REPLEKSYON (COMPLETED)
hellequeen
- Reads 3,941
- Votes 425
- Parts 27
Ang katapusan. Ito na ang katapusan. Kung ano man ang maging kalalabasan nito, tanggap ko na. Hindi na ako nagpaalam kina James at Kyle. Siguro naman maiintindihan nila ang lahat.
Tanggap ko na ang lahat. Tanggap ko na simple lang ang plot ng kwentong ito kaya kaunti na lang ang exposure ko. Patapos na ako sa buhay.
Nang isang araw lang, isa akong narcissistic at selfish na tao, ngayon...ganoon parin pala ako. Bumait lang ako sa paningin ng mga nakakaalam nitong kwento dahil alam nila na gusto ko bumawi kay Chloe. Pagkatapos nito, matatapos na rin ang kwento ko.