JinkyCarullo's Reading List
5 cerita
I Am Just A Battered Wife [SLOW UPDATE] oleh An_to_nette13
I Am Just A Battered Wife [SLOW UPDATE]
An_to_nette13
  • Membaca 92,660
  • Suara 1,212
  • Bagian 22
Zach Elthon Cruz, ang lalaking na-arrange marriage dahil lang sa business. Ang lalaking naikasal sa isang babaeng hindi niya kayang mahalin. Ang lalaking may minamahal pero dahil sa arrange marriage na iyon ay hindi na niya ito magawang ipaglaban. Nang ikinasal sila ay wala siyang ibang ginawa kundi ang saktan,bugbugin at abusuhin ang asawa. Makakaya niya pa bang baguhin ang kaniyang nararamdaman para sa asawa na walang ginawa kundi intindihin siya? O lalo niya lang itong sasaktan dahil sinisisi niya ito kung bakit di niya magawang mahalin ang girlfriend nito ? Janiana Segovia, isang simpleng babae kahit na mayaman ay napakasimple niya sa lahat ng bagay. Pero dahil sa isang disgrasya, nawala ang nanay niya,isinisi sa kaniya ang pagkamatay nito ng kaniyang ama at dalawang kuya. Kaya nang sinabi ng kaniyang ama na ikakasal siya ay pumayag na lamang siya hindi dahil lang mahal niya ang ikakasal sa kaniya kundi para makalayo siya sa pamilya niya na walang ibang ginawa kundi basagin ang puso niya. Pero ang makalayo sa pamilya ay dapat hindi na niya ginawa. Dahil sa kasal na iyon akala niya sasaya siya. Hindi pala. Makakaya niya pa bang pagtiisan ang asawa niya? At makakaya niya pa bang patawarin ang pamilya niya? O patatawarin pa kaya siya ng pamilya niya? A/n:welengye nemen ehhh!!! Sana magustuhan niyo ito ahh!!!!! Sana din may magbasa hehehehe.
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #MBS7 ELMO (completed) (published under PHR) oleh jinkyjam
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #MBS7 ELMO (completed) (published under PHR)
jinkyjam
  • Membaca 95,067
  • Suara 1,699
  • Bagian 11
Dahil hindi mahal ni Haya ang lalaking gustong ipakasal sa kanya ng kanyang ama at dahil wala pa sa isip niya ang pag-aasawa, lumayas siya sa kanila. Nangako siya sa sariling babalik lang kapag natagpuan na ang lalaking mamahalin at pagsisilbihan. At sa isiping iyon, tutol ang loob niya sa paglitaw ng isang imahen sa kanyang isip: ang imahe ni Elmo Mirano. Katabi niya ito sa tren na sinakyan patungong Legaspi City. At talagang naiinis siya rito sa halos kawalan ng konsiderasyon-- nakadikit o mas tamang sabihing nakapatong na ang braso na ang braso nito sa kanya. Naiinis si Haya, pero naggugumiit pa rin sa kanyang isipan ang matigas na muscles ni Elmo na hindi maikubli ng suot na polo: ang makakapal nitong kilay at likas na mapupulang labi, ang init na sumisingaw sa katawan nito, na lalong nagpaasiwa sa kanya. Hindi pa man nakarating sa kanyang destinasyon ay mukhang babalik na si Haya sa kanila-- kasama si Elmo Mirano.
MR. PUBLIC SERVANT (published under PHR) (unedited) oleh jinkyjam
MR. PUBLIC SERVANT (published under PHR) (unedited)
jinkyjam
  • Membaca 126,622
  • Suara 2,607
  • Bagian 13
Hindi akalain ni Krista na ang lalaking mayabang na nakaengkwentro niya sa isang coffee shop ay siya rin palang nakatadhanang maging boss niya-- si Doreamon Sulibit. Hindi na niya nakuhang mag-back out dahil ano na lang ang iisipin at sasabihin ng taong nagrekomenda sa kanya sa trabaho. Katwiran niya ay kaya naman niyang sakyan ang kayabangan ni Doreamon na may natural na karisma sa mga babae. Ngunit ang pagsakay sa kayabangan ni Doreamon ay siya ring nagbigay-daan kay Krista na mahulog ang loob dito. Lalo lang nag-umigting ang nararamdaman niya nang halikan siyang bigla ni Emon isang gabi na hinatid siya nito. Magmula nang araw na iyon ay alam niyang nagbago na ang relasyon nila ng lalaki. Nag-go with the flow si Krista sa naging relasyon niya kay Emon. Pero wala sa hinagap niya na ang simpleng pagkausap sa kanya ng ina ni Emon ang magdudulot ng labis na sakit at pagkadurog ng puso niya.
I LOVE YOU, DON'T CRY (Published under Dream Love #11 book imprint) oleh jinkyjam
I LOVE YOU, DON'T CRY (Published under Dream Love #11 book imprint)
jinkyjam
  • Membaca 105,902
  • Suara 1,296
  • Bagian 11
Nakatakda nang ikasal si Ciarra nang muling sumulpot sa landas niya si Miguel, ang kanyang kababata at ex-boyfriend. Ang malditong si Miguel ang kanyang first enemy, ang kanyang first love, first kiss at ang kanyang first heartbreak. Gaano man katagal ang lumipas na panahon, at gaano man niyang pilit na ikaila sa sarili ay na-realize niyang hindi pa rin nagbabago ang epekto ni Miguel sa kanya. Ito lang ang may kakayahang magpatuliro ng isip niya, ang magpa-excite sa kanya nang bonggang-bongga. Kaya lang, alam niyang hindi makatarungan na magpatuloy pa ang kahiwagaang dulot ni Miguel. Kailangan niyang iwasan ito dahil ikakasal na siya sa lalaking sa tingin niya ay mas karapat-dapat sa kanya.