NerdDo
- Reads 2,551
- Votes 134
- Parts 13
Siya na siguro yung pinakasikat na taong nakilala ko, na alam ko namang malabong magkaroon ng interes saakin. Hindi ko alam kung bakit ako nagmahal ng taong hanggang pantasya ko lang makakasama, mahahawakan, makakausap at syempre yung gustuhin at mahalin ng sobra. Paano kaya pagdumating yung araw na magcross ang mga landas namin? Mapapansin nya ba ang isang tulad ko? Isang tulad ko na walang ibang ginawa kundi magpapansin. Posible kayang mahalin nya rin ako gaya ng sobrang pagmamahal ko sakanya? Sana isang araw pagmulat ko ng mga mata ko totoo kana at hindi nalang isang larawan na hanggang tingin at haplos nalang sa cellphone ang kaya kung gawin sana Chester Lapaz isang araw may mabuong salitang tayo.
-NerdDo