MY COMPLETED STORIES 💗
5 histórias
(COMPLETED) RENDEZVOUS Trilogy Book 3 (EllaAndNoah) de AnnaLou_writes
(COMPLETED) RENDEZVOUS Trilogy Book 3 (EllaAndNoah)
AnnaLou_writes
  • Leituras 2,581
  • Votos 859
  • Capítulos 36
Ella's scheming, Prince charming Book 3: EllaAndNoah ❤️ Teaser: " And I want to tell you that I'm willing to give you a half a million pesos if you would act as my girlfriend for a month." Pakiramdam ni Ella ay kusang bumagsak yata ang panga niya sa narinig. Heto sa harap niya ngayon ang prince charming niyang ilang araw niya ng napapanaginipan tuwing gabi at inaalok siyang maging girlfriend nito at babayaran pa siya nito ng kalahating milyong piso bilang kapalit? Parang napaka-suwerte niya naman yatang nilalang. Para siyang tumama sa lotto. Hitting two birds with one stone kumbaga. Matutubos niya na ang bahay at lupa nilang nakasangla magiging jowa niya pa ang prince charming niya. Nananaginip ba siya? Kinurot niya pa ang pisngi para makasigurado. Nang masaktan ay napagtanto niyang totoo nga ang nangyayari. "Ella?" untag sa kanya ni Noah. Ngumiti si Ella nang makahuma at sunod-sunod na tumango. "Oo, pumapayag ako. Payag akong maging girlfriend mo." Puno ng kumbiksiyon na saad niya. Hindi naman na dapat pag-isipan pa. Basta usapang pera go siya lalo na't may problema siya sa tungkol sa pera ng mga sandaling iyon. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Noah. Hindi niya alam kung nagustuhan nito o naasar ito sa sagot niya. "Good. But you have to promise me one thing." Napakunot-noo siya. "Ano 'yon" "Don't you dare fall in love with me. No strings attached. This is pure business. We cant mix business with pleasure." Napanguso si Ella. Ku! Napaka-arte naman yata ng princeharming niya. Akala niya na pa naman naka-jackpot na siya dahil may kalahating milyong piso na siya makaka-tsantsing pa siya sa prince charming niya. ing mag-jowa na sila ay unli hawak at unli- tsantsing nalang ang gagawin niya kay Noah. Pati katawan niya ay i-offer niya bilang extra service. Libre pa! He-he!
(COMPLETED) Once Upon a 'Walwal' night  de AnnaLou_writes
(COMPLETED) Once Upon a 'Walwal' night
AnnaLou_writes
  • Leituras 2,432
  • Votos 543
  • Capítulos 24
Teaser: Isang gabi ay napagdesisyunan ni Cassie na mag-walwal para matakasan kahit isang gabi lang ang buwisit na buhay niyang puno ng kamalasan. Ang kaso wala pala siyang pera pang-walwal. At doon niya makikilala si Vincent na ililibre siya ng alak para makapag-walwal. At ang binata pala ang magiging hulog ng langit sa kanya para iahon siya sa buhay niyang puno ng kamalasan. Okay na sana ang lahat at nagsimula na siyang suwertehin pero ang suwail niyang puso ay iibig sa binata, ang kaso walang kakayahan ang binata para umibig dahil sikat ang reputasyon nito bilang playboy at notorious heartbreaker. Mapipigilan niya kaya ang puso na ibigin ang binata o hahayaan niya na lang iyon na umibig kahit alam niyang masasaktan lang siya sa huli. Potek na 'yan!
RENDEZVOUS Trilogy book 2 (COMPLETED) (RhianandLucas) de AnnaLou_writes
RENDEZVOUS Trilogy book 2 (COMPLETED) (RhianandLucas)
AnnaLou_writes
  • Leituras 1,645
  • Votos 582
  • Capítulos 21
"My knight in shining enemy" Book 2: RhianAndLucas ❤️ Teaser: Dahil ayaw ni Rhian na maging pambayad ng perang nadispalko ng daddy Henry niya ay lumayas si Rhian at nagpakalayo-layo mula sa pamilya niya. Namuhay siya ng tahimik at simple bilang isang waitress sa isang restaurant. Ang-Rendezvous. Okay na sana ang naging buhay niyang tahimik at mapayapa pero isang araw ay nagambala iyon ng makita siya ni Lucas ang kakilala at ka-klase niya sa high school na likas ang pagka-bully at pagkasama ng ugali. Binlack-mail siya nito na isusumbong siya nito sa pamilya niya kung nasaan siya kapag hindi pa siya umuwi. Kaya wala siyang choice kundi makipagmabutihan sa binata at suyuin ito kahit ang gusto niyang gawin ay tadtadarin ito ng pinung-pino sa tuwing makikita niya ang pagmumukha nito. Makumbinsi niya kaya ang binata na huwag siyang isumplong sa mga magulang niya? O mas kailangan niyang kumbinsihin ang pusong huwag ibigin ang binata dahil sa araw-araw na nakakasama niya ito ay nakikilala niya ang totoong ugali ng binata at diyata't unti-unti na yatang nahuhulog ang loob niya para rito.
RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen)  de AnnaLou_writes
RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen)
AnnaLou_writes
  • Leituras 1,864
  • Votos 607
  • Capítulos 19
BOOK 1: MarieAndKen ❤️ (Completed) Teaser: For six years ay nagtagpo ulit ang landas nila Marie at Ken. Na ni sa hinagap ay hindi ni pinangarap Marie dahil may malaki siyang kasalanan sa binata. Six years ago ay naghiwalay si Ken at ang bestfriend niyang si Dianne dahil sa kanya. At sa muli nilang pagtatagpo ay gustong makita ni Ken si Dianne sa tulong niya. Ayaw man niya ay wala siyang choice kundi tulungan ang binata dahil kung hindi niya ito tutulungan ay ipapasesante siya nito sa trabaho dahil pamilya pala nito ang may-ari ng Rendezvous, ang restaurant na pinagta-trabahuan niya. Kaya wala siyang karapatang tumanggi, ayaw niya namang mawalan ng trabaho dahil siya lang ang inaasahan ng ina niya at ng bunso niyang kapatid. Ang problema ay hindi niya alam kung saang lupalop hahanapin si Dianne dahil wala na silang komunikasyon ni Dianne anim na taon na ang nakalilipas. Ang tanong ay matagpuan kaya nila si Dianne? O matagpuan niya na lang ang sariling umiibig na sa binata?
Babae Po Ako (COMPLETED) de AnnaLou_writes
Babae Po Ako (COMPLETED)
AnnaLou_writes
  • Leituras 610
  • Votos 134
  • Capítulos 10
Teaser: Papano kung isang gabi ma-meet mo ang prince charming mo at mapagkamalan kang beki? Na siya mismong nangyari kay Jessie dahil ayaw siyang paniwalaan ng sobrang guwapo at 'yummy' na si Tom na isa siyang babae . Papano naman siya magpapa-cute kay Tom kung ayaw nito sa kanya dahil allergic ito sa mga bading? Gahasain niya na lang kaya ang binata para maniwala itong babae siya? He-he!