Kiyoxu's Reading List
3 histoires
Shy Glasses (On Going) par FlutteringStarDust
Shy Glasses (On Going)
FlutteringStarDust
  • LECTURES 300
  • Votes 50
  • Parties 7
Gabriel Alexander Julian Michael Clarke. A shy yet sarcastic nerd with an obnoxiously long name. He likes to keep it lowkey. Being a senior at RozenMount High. He loves math, anime, and hanging out with his bestie. Nick Titus Brandon. A jock with a hard exterior but a huge softy inside. He wants to live it up. Being thee star quarterback of RozenMount High. He likes parties, drinks, and secretly to be romantic. A typical love story betweem the softspoken little nerd and the lively outspoken jock. See their romance unfold in a sea of teenage drama, teenage hormones, and teenage urges. Oh! And also crowded cafeterias. So... really? Could you ask for more?
Lost Memories par Kiyoxu
Lost Memories
Kiyoxu
  • LECTURES 398
  • Votes 58
  • Parties 16
Lost Memories 1 Simple lang na pamumuhay ang mayroon si Ana Crisostomo. Nakatira siya kasama ang kanyang mga magulang sa isang malayong isla na matatagpuan sa Hilagang Luzon. Isang mangingisda lamang ang kanyang ama samantalang wala namang trabaho ang kanyang ina. Mahina kasi ang puso nito at ito'y hinihika rin. Magkokolehiyo na sana siya ngayong paparating na pasukan kaso wala siyang sapat na pera upang pag-aralin ang kanyang sarili. Plano sana niyang magtrabaho muna bago niya ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Hindi naman kasi siya maaaring umasa sa ipon ng kanyang mga magulang dahil kailangan din ng mga ito ang perang iyon upang may maipambili ng gamot ang kanyang ina. Isang hapon, nagpunta sila ng kanyang ina sa may dalampasigan kasama ang mga asawa ng kapwa mangingisda ng kanyang ama. Balak sana kasi nilang salubungin ang mga ito mula sa buong araw na pamamalaot nang may napansin siyang kakaiba. Namataan niya ang bangka ng kanyang ama at nakita niyang parang hindi mapakali ang mga sakay nito. Nang makadaong ang bangka ay doon niya napansin ang lalaking pinagtutulungang buhatin ng kanyang ama at ng mga kapwa mangingisda nito. Duguan ito at walang malay. Mayroon din itong malaking sugat sa noo. Alam niyang hindi taga roon ang lalaking iyon sapagkat hindi pamilyar sa kanya ang mukha nito. Dinala ito sa ospital ng kanyang mga magulang upang magamot ang mga sugat nito. Nang magkamalay naman ang lalaki ay hindi ito nagsasalita at nakatingin lamang sa kanila na para bang wala sa kanyang sarili. Nagpasya ang kanyang mga magulang na kupkupin nalang muna ito hanggang sa maging maayos na ang lagay nito. Naging malaking palaispan sa kanya ang pagkakakilanlan sa lalaki. Taga saan ba ito at pano ito napadpad sa kanila? Anong nangyari rito bago ito makita ng kanyang ama? Sino nga ba ito?
Lost Fairytale par Kiyoxu
Lost Fairytale
Kiyoxu
  • LECTURES 15
  • Votes 8
  • Parties 2
Lahat ng nilalang ay nakararanas ng sakit. Mapatao man ito o hayop ay parehong hindi nakaliligtas. Kaakibat ng buhay ang sakit. Hangga't nabubuhay ka ay hindi mo maiiwasan na maramdaman ito. Mararamdaman mo kung gaano kahirap ang mabuhay. Mararamdaman mo rin kung gaano kalupit ang mundo. Ipararanas ng mundo sa iyo ang lahat ng sakit na maaari mong maranasan. Ito ang sumpa sa lahat ng nabubuhay sa mundo. At hindi nakaligtas si Clara mula sa sumpang ito. Mula pagkabata ay naranasan na niya ang iba't ibang uri ng sakit. Mapapisikal man ito o napaemosyonal. Namulat siya na puro sakit ang kanyang nararamdaman ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay. Labis-labis na sakit ang kanyang dinaramdam ngunit hindi pa rin siya sumusuko. Humihiling pa rin siya na mabago ang kanyang kapalaran. Na sana ay may magligtas sa kanya mula sa malulupit na kamay ng kanyang ama at ng kanyang tiya Marife. Hiling niya na sana ay matulad siya sa mga prinsesa na nababasa niya mula sa mga libro. Mga prinsesa na sinasagip ng mga prinsipe mula sa kapahamakan at paghihirap. Kahit imposible ay humihiling pa rin siya na sana ay may isang fairytale na mangyari.