PHR
178 stories
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 123,548
  • WpVote
    Votes 4,383
  • WpPart
    Parts 29
"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumayag si Moana na magpanggap bilang "Monina" at sumugod siya sa Luna Ville kung saan nakatira ang fiance ng kakambal niya--si Sley Enriquez. Iisa lang naman ang misyon niya: ang guluhin ang buhay ng binata upang umurong ito sa engagement "nila." Ginawa niya ang lahat para inisin ito mula sa pagiging pasaway hanggang sa pangugulo sa bahay nito. But Sley turned out to be the nicest guy she had met in her whole life! Not to mention the most gorgeous man she had laid her eyes on, too. Pasensiyoso ito at maalaga pa. Isang ngiti lang nito, kinikilig na siya. Hanggan sa dumating ang hindi niya inaasahan -- kabaligtaran ng plano niya ang nangyari. Instead of hating her, Sley actually fell in love with her. Paano na ang misyon niyang paurungin ang binata sa kasal nito at ng kakambal niya kung bigla-bigla ay mahal na rin niya ito?
InstaGroom Series 3 Emperor (COMPLETED) by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 140,173
  • WpVote
    Votes 2,738
  • WpPart
    Parts 12
Lindy needed a husband ASAP. Si Emperor lang ang naisip niyang papasa sa mataas niyang standard. Pero may mataas din palang standard ng bride-to-be si Emperor. At hindi siya pasado rito. But what Lindy wants she gets. So she took matters into her own hands. Published in 2015 under Phr's InstaGroom Series
The Tanangco Boys Series 1:  Darrel James Luciano by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 96,699
  • WpVote
    Votes 2,047
  • WpPart
    Parts 10
Nang dahil sa naudlot na kasal ni Allie ay mas pinili niyang lumayo. Sa tulong ng matalik niyang kaibigan ay natagpuan niya ang katahimikang hinahanap niya at unti-unti ay nakalimutan niya ang masaklap na kapalaran sa buhay pag-ibig. Pero ginulo na naman ang isip niya ng isang misteryosong lalaki sa kanyang panaginip. Mabuti na lamang at may nakilala siyang bagong kaibigan -- si Darrel James Luciano. Tuwing napapanaginipan niya ang lalaking iyon na tuwina ay hindi niya nakikita ang mukha ay inaaliw siya ni Darrel at inaalis nito ang inis niya. Sa muling pagbangon niya ay nakaalalay ito sa kanya. Kaya sa paglipas ng mga araw na nakakasama niya ito ay hindi napigilan ni Allie ang puso na mahalin ito. Masayang-masaya siya nang magpahayag ito ng pag-ibig sa kanya. Ngunit agad din pala iyong mapuputol dahil sa pagbabalik ng isang taong ayaw na niyang makita at pagsulpot ng lalaki sa kanyang panaginip.
Aseron Weddings-Anywhere For You by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 112,571
  • WpVote
    Votes 1,156
  • WpPart
    Parts 5
Batid ni Menchie na malayo siya sa tipo ng babaeng magugustuhan ng amo niyang si Simoun Aseron. But that did not stop her from secretly wishing for him to notice her. Hindi niya alam kung anong maswerteng bituin ang nagbigay katuparan sa hiling niya. Pero nang kausapin siya ni Sir Simoun para magpanggap na fiancee nito upang mapigilan ang pangungulit ng lolo nito na ipareha itong muli sa ex nito, naisip niyang pagkakataon na niya iyon upang maipakita dito na hindi naman siya ganoon nalalayo sa babaeng pwede nitong mahalin. Ngunit paano kung matuklasan niyang tulak ng bibig kabig ng dibdib lang pala ang sinasabi nitong hindi na nito mahal ang dating nobya? Paano na ang puso niyang umasang naturuan na niya itong mahalin din siya?
Territorio de los Hombres 5: Francisco de Cambre by Vanessa_Manunulat
Vanessa_Manunulat
  • WpView
    Reads 286,811
  • WpVote
    Votes 6,973
  • WpPart
    Parts 26
Territorio de los Hombres 5: Francisco de Cambre
Hot Intruder - Pierre: The Compassionate Intruder (PUBLISHED under PHR) by Leonna_PHR
Leonna_PHR
  • WpView
    Reads 138,331
  • WpVote
    Votes 2,417
  • WpPart
    Parts 11
"Sabihin mo lang na ligawan kita, hindi lang puso mo ang nanakawin ko. Pati ang buong pagkatao mo, aangkinin ko." Masayang-masaya si Justice sa paglipat niya sa kanyang bagong bahay. Nag-overflow ang creative juices sa utak niya at nakapagsulat pa siya ng isang article bilang columnist sa isang sikat na women's magazine. Ngunit habang nagsusulat ay nakarinig siya ng kaluskos mula sa banyo. All of a sudden, a man came out of her comfort room! At isa itong magnanakaw-a virile, charismatic, and captivating magnanakaw. Imbes na kabahan na baka may gawing masama ang lalaki ay nagawa pa ni Justice na makipagkaibigan dito. At habang tumatagal ay nakilala niya ang tunay na pagkatao nito. Hindi masamang tao si Pierre kagaya ng kanyang inaakala. Actually, Pierre was the most compassionate man Justice ever met, and she had found herself willing to have her heart stolen by him...
My Love, My Hero: Cole (Published under Precious Hearts Romances)  by margarette_ace
margarette_ace
  • WpView
    Reads 89,047
  • WpVote
    Votes 2,058
  • WpPart
    Parts 14
Taong bato at manhid. Ganyan ilarawan ni Nessie si Cole, ang head security ng kapatid niya. Asar siya sa binata dahil ito lang ang bukod-tanging lalaki na um-snob sa kagandahan niya at bumasted sa kanya noong nineteen siya. Pero dahil sa isang stalker ay napilitan silang pakisamahan ang isa't isa dahil ito ang naatasan ng ama niya para maging bodyguard niya. Hindi niya naihanda ang sarili sa muling pag-usbong ng nararamdaman niya sa binata habang kasama niya ito. Naging superhero ito sa paningin niya lalo na sa mga panahong nililigtas siya nito kapag nasa panganib siya. Nararamdaman niyang may katugon ang pagkagusto niya sa binata at kailangan lang nito ng kaunting pag-uudyok. Pero kaya ba niyang makipagkumpitensiya sa puso ni Cole gayong ang kalaban niya ay ang ala-ala ng babaeng pinakakamahal nito?
❤Posh Girls Series Book 3: Scarlet (Completed_published by PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 75,796
  • WpVote
    Votes 1,548
  • WpPart
    Parts 12
"Mahirap ngang lunukin ang pride, pero mas mahirap kung mawawala nang tuluyan sa 'yo ang taong mahal mo." Matigas ang ulo, mapagmataas, tamad at mayabang. Lahat na yata ng negatibong ugali ay na kay Scarlet na. Hindi iyon nakapagtataka dahil lumaki siyang sunod sa layaw kaya hindi siya makapaniwala nang sabihin ng kanyang papa na ipapakasal siya nito sa isang kaibigan. Sino nga ba ang matutuwa kung kasing-edad ng kanyang papa ang lalaking pakakasalan niya? Pero mukhang buo na ang pasya ng ama ni Scarlet na ituloy ang plano kaya tinakasan ito ng dalaga. Kaya lang ay mukhang hinahabol siya ng malas! Mantakin mo ba namang maholdap siya at muntikan pang ma-rape? Mabuti na lamang at dumating ang kanyang knight in shining armor­-si Francis, ang dati niyang driver at bodyguard. Hindi niya makasundo ang binata pero wala siyang ibang choice kundi lunukin ang kanyang pride at magmakaawang tulungan ni Francis. At mukhang planong ibalik ng lalaki ang lahat ng mga ginawa niya rito noon. Ngayon ay ito naman ang nasa posisyon para pahirapan siya.
I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 290,796
  • WpVote
    Votes 7,795
  • WpPart
    Parts 20
Pangarap ni Zyren ang ma-in love nang totoo gaya ng mga napapanood niya sa mga paborito niyang Koreanovelas. Kaya naman nang dumating ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. She made her existence known to the man of her dreams. Nagpanggap siyang katulong para lang mapalapit dito. Pero ang naging tingin nito sa kanya ay isang bangungot na hindi nito maalis-alis sa tabi nito. Tuloy ay laging mainit ang ulo nito, lagi siyang inuutusan, sinisigawan, at pinagbabagsakan ng pinto. Pero hindi siya sumuko. Bale-wala iyon sa kanya as long as hindi siya pinapalayas nito sa bahay nito sa kabila ng gabundok niyang kapalpakan.
Barely Heiresses Series  #1 : Ailene [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 377,650
  • WpVote
    Votes 9,748
  • WpPart
    Parts 35
Si Ailene ay isang sosyalerang walang pera. Lahat halos ng damit at sapatos niya ay branded pero galing lang ang mga iyon sa ukay-ukay. Ang mga signature bags niya ay class A replica. Updated siya sa latest high-end gadgets pero binibili lang niya ang mga iyon nang second hand sa online selling sites. Kaya ganoon na lamang ang pagkamangha ni Ailene nang malamang isa pala siya sa illegitimate children ng unico hijo ni Don Alfonso Banal-ang pinakamayamang tao sa Mountain Province. At may pito pala siyang half-sisters! Lahat sila ay pinamanahan ng kanilang lolo ngunit may iba't-ibang kondisyong hinihingi sa last will ng matanda bago nila makuha ang kani-kaniyang mana. Ang kondisyong hinihingi kay Ailene ay isang malaking challenge sa kanyang pagkatao. Kinakailangan niyang ma-survive ang Sagada adventure! Paano niya kakayanin ang mag-trek sa mga bundok at mag-explore sa mga kuweba kung isa siyang full-pledged city girl na may zero appreciation sa nature at punung-puno ng kaartehan sa katawan? Kailangan ni Ailene na maka-survive sa wilderness para makuha ang mana. Pero maka-survive din kaya ang puso niya sa guwapo niyang tour guide na mukhang may sekreto sa pagkatao? ***This is the unedited version so you might encounter some typo and grammar errors ***A few scenes were deleted so you better buy the published book LOL