zeke gets. Kung hindi madadaan sa pakiusapan, idadaan sa santong paspasan. Handa syang gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Magagawa nya nga bang makuha ang pagtingin ni Xandro? Paano kung sa kalagitnaan ng pagpapa-ibig nya kay Xandro e sya ang mahulog dito? Alamin natin kung paano nanakawin ni Zac Hale Kennedy ang sabik sa pag-ibig na puso ni Alessandro Keith Tejano
Inutusan Ako ni Paps Bumili ng Itlog by KenTheLion
KenTheLion
  • WpView
    Reads 28,363
  • WpVote
    Votes 1,429
  • WpPart
    Parts 18
Nayanig ang mundo ni Crisostomo Molino III aka Tres nang isang maalinsangang katanghalia'y utusan siya ng kanyang ama na bumili ng itlog sa tindahan bilang handa sa kaarawan ng butihing esposo nito. Naghihimutok dahil sa nawawala niyang underwear, hindi na niya napansin na may sumusunod sa kanyang kalalakihan, na kinalaunan ay piniringan siya't dinakip. Binitbit siya ng mga ito sa isang abandonadong gusali, at doon ay nakadaupang-palad niya ang iba pang mga tao na dinukot din ng sindikatong iyon. Bakas sa mukha ng mga ito na hinihintay na lamang nila ang araw na sila ang mapipiling chop-chopin at ibenta ang mga laman-loob sa mayayamang nangangailangan. Tanging ang ating bida lamang ang may kalooban upang ipaglaban ang kanyang buhay. At dahil ginalingan niya, siya'y nagtagumpay. Oops, hindi pala isang tagumpay na maituturing ang kanyang nakamit, sapagkat sa pagbukas ng pinto patungo sa kalayaan ay lalo lamang siyang nakulong sa sitwasyong talaga namang nakamamatay. Magiging boyfriend niya ang siraulong mangangatay-tao. Ang tanong, mangyayari ba ang lahat ng ito kung hindi siya inutusan ng kanyang ama na bumili ng itlog? At ang mas malaking tanong, kaninong itlog ang pinakamalalamog?