Favorites
4 cerita
Philippines: Year 2302 - Helena's Downfall oleh EMPriel
Philippines: Year 2302 - Helena's Downfall
EMPriel
  • Membaca 213,798
  • Suara 4,946
  • Bagian 25
Dalawang taon na ang nakararaan matapos ang insidenteng naganap sa Pilipinas, natunghayan ng buong mundo ang pagbagsak ng isang diktador na nagngangalang Johan Klein. Sinubukan niyang manipulahin ang lahat ng gumagamit ng memory gene upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng buong mundo gamit ang MCM o Memory Control Maneuver. Ito ang programang ginawa ng MEMO upang kontrolin ang lahat ng tao sa mundo na gumagamit ng memory gene upang pabagsakin ang isang bansa, tanggalin ang mga balakid sa daraanan ng MEMO at gawing matiwasay ang pamumuhay ng bawat gumagamit nito sa paraan ng pagcontrol. Hindi ito nagustuhan ng mga tao, bagkus ay ipinakita lamang ni Johan ang kung anong kayang gawin ng MEMO upang sirain ang sangkatauhan. Inalay niya ang sariling buhay para lang baguhin ang sistema ng buong mundo. Pinalabas niyang si Helena ang kumitil sa kanya upang siya ang kilalanin bilang tunay na bayani. Lubos namang nalungkot si Helena sa ginawa ng binata ngunit naniwala naman ang mga tao na dahil sa kanya ay nagkaroon ng pagbabago. Tuluyang bumagsak ang kompanyang MEMO. Naging panatag ang buhay ng bawat tao at tuluyan na ring nasira ang caste system sa buong mundo na humati sa lipunan sa mahabang panahon. Naging tahimik ang bawat isa ngunit isang balita ang gumimbal sa buong mundo. Natuklasan ng gobyerno na nawawala ang MCM program, pinaniniwalaang ipinasa ito ni Johan Klein sa isang di kilalang tao na tinatawag na Subject 1. Dahil dito ay naglunsad ang pamahalaan ng bawat bansa ng ilang fact finding committee upang hanapin ang MCM program at alamin ang tunay na pagkatao ng Subject 1. Marami na ring iba't-ibang organisasyon ang nakikipag-agawan sa naturang programa upang baguhin ito at i-hack upang hindi lamang DNA ni Johan ang makapag-activate sa naturang program. Ang mga di kilalang organisasyon na lumalantad sa lipunan ay patuloy din na naghahanap sa naturang programa na maaari nilang gamitin sa pansariling kapakanan at maaaring ikasira ng buong sangkatauhan.
Corny Daming Alam! oleh HumiGad
Corny Daming Alam!
HumiGad
  • Membaca 261,516
  • Suara 8,058
  • Bagian 28
"Description my ass. Tangna!! BAT NASA ROMANCE CATEGORY TO!?" This is not a g*go story. Sabi niya. Ayaw niya na ilagay ko ito sa Romance category. Pero gagawin ko parin. BAHALA SIYANG MA CORNYHAN. Ako gumagawa e... PAKE BA NIYA? HA?! :) Ang storyang ito ay wala lang. Ginagawa ko dahil WALA LANG. Corny ito, so kung babasahin nio. Thank you and I love you.. :)) Hindi matino ang plot nito dahil ginagawa ko lang kung ano ang pumapasok sa isip ko... Ina-update ko ito pag na stre-stress ako sa UTOS NIYA... soo yeahhh...Wag masyadong seryosohin ang mga sinasabi ng ating bida... corny kasi siya... ahhahah diba description palang wala ng kwenta? Corny nga kase to SABI NIYA.. Pero malay natin.. Magbago kaya siya? Baka sa ending na. AHAHHAHAHA!
Sword Art Online: Aincrad [Filipino] oleh _BONITZ
Sword Art Online: Aincrad [Filipino]
_BONITZ
  • Membaca 22,952
  • Suara 344
  • Bagian 8
Sa taong 2022, natuwa ang mga manlalaro nang magbukas ng pinto ang Sword Art Online-- isang VRMMORPG (Virtual Reality Massively Multiplayer Online Role Playing Game), na nagbibigay ng pagkakataon sa mga manlalaro na masubukan ang pinakabagong gaming technology: NerveGear, isang system na may kakayahan na ipadama sa bawat gumagamit nito na naroroon sila mismo sa birtwal na mundo, na posible sa pamamagitan ng pagmanipula ng kanilang brain waves para makagawa ng makatotohanang gaming experience. Ngunit sa pagumpisa ng laro, agad na napalitan ng kilabot ang kasiyahan ng mga manlalaro. Sa kabila ng kamanghamanghang features ng Sword Art Online, nadiskubre nila na nawawala ang pinaka-basic na function sa kahit anong MMORPG-- ang Log-Out button. Ngayong nakakulong sa birtwal na mundo at bihag ng NerveGear ang kanilang katawan sa totoong mundo, binigyan ang mga manlalaro ng ultimatum: sakupin ang isang daang palapag ng Aincrad para mabawi ang kanilang kalayaan. Ngunit sa buktot na mundo ng Sword Art Online, kamatayan ang katumbas ng "Game Over"-- mapa-birtwal man o sa totoong mundo...
She's Dating The Gangster oleh SGwannaB
She's Dating The Gangster
SGwannaB
  • Membaca 8,485,550
  • Suara 165,642
  • Bagian 53
Unedited version of She's Dating the Gangster.