firebreether's Reading List
4 stories
Roxy City Series 1: Marry A Song (Published under PHR 2014) by AkoSiAnjBuena
AkoSiAnjBuena
  • WpView
    Reads 57,148
  • WpVote
    Votes 912
  • WpPart
    Parts 12
Roxy City Series is my first series ever finished and published. Mahal ko ang series na ito. Well, lahat naman ng stories ko. Pero masasabi kong malapit ito sa'kin dahil umiikot sa music ang mundo ng mga bida sa series na ito. I am a singer. Used to, I can say. I also to dance. Passionately. Nagdesisyon lang akong bitawan ang passion ko sa music dahil pinili kong tapusin ang pag-aaral at pasukin ang corporate world. But still, hindi ko pa rin maiwan ang first love ko. Kaya binuo ko ang Roxy City. I will be posting the unedited version here. Pasensya sa mga typo errors at ilang loopholes. Hehe. I hope you guys enjoy reading this series of mine as much as I enjoyed writing it. Happy reader ",) Teaser: Nagulo ang buhay ni Katharina nang makilala niya si Jared de Veyra. Nagalit si Jared at nagbantang idedemanda siya kung hindi niya babayaran ang ginastos sa sasakyan nito na sinira niya. Ginantihan niya si Jared sa pambabastos nito. Nagmatigas siya. Subalit maimpluwensiyang tao si Jared kaya walang nagawa si Katharina kundi pumayag sa deal na iminungkahi nito-ang maging tagalinis ng bahay ng binata. Pero nag-iba ang tingin ni Katharina kay Jared nang pulos kabaitan ang ipinakita nito sa kanya. Hindi na tuloy niya napigilan ang sarili na mahalin si Jared. Ngunit hindi nababagay ang katulad ni Jared sa simple at pribadong mundo niya kaya nagdesisyon si Katharina na lumayo. But she was wrong. Hindi pala niya kaya dahil talagang mahal niya si Jared. At kung kalian handa na siyang ipaglaban ito ay saka niya nalamang aalis na ito at tuluyan na siyang lalayuan. Kailangang pigilan ni Katharina si Jared. Dahil kung hindi ay tuluyan nang mawawala ang wagas na pag-ibig niya.
Misadventures of My Ever After (Published Under PHR) by Cornynorte
Cornynorte
  • WpView
    Reads 110,560
  • WpVote
    Votes 1,594
  • WpPart
    Parts 18
"Miss, kung naniniwala ka sa love at first sight, then will you marry me?" Hindi napigilan ni Wynona na mapanganga sa tanong na iyon sa kanya ng isang guwapong estranghero nang minsang tumambay siya sa mall. Pero prank lang pala iyon para sa isang gag show. Akala pa naman ni Wynona ay natagpuan na siya ng kanyang "The One." Muli silang nagkita ng lalaking nag-"propose" sa kanya. Ito pala si Apollo, ang bago niyang boss. At ang unang trabaho niya ay samahan ito sa isang lugar na wala yata sa mapa ng Pilipinas at pinamamahayan yata ng mga baliw. Hindi akalain ni Wynona na bibilis ang tibok ng kanyang puso kapag nasa malapit si Apollo. Paano ba namang hindi, nang ma-trap sila nang ilang araw sa kung saan-saan ay nakita niyang lovable naman pala ang playboy na ito. At ang puso niya, hindi immune sa mga lalaking lovable. Akala ni Wynona, happy ending na dahil ang lalaking lovable, nangako ng forever at naniwala naman agad siya. Pero nang makabalik na sila sa Maynila, humingi si Apollo ng space para sa magsisimula pa lang sana nilang relasyon. Hindi naman ito astronaut, bakit nito kailangan ng space? Nasaan na ang pangako nitong forever? Nganga?
Until You Found Me [PHR] by jnkbernardo
jnkbernardo
  • WpView
    Reads 95,984
  • WpVote
    Votes 1,990
  • WpPart
    Parts 13
[FIRST PUBLISHED BY PRECIOUS PAGES CORP when I was still a freelancer] Southern Fever Band Book 2 Sequel to "Meant to Be My Hero" This is Marco and Jannah's story. "Every time you would need me, I'm sorely tempted to move heaven on earth just to be everything you need. Everything you want..."
Love Thy Neighbor (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 84,741
  • WpVote
    Votes 1,565
  • WpPart
    Parts 10
Isang taon nang kapitbahay ni Cris si Allie pero nagkakasya lang siyang tinatanaw ito mula sa malayo. Para kasing may sariling mundo ito; hindi ito nakikihalubilo sa ibang tao. Nang magkaroon siya ng pagkakataon upang mapalapit dito ay sinunggaban na niya iyon kahit pa nga mukhang walang interes ito sa kanya. Nang malaman pa niya ang totoong katauhan nito ay lalo siyang nawalan ng pag-asang mamahalin din siya nito. Paano naman ang pagsinta niyang inabot nang isang taon? Hanggang isang gabing nalasing siya ay hinalikan siya nito. Ano kaya ang ibig sabihin niyon?