Iambeckgaga
Dalawang puso na nagkatagpo ng dahil sa pirasong papel. May iba't ibang kulay, dilaw, berde, asul at pula, kulay na sumisimbolo sa PAG-IBIG. Papel kung saan lahat ng tanong, tampo, emosyon at pagmamahal ay nakatala. Ayon sa mga matatanda, isulat sa isang papel ang tunay na nararamdaman masaya man ito o malungkot at iwan sa isang lugar upang humayo ito, kung siya ay masaya maipapalaganap niya ang kasiyahan at kung malungkot naman siya mailalabas niya lahat ng sakit upang maiwasan magtanim ng pighati sa puso.