Jaja
16 stories
Paint My Love (Completed!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 829,339
  • WpVote
    Votes 13,175
  • WpPart
    Parts 14
Arthur Franz de Luna's story. :) Kumukulo ang dugo ni Ada sa boss niyang si Arthur Franz de Luna. Adelantado at arogante ito. Tila misyon din nito sa buhay ang painitin ang ulo niya araw-araw. Kaya lagi rin siyang may sagot sa bawat atake nito. Kung hindi nga lang napakalaki ng utang-na-loob niya sa mga magulang nito ay matagal na siyang nag-resign sa trabaho. Pero naglaro ang tadhana. Nagkasakit siya at ang binata ang nasa tabi niya. Hindi niya inasahan ang labis na pag- aalala nito sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakapag-usap sila nang hindi nagbabangayan. Iyon ang naging daan para magbago ang pakikitungo nila sa isa't isa. Nadiskubre niya ang magagandang katangian nito na hindi niya nakikita noon dahil sa inis niya rito.
Myco Gosiaco by PocketBooksStories
PocketBooksStories
  • WpView
    Reads 31,699
  • WpVote
    Votes 365
  • WpPart
    Parts 1
"Hindi ko hahayaang maramdaman mo na mag-isa ka. I want to stay here with you and I know I'm doing the right thing." Olympia Montez was out to save the world. Isang impormasyon ang nakuha niya na isang terorista ang kinakanlong ng Stallion Riding Club. Kaya pumasok siya roon bilang si Florecina Malaybalay,ang ambisyosang housekeeper na ang gusto lang ay makapag-asawa ng guwapong member ng riding club. Wala siyang planong ma-in love kung hindi lang humahara-hara sa daraanan niya si Myco Gosiaco,ang masungit at supladong head ng security ng riding club. Isang kalaban si Myco. Pero bakit nanatiling sutil at hindi nakikinig ang puso niya? *** Ctto *** ~creator~
Ang Pinakanakakalokang Love Triangle sa Balat ng Lupa (COMPLETED/PUBLISHED) by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 75,555
  • WpVote
    Votes 1,035
  • WpPart
    Parts 16
Isang Babae... Isang Lalake... Nag-aagawan sa isang bakla... Ito ang pinakanakakalokang love triangle sa balat ng lupa!
Not Like In The Movies (COMPLETE) by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 91,345
  • WpVote
    Votes 1,723
  • WpPart
    Parts 17
May dalawang pangarap ang stand-up comedian na si Beauty: ang maging isang sikat na personalidad at ang mapansin ng artistang si Gavin Acosta. Para matupad ang kanyang mga pangarap, nag-audition siya para maging leading lady ni Gavin. Dahil hindi naman pang-beauty queen ang hitsura niya ay hindi natanggap si Beauty. Pero napansin naman siya ng hinahangaan niya at inalok pa siya na maging personal assistant nito. Aba, tatanggi pa ba siya? Of course not! Gustong-gusto talaga niyang mapalapit sa lalaki. Habang magkasama sila ay ginawa niya ang lahat para mapasaya si Gavin: kinulit niya ito at pinatawa. At sa kabila ng kasimplehan ng buhay at hitsura niya, bigla na lang itong umamin isang gabi na nai-in love na raw ito sa kanya. Wagi ang beauty niya! Pero kasunod niyon ang mabibigat na komplikasyon, dahil buong Pilipinas yata ang humahadlang sa kanilang relasyon. Naisip tuloy ni Beauty, karapat-dapat bang maging bahagi ng mundo ni Gavin Acosta ang tulad niyang hindi kagandahan, hindi ka-sexy-han, at hindi katalinuhang fan girl?
Stallion Island (Adaptation) The Flippant Lord and The Defiant Princess by Nightxshade
Nightxshade
  • WpView
    Reads 376,359
  • WpVote
    Votes 4,011
  • WpPart
    Parts 37
Nayoumi Ortaleza is no ordinary woman. She's intelligent, influential and very attractive. She's not the type of girl that easily to crumble or take failure and she has proven a lot just to take down by a challenge. Kaya kung mayroon man kumalaban sa kanya, kung hindi nasisindak o natatameme, bumabagsak. Literal. Kagaya na lang sa isang pobreng lalaki na minsang nakabanggaan niya at nakasagutan nang matindi. Hindi naresolba ang gusot sa paraang diplomasya kundi sa isang masakit at malakas na body throw. She didn't regret it at first. But as she realized her tactless move, it made her feel the unjustly guilt. Sa pag-aakala na hindi na sila magkikita, Nagkakamali pala siya. Dahil muling nagkrus ang landas nila sa isang lugar na di niya inaasahan. Laking gulat niya nang malaman niya na isa pala ito sa mga tinitingala at nirerespetong village lords sa prestihiyoso at tanyag na ang Stallion Island Riding and Leisure Club na matatagpuan sa isla ng Palawan. Si Ryuhei Tezuka, ang kawawang lalaking nakatikim ng Judo throw niya. Ngunit sa halip na parusahan siya o palayasin sa lugar ay sinuyo at niligawan pa siya nito. Noong una ay di niya matanggap ang mga panunuyo nito at mga palikerong diga. Ngunit tila ba isang bagyong dumating sa kanya ang kakaibang pakiramdam at agad din naman nahulog ang loob niya para dito. Subalit kung kailan mahal na niya ito, saka pa niya nalaman ang totoo nitong hangarin. Ang katotohanan na muling babasag sa matagal na niyang binuong puso. Disclaimer alert : Photo edited credits to the rightful owner - source : Google images
WILDFLOWERS series book 2: A Sinner's Temptation by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 349,150
  • WpVote
    Votes 8,765
  • WpPart
    Parts 19
"I kissed you to let them know that they can never have you." Utos ng music label ng Wildflowers na makipag-collaborate sila kay Adam Cervantes, rockstar/genius composer sa Hollywood na half Pinoy. Si Ginny ang napili ng producer nila na makatrabaho ni Adam. Ngunit kahit anong pilit ni Ginny ay hindi niya magawang makasundo ang lalaki. Kahit kasi ilang taon na sila sa Amerika ay naku-culture shock pa rin siya kapag si Adam na ang kasama niya. Kung gaano siya ka-conservative ay ganoon naman ito ka-liberated. But then, Adam also made her feel so many things so new to her. Until she fell in love with him. Ang kaso alam niyang laro lang para dito ang lahat. Adam never took any woman seriously. Alam niya na kapag na-bore na ito sa kanya ay iiwan siya nito nang walang pag-aalinlangan. And that would mean a broken heart for her. Magagawa ba niyang isugal ang puso niya rito?
My Gossip Girl COMPLETED(Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 510,648
  • WpVote
    Votes 5,500
  • WpPart
    Parts 21
My Gossip Girl By Angeline Buena
Bachelor's Pad series book 6: Forbidden Lover (Draco Faustino) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 2,278,362
  • WpVote
    Votes 42,822
  • WpPart
    Parts 51
May slight case ng mysophobia si Janine. Clean-freak siya at ayaw na napapadikit sa ibang tao. Ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay maarte lang siya at matapobre kaya ganoon siya umakto. Hanggang sa may makadiskubre na mas matindi ang kondisyon niya kaysa inakala ng lahat. And the person who discovered it happened to be Draco Faustino-ang huling taong gusto ni Janine na makaalam ng kanyang sekreto, and who also happened to be her stepbrother. Teenagers pa lamang ay may tensiyon na sa pagitan nina Janine at Draco kaya hanggang maaari ay iniiwasan ni Janine ang binata. Matindi rin ang pag-iwas nito sa kanya. Kaya nagulat siya nang isang araw ay bigyan siya ni Draco ng proposisyon-tutulungan siya nito para mawala ang mysophobia niya. "I'll get close to you until you get used to it... Hanggang sa imbes na umiwas ka ay hahanap-hanapin mo pa ang haplos ko, until you crave to touch me in return." Natagpuan ni Janine ang sarling pumapayag. Because deep inside her, she wanted to get close to him. Kahit ang kapalit pa niyon ay ang pagkabuhay ng damdaming pinili
Black Magic Woman by Rose Tan by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 702,830
  • WpVote
    Votes 11,673
  • WpPart
    Parts 44
"And if I'm under your spell, I wish to stay bewitched forever..." Jake was in trouble at ang makalulutas lamang ay si Atty. Buluran. Ngunit may kondisyon ang tusong abogado: Pakakasalan ni Jake ang anak nito. Pumayag ang playboy. Palaki ng lola si Willa. Ordinaryo? Hindi. Sapagkat ang kanyang lola ay isang authentic witch na nagmula sa Siquijor. Itinuro nito sa kanya ang lahat ng nalalaman sa mahikang itim. Bewitched. Iyan ang salitang tugma kay Jake nang masilayan si Willa. Sinuyo nito ang dalaga at hindi naman nabigo, sapagkat si Willa ay kaagad ding nabighani kay Jake. Ngunit nalaman niya ang tungkol sa kasunduan ng binata at ng kanyang ama. Hindi pala totoo ang pag-ibig ni Jake. Ngayon ay isasagawa niya ang kanyang ultimate magic ritual upang gantihan ito. Paano na ang pag-ibig ni Jake? Tubuan kaya ito ng maraming kulugo, o lalo pa kayang humaba ang kanyang ilong?