tutaytaba's Reading List
6 stories
One Stormy Night by sinnersaintbitch
sinnersaintbitch
  • WpView
    Reads 1,246,215
  • WpVote
    Votes 37,720
  • WpPart
    Parts 78
" I will make your life a living hell!" She is the campus flirt, so as they say pero hindi iyon naging hadlang para maging boyfriend niya ang pinakasikat na SNOB at pinaka hot na guy sa kanilang campus. Akala niya ay okay na ang lahat. She learned to value things the way they are. She loved Kyshaun, to the point na ito na ang naging sentro ng kaniyang buhay. But what happens when lies started working on their perfect relationship and he stops believing on her? Would she stop loving him or stay rooted on his promises that once told on One Stormy Night? Last Installment for Ever After Series. Jhossa Joud Perkins and Kyshaun Drake Lewis Story
(COMPLETE) HOT INTRUDER-THE RECKLESS INTRUDER by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 59,588
  • WpVote
    Votes 908
  • WpPart
    Parts 11
Nang mabalitaan ni Bliss na bumili ng bahay sa village na tinitirahan niya si North, naisip niyang gumawa ng paraan upang mapansin siya nito. She sent him gifts with cards saying they all came from his secret admirer. Subalit isang pagkakamali pala ang nagawa niya. Dahil hindi si North ang lalaking lumipat sa bahay na inakala niyang nabili ng lalaki kundi ang pinsan nitong si Kion Campbell Navarre, the mouth-wateringly gorgeous bad boy heir to the Campbell wealth. At sa malas, inakala nito na isa siya sa mga nagbabalak ng masama laban dito kaya pinasok nito ang bahay niya at pilit siyang pinaamin kung sino ang nag-utos sa kanyang pagbantaan ang buhay nito. Akala niya ay si North ang kapalaran niya. But she soon found herself falling for Kion, the man who recklessly stole her heart after he intruded in her life.
When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Completed!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 499,413
  • WpVote
    Votes 5,838
  • WpPart
    Parts 7
Hindi pa nagkaka-boyfriend si Catherine. Hopeless romantic kasi siya. Ang gusto niya, kapag pumasok siya sa isang relasyon ay dahil mahal niya ang isang lalaki at hindi para magkanobyo lang. Pero wala yatang Prince Charming na nakalaan para sa kanya dahil ni minsan ay wala pang lalaking nagpakabog nang husto sa puso niya. Hanggang sa umeksena sa buhay niya si Lance Pierro Alvarez. Mayaman ito, matalino, at guwapo. Okay na sana--- kung hindi lang ito punoNg-puno ng angas at yabang.
Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MAN by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,781,171
  • WpVote
    Votes 40,449
  • WpPart
    Parts 39
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siyang nabahala nang mapalapit ang kaniyang anak kay Jay Palanca, isa sa mga barkada ng kuya niya at kilalang babaero. Dahil kay Justine kaya kahit ayaw ni Cherry ay napipilitan siyang makasama ang binata. Subalit habang tumatagal ay hindi na lamang ang anak niya ang dahilan kung bakit sila nagkakasama. Lalo na at kinailangan niyang magpanggap na asawa nito upang magtaboy ng isang may saltik na stalker. Unti-unti ay nadadaan siya ng malakas na charm ni Jay. He was able to get past her defenses. He was able to make her feel that innocent and nostalgic feeling she once had for him. At habang lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata ay tumitindi rin ang takot na nararamdaman ni Cherry. Dahil natatakot siyang kapag nalaman ni Jay ang pinakatatago niyang lihim ay magbabago ang pagtingin nito sa kaniya. Worst, he might end up disgusted and angry with her. At siguradong hindi iyon kakayanin ni Cherry.
Sweetheart Series 2 by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,360,026
  • WpVote
    Votes 32,213
  • WpPart
    Parts 30
"My old faded blue jeans would be out of place. It'll never fit into your world of lavander lace." The infamous Rigo dela Serna ng Engineering Department. Super-guwapo, ex-scholar, star-player at playboy numero uno. Pero para kay Lacey, Rigo is a cross between Elvis Presley ang Antonio Banderas sa kupas at hapit na maong, itim na jacket at motorsiklo. Nasa high school si Lacey at nasa college si Rigo. Malayo ang high school building sa college but stealing glances from afar, they fell in love. Their young hearts vowed to love each other for always. But vengenge and betrayal separated them.
Knight's Sweet Vow COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 670,964
  • WpVote
    Votes 12,312
  • WpPart
    Parts 27
Knight's Sweet Vow By Victoria Amor "Nawalan ng kakayahang magmahal ang puso ko mula nang mawala ka." Si Theo Knight ang kahulugan ng "ultimate crush" para kay Miliza, kaya lang ay best friend niya ito. Six years old pa lang siya ay kilala na siya nito. Lahat ng kapintasan niya ay memoryado nito at lagi nitong ipinapaalala sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, si Theo ang pinakaespesyal na lalaki sa buhay niya dahil sa vow nito na lagi nitong tinutupad. Pagdating nila sa high school, nag-renew ito ng vow. Hindi raw siya nito ibibigay sa kahit na sinong lalaki lang. Pakakasalan daw siya nito kung kinakailangan para mahadlangan nito ang relasyon niya sa maling lalaki kung sakali. Hinagkan siya nito sa mga labi para i-seal ang vow nito. Binago ng halik na iyon ang pintig ng puso niya, subalit magkasunod na trahedya ang naglayo sa kanila. At sa muling pagkikita nila, ibang Theo na ang nakaharap niya. Gusto uli niyang lumapit dito ngunit base sa ikinikilos nito, mukhang hindi na siya nito kailangan pa. Paano na ang damdamin niya para dito na nanatili sa puso niya sa kabila ng pagkakalayo nila?