Gaano ka kasigurado sa mga bagay na hindi sigurado? Nakahanda ka ba sa posibleng pagkatalo? Sa muling pagkatalo? Hanggang saan ka dadalhin ng pag-ibig at pagkakamali?
At sa puntong inaakala mong natagpuan mo na ang pag-ibig na matagal mo nang hinahanap, biglang darating ang pagkakataong hindi mo inaasahan. Nakahanda ka bang makipaglaban o magpaparaya na lamang?
Hindi hihinto sa pag-ikot ang mundo dahil nasasaktan tayo. Sa walang-tigil na pakikidigma upang matagpuan ang dating tahanan, hanggang kailan ka lalaban?