WeirdyGurl
- Reads 377,509
- Votes 13,943
- Parts 37
Matagal na ang lihim na pag-ibig ni Mahaleah Salvatierre kay Psalmuel Fidalgo ngunit nobyo na ito ng kanyang matalik na kaibigan. Mortal din na magkaaway ang pamilyang Salvatierre at ang mga Fidalgo simula pa noon dahil sa pagpaslang ni Don Jaime Salvatierre sa kaisa-isang apong babae ng mga Fidalgo na si Ysabella mahigit isandaang taon na ang nakalilipas.
Dahil doon, ipinataw ni Donya Maria Consuelo Fidalgo ang sumpa sa mga Salvatierre, at mula sa henerasyon ng kanilang pamilya ay wala pang Salvatierre na batang babae ang nabuhay nang lampas sa edad na dalawampu't tatlo.
Ngunit nakahanap ng paraan ang pamilya ni Mahaleah para maputol ang sumpa nang makita nila ang lumang diary ni Regina Salvatierre-ang yumaong tiyahin ni Mahaleah. Nakasulat sa kanyang talaarawan na kailangang magkaroon ng anak ang isang Salvatierre at Fidalgo at hindi dapat malaman ng binatang Fidalgo ang tungkol sa tanging kondisyon ng sumpa dahil nangangahulugan ito ng kamatayan sa dalagang Salvatierre.
May pag-asa pa bang mabuhay si Mahaleah kung ang kaisa-isang anak ng mga Fidalgo ay ikakasal na sa iba? O baka magaya na lang din siya sa sinapit ng mga naunang babaeng anak ng mga Salvatierre na naglaho nang hindi nakakamit ang tunay na kaligayahan?
Sino ang magliligtas kay Mahaleah?