akirallabres's Reading List
110 stories
CLAUDETTE, The Queen Bee (St. Catherine University Series #5) [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 39,927
  • WpVote
    Votes 1,339
  • WpPart
    Parts 12
*RAW AND UNEDITED VERSION* Claudette was the campus queen bee. Siya na yata ang pinakamaldita sa buong SCU. But because she was beautiful and popular, she could always get away with anything. Akala ng mga tao, nakukuha niya ang lahat ng gustuhin. Pero ang totoo, ang pinakagusto niya ay hindi niya makuha-kuha. She had been pining for Jerry Genares since the first time she saw him, but he avoided her like the plague. Hindi makakapayag si Claudette na hindi mapasakanya si Jerry. Pero nang sa tingin niya ay malapit na niyang makuha si Jerry, may isang lalaking nanggulo sa mga plano niya-si Morris, ang pinsan ni Jerry na tutol sa pagsinta niya sa pinsan nito. Dinala siya ni Morris sa isang isla para ilayo kay Jerry. Tuturuan daw siya nito ng leksiyon para ma-realize niya ang mga pagkakamali. Pero bukod sa leksiyon na sinasabi ni Morris, may iba pang natutuhan si Claudette habang kasama niya ito: ang ibigin si Morris nang higit pa sa naramdaman niya para sa pinsan nito.
STARR, The Bratinella (St. Catherine University Series Book #4) [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 44,007
  • WpVote
    Votes 1,408
  • WpPart
    Parts 10
Starr hated Jerry. Dahil sa sobrang inis niya rito ay tumakbo siya bilang presidente ng student council ng engineering upang kalabanin ito. Sa lalong pagkainis niya, pinagtawanan siya nito at minaliit ang kakayahan niya. Kaya ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para matalo ito. Pero nang minsang muntik na siyang mapahamak, iniligtas siya nito. Mula noon, tuwing malalagay siya sa kapahamakan, lagi itong naroon para iligtas siya. Kaya ang gamansiyon na inis niya rito, unti-unting naging bahay-kubo. At tuluyan nang nagiba ang "bahay-kubo" nang lalo itong bumait at naging maalalahanin sa kanya. Hanggang isang araw, natagpuan na lang niya ang sarili na in love na rito. Kaya ang plano niyang maging presidente ng student council ay biglang nabago at naging "first lady ng presidente ng student council..." *RAW AND UNEDITED*
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 401,074
  • WpVote
    Votes 8,117
  • WpPart
    Parts 77
Stefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki na ito na ang gusto niyang makasama habang-buhay. Nais niyang ipagkaloob ang lahat-lahat dito. At muntik na nga! Nang gabi ng kaarawan ng nobyo, nai-plano na ni Stefie ang pagkakaloob ng pinaka-iingatang pagkababae niya dito bilang regalo. Pero nang gabi ring iyon ay napag-alaman niyang hindi lang pala siya ang babaeng nais nitong pagkalooban ng lahat-lahat. She found him cheating on her own bed with her brother's girlfriend! Sobra-sobra ang galit niya para sa nobyo. Her whole world seemed to crumble into pieces that time because of that revelation, subalit mas higit pa iyong gumuho nang makagawa siya ng isang desisyon na ni sa panaginip ay hindi ninais gawin. At iyon ay ang ipagkaloob ang pagkababae sa lalaking lubus-lubos na kinamumuhian, ang babaerong si Bernard Buenaventura! Bernard offered her a relationship, sinabi rin nito na tutulungan itong makalimutan ang sakit na ginawa ng dating nobyo. Pumayag siya ngunit ipinangako sa sarili na hinding-hindi mahuhulog sa lalaki. But one day, memories of the past came rushing back at her - memories that she had forgotten and that included this heartbreaker, Bernard Buenaventura.
The Ladies' Man meets Gabby Junio by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 61,573
  • WpVote
    Votes 1,307
  • WpPart
    Parts 10
"Tatanggapin ko ang pag-ibig mo nang buong-buo at susuklian ko pa nang sobra-sobra." Nagtamasa ng marangyang buhay si Gabby sa piling ng mga Dizon-ang pamilyang kumalinga sa kanya. Ngunit isang krimen ang bumago sa buhay niya. She was sixteen when her Mommy Myrna and Daddy Ardo died. May mga magnanakaw na sumalakay sa bahay nila at pinatay ang pangalawa niyang mga magulang. Ang masakit, isang kaibigan niya ang sangkot sa pagpatay sa mag-asawa. Dahil doon kaya lalong lumayo ang loob ni Abel sa kanya. Ang binata ang nag-iisang anak ng mga Dizon. Umalis ito ng bansa na galit sa kanya. Pagkalipas ng walong taon, bumalik si Abel at binulabog ang mundo niya. Galit pa rin si Abel at si Gabby naman ay gagawin ang lahat para mapatawad ng binata. Inalila siya nito, tinanggap niya. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil napatawad din siya ni Abel kalaunan. Pero isang araw, sinabi ni Abel na mahal siya nito. Iyon daw ang dahilan kaya hindi ito pumayag na ampunin siya ng mag-asawang Dizon. Malaki ang naging epekto niyon kay Gabby dahil sa totoo lang ay matagal na niyang iniibig si Abel. Mula noon ay ipinaramdam ni Abel sa kanya kung gaano siya kamahal ng binata. Gustong-gusto niyang maniwala, kahit pa maraming pagkakataon na naiisip niya na paraan lang ni Abel na paibigin siya at didispatsahin din dahil magpasahanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanya.
[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty Princess by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 263,924
  • WpVote
    Votes 5,846
  • WpPart
    Parts 74
Raine was considered a total brat for everyone. She loved partying and having fun. Ilang beses na rin siyang papalit-palit ng boyfriends. But despite that, she was a loving and caring friend. She could also be a loving and obedient daughter if only her parents showed concern and love for her. Pero hindi, malimit ang mga itong wala sa kanyang tabi tuwing kailangan niya ng patnubay at gabay. Mas inuuna pa ng mga ito ang pagpapalago ng kanya-kanya nitong mga businesses at sapat na ang ihabilin siya sa yaya niya. Hanggang sa makagawa siya ng isang eskandalo na nakakuha ng atensiyon ng mga ito. Dahil doon ay nag-hire ang mga ito ng isang bodyguard na susubaybay sa lahat ng kilos niya. Doon niya nakilala ang pinaka-boring na lalaki sa mundo na si Riley. Wala itong alam kundi ang sundin ang iniuutos dito. Galit na galit siya sa mga magulang niya sa ginawa ng mga itong pagpapabantay sa kanya at pag-ground sa kanya na lumabas nang hindi kasama ang bodyguard niya. Kaya ginawa ni Raine ang lahat para pasukuin ang Riley na ito sa trabaho nito. Pero ang hindi inaasahan ni Raine ay ang pagkahulog ng loob niya sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman, basta ang alam niya lang ay wala ng halaga sa kanya ang ibang bagay basta't makasama niya ito. Subalit magagawa ba nitong tingnan siya bilang isang babae at hindi basta kliyente lang?
MISS GOODY TWO-SHOES AND THE REBEL (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 61,459
  • WpVote
    Votes 840
  • WpPart
    Parts 14
"I don't care if ninety-nine percent of the university's population believes that you're not a good person. Basta ako, I choose to be the remaining one percent." "Miss Goody Two-Shoes" ang bansag kay Queenie sa unibersidad dahil sa likas na matulungin. "Rebelde" naman ang kay Lyndon dahil sa samut-saring gulo na palagi nitong kinasasangkutan. Sa kabila ng malaking pagkakaiba, nang magtagpo ang kanilang mga landas ay pareho silang nagkaroon ng hindi maipaliwanag na interes sa isa't isa. Nang dahil sa ilang insidenteng sadyang naglalapit sa kanila ay natuklasan ni Queenie na hindi masamang tao si Lyndon. Because despite his multiple piercings and tattoos and intimidating stare, Lyndon was kind and just. Si Queenie mismo ang nakasaksi sa mga pagkakataong magpapatunay sa mga iyon. Ang kailangan lang niyang gawin ay ipakita sa lahat ang mabuting side ng binata. Ngunit kung magpapakatotoo siya sa sarili, may mas mabigat pang dahilan ang kagustuhan niyang ipagtanggol si Lyndon sa buong campus, pati sa daddy niyang mahigpit ang bilin na layuan niya ang binata. Dahil tinuruan siya ni Lyndon na magmahal at handa siyang ipaglaban ang pag-ibig dito. Akala ni Queenie ay sapat na iyon para mapanatili ang binata sa kanyang tabi. Pero sa kasamaang-palad, nagkamali siya dahil mukhang siya naman pala ang hindi nito kayang ipaglaban...
Sleeping Heart  (Completed: Published by PHR) by Kandice_Gonzales
Kandice_Gonzales
  • WpView
    Reads 71,820
  • WpVote
    Votes 1,115
  • WpPart
    Parts 10
"Ganoon yata kapag mahal mo ang isang tao. Nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo madalas na ginagawa." Nakita ni Janicka ang katangin ng kanyang Prince Charming sa katauhan ni Jeff kahit noong una ay suplado ito sa kanya. Pero dahil sa pangungulit niya ay naging kaibig-ibig ito. Na-in love sila sa isa't isa. Ngunit may hadlang: kailangan nitong magtungo sa Amerika para mag-aral. Hindi niya sinalungat ang bagay na iyon. Siya pa ang nagtulak dito na umalis - kahit masakit para sa kanya. Pagkalipas ng limang taon, bumalik sa bansa si Jeff. Kahit wala silang communication ay wala raw nagbago sa damdamin nito para sa kanya. Handa na itong ituloy ang pagmamahalan nila. Pero nakatakda na ang kasal niya sa ibang lalaki...
The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE) by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 74,944
  • WpVote
    Votes 1,633
  • WpPart
    Parts 21
Taong 1996, isang dekada pagkatapos ng EDSA Revolution, nangako kay Basty ang kababata niyang si Devon na pakakasalan siya nito. Mga inosenteng bata pa sila noon. Ngunit napapako nga yata ang mga pangako dahil paglipas ng ilang taon ay nakalimutan na rin ni Devon ang pangako nito sa kanya. Ang problema pa niya, kahit nang lumaki na sila ay napaka-sweet pa rin ni Devon sa kanya. Hindi tuloy niya mapigilan ang kanyang puso na umibig dito. And she secretly desired that one day he would realize that his promise was worth keeping. Pero kahit yata magpasimula pa siya ng panibagong people power sa kahit anong kalsada ng Pilipinas, alam niyang imposible nang matupad nito ang pangakong iyon. In love na kasi ito sa iba...
ADAM'S DESIRE by rhodselda-vergo
rhodselda-vergo
  • WpView
    Reads 978,760
  • WpVote
    Votes 6,122
  • WpPart
    Parts 6
WARNING: Restricted 18/ adult content/SPG. Suitable only for adult reader.
Light and Joy by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 202,041
  • WpVote
    Votes 763
  • WpPart
    Parts 6
"When God made that smile possible for you, He must have thought how badly I needed that smile right now." (Published under Precious Pages Corporation) Nasangkot sa isang vehicular accident si Cammi na ikinasawi ng kanyang ama at ikinabulag niya. Pakiramdam ni Cammi, lahat ng pag-asa at gana niyang mabuhay, namatay na rin. Hanggang sa isang estranghero ang dumating sa buhay niya: si Jarren na inupahan daw ng kanyang best friend para maging PA niya. Tinuruan siya ni Jarren na bumangon at muling pahalagahan ang buhay gaano man kahirap iyon gawin. Tinulungan siya nitong makakita ng liwanag sa gitna ng dilim. Pero higit pa roon ang itinuro nito sa kanya. Tinuruan din ni Jarren ang kanyang puso na makaramdam ng isang emosyon na hindi niya akalaing mararamdaman sa uri ng sitwasyong kinasusuungan. He taught her how to fall in love... with him. And that wasn't so hard. Pero masusubok ang lalim ng pagmamahal niya kay Jarren nang sa pagbabalik ng kanyang paningin ay natuklasan niyang may kinalaman pala ito sa pagkamatay ng kanyang ama at pagkabulag niya...