Heart Yngrid
6 stories
Not Another Ghost Story [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 117,999
  • WpVote
    Votes 4,961
  • WpPart
    Parts 29
About a girl who sees ghosts and a guy who doesn't believe in paranormal stuff. May third eye si Fina; may kakayahan din siyang makakita at makakausap ng mga kaluluwa. Isang kliyente ang kumuha sa serbisyo niya-si Therese. Desperado itong makausap ang kaibigan nitong nag-suicide at malaman ang misteryoso sa pagpapakamatay niyon. Ang problema ay mailap ang kaluluwang iyon-ayaw siyang kausapin at tila nakikipag-hide-and-seek sa kanya. May isa pa siyang problema-ang pakialamerong manliligaw ni Therese na si Steven. Ayon sa lalaki, isa raw siyang huwad at manggagantso na medium. Pero hindi nito nakontra si Therese nang hilingin ng babae na tulungan siya ni Steven sa misyon niya. Habang kasama niya si Steven ay panay ang pag-aasaran at pagbabangayan nila. Isa-isa rin niyang nadiskubre ang magagandang katangian nito. Kaya hindi kataka-takang isang araw ay nagising na lamang siyang nagkakagusto na sa mayabang na lalaki. Kung sana ay kasama sa special powers niya ang manggayuma... **UNEDITED VERSION **Already published
Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 875,560
  • WpVote
    Votes 20,739
  • WpPart
    Parts 33
Issabella was a twenty-seven-year-old grade school teacher and an elementary school textbook writer. She wore eyeglasses and outmoded clothes. Her lifestyle was old-fashioned and her values were conservative. In short, isa siyang manang. Ikinabigla niya nang mabalitaan niyang sa kanya ipinamana ng kanyang Tiya Selena ang lahat ng ari-arian nito. But there was a proviso in her last will and testament. Makukuha lamang daw niya ang lahat ng ibinigay nito kung maipagpapatuloy niyang isulat ang librong hindi nito natapos nang maratay ito sa karamdaman. Of course, she could write. Pero mukhang hindi niya kayang ipagpatuloy ang pagsusulat ng unfinished manuscript ng isang sexologist! So now she had to find a sex guru to guide her in writing about a subject she was totally clueless about: Sex 101. May isang nagboluntaryong tulungan siya sa pagsusulat ng libro-si Drew dela Merced, isang part-time model and full-time sex god. Pero hindi raw ito papayag na pulos lecture lang sila dahil hands-on daw ito kung magturo! *Pubished under PHR* https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1051/Ang-Manang-At-Ang-Playboy NOTE: Oh, dear. This is the editor's edited file. Forgive the nag-uumapaw na "kanyang" at "lamang" at kung anu-anupang mga malalim na Tagalog. They're not from me but from the editor. :D Pag may oras ako, I will edit this file para mas easy read siya :)
Undercover Maid [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 678,001
  • WpVote
    Votes 17,077
  • WpPart
    Parts 46
UPDATE: Full novel is now available in ebook! Click here to download: http://www.ebookware.ph/product/undercover-maid-undercover-date/ "Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I'll keep my distance from now on. Just don't leave," pakiusap ni Jett. Hindi sumagot si Lailani. Hindi niya kailangan ang trabaho bilang maid. Kung hindi lang sa personal na dahilan, ibabasura niya ang undercover job na iyon. "If you want you can punch me again. Just don't leave," sabi ulit nito nang hindi siya sumagot. Lihim siyang natuwa. Iyon talaga ang nakapagpapayag sa kanya para huwag munang umalis. She gave him an uppercut and left him groaning in pain. ***Published under My Special Valentine on 2005 ***Irene Lee was my pen name in MSV ***Unedited
I Love You To Death [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 157,035
  • WpVote
    Votes 5,498
  • WpPart
    Parts 46
Imbyernang-imbyerna si Marian sa mahaderang may-ari ng kakompetensiya niyang funeral parlor na si Aling Poleng. Tumitindi ang kompetensiya sa pagitan ng mga punerarya nila. Pabonggahan at iba't-ibang gimik ang ginawa nila para magpasiklaban at makakuha ng customers. Nang sa palagay niya ay nakakaungos na siya ay bigla namang sumulpot si Miguel, ang super hot guy na bagong embalsamador sa punerarya ni Aling Poleng. Kaya tuloy dinumog ng mga mahaharot na babae ang punerarya ng matanda at mukhang willing ang mga babae na mamatayan ng kapamilya para lang makapagpa-cute sa guwapong embalsamador. Bigla ay nauungusan na siya ng kalaban. Hindi niya matatanggap kung sakaling ma-bankrupt ang business niya nang dahil lang sa six-pack abs ni Miguel. Kaya naman sinubukan niyang i-pirate ito ngunit hindi pumayag ang binata. Sukdulang gamitin niya ang kanyang alindog para akitin si Miguel upang lumipat ang binata sa kanya. Kaya lang imbes na maakit sa kanya si Miguel ay siya ang naakit dito. Bigla ay natuklasan na lang niyang "patay na patay" na siya sa binata. Buhayin kaya ni Miguel ang pag-asa niyang umibig muli o patayin na nito nang tuluyan ang puso niya? ***THIS IS THE UNEDITED VERSION***
I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 155,183
  • WpVote
    Votes 4,380
  • WpPart
    Parts 22
This book is now published under Reb Fiction and is now available in bookstores. Please do grab a copy! Thank you. (Formerly known as Not Another Gangster Love Story) Hi! Ako si Nadine at hooked na hooked ako sa online novels mula sa mga free online reading websites. Kahit nabasa ko na sa Internet ang novels na iyon, binibili ko pa rin kapag na-publish na bilang libro. Gustung-gusto ko kasi kapag napapakilig ako ng teenage novels na nababasa ako. Hopeless romantic kasi ako. In fact, araw-araw, nangangarap ako na mangyayari sa akin ang isa sa love stories na binabasa ko. Ang sarap sigurong maging bida sa mga nobelang gaya niyon. Lalo na kung isang guwapong gangster na nauusong gawing hero ng mga nobelang nababasa ko ang maging love interest ko. Bigla tuloy napansin ko si Calix Roque-ang campus bully sa SCH at lider ng isang teen gang. Kapag kinanti mo siya, pilik-mata mo lang ang walang latay. Pero in fairness, cute si Calix. Hindi ko ine-expect pero na-turn on ako sa kanya. Kaya nakagawa tuloy ako ng isang bonggang desisyon. Paiibigin ko si Calix at gagawa ako ng sarili kong real-life gangster love story! Eh, kaso umubra kaya ang plano ko kay Calix kung mukhang walang gustong gawin ang gangster na iyon kundi ang pandilatan, takutin at pagkatuwaan ako? *Unedited version *Preview only
Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 307,301
  • WpVote
    Votes 6,863
  • WpPart
    Parts 58
*Love Is Only In The Movies is a novel turned TV series on ABS-CBN last 2010. It was starred by Zanjoe Marudo and Mariel Rodriguez. *Already published in print book and ebook format.