haiku_
Ang totoong pagmamahal daw ay mabibilang sa halik, yakap at daupang-palad. Pero hindi iyon ang pagmamahal na binigay niya sa akin. Kundi isang pagmamahal na puno ng respeto, pang-unawa at pagtitiwala. Siya ang taong nagturo sa akin na maghintay. Maghintay sa tamang oras at tamang panahon. Dahil kung ang isang pagmamahalan ay nakatadhanang mangyari, ito ay mangyayari.
Sa tamang tao,
sa pinakamagandang rason,
at sa tamang oras.