isawsawi
Isang nakakasilaw na liwanag na galing sa rumaragasang truck. Habang patuloy ang napakalakas na buhos ng ulan.
Wala na akong marinig bukod sa malakas na busina na galing sa truck.
Malakas na pagsabog at mga boses na tila nag aalala at nakikigulo ang tanging naririnig ko. Hindi ko na maimulat ang aking mga mata wala na akong maigalaw nananakit na ang buong katawan ko.
Ramdam ko ang masaganang luhang umaagos sa aking nakapikit na mga mata. Nalalasahan ko na rin ang dugong lumabas sa aking bibig. Bago pa tuluyang mamayani ang kadiliman sa akin, isang umiiyak at ang nag susumamong tinig ang huli kong narinig .
"Anak, pakiusap bumalik ka. Gusto kang makilala ng iyong totoong mga magulang."