janedulat's Reading List
176 stories
😊Finally Found You (COMPLETED - Published under PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 86,920
  • WpVote
    Votes 834
  • WpPart
    Parts 5
Arabella's almost perfect world shattered when her fiance went missing on the day of their wedding. Ang masakit at wala man lang itong ibinigay na matino at katanggap-tanggap na rason kung bakit iniwan siya nito. Pinayuhan siya ng boss at kaibigan niya na magbakasyon muna para makapagpahinga at makapag-isip-isip. Naisip niyang tama ito kaya pumayag siya sa suhestiyon ng babae na sa resthouse ng pamilya nito sa Quezon magpunta. Ang akala niya ay makakapagpahinga siya ng maayos roon, pero isang gabi pa lamang siya sa pananatili doon ay dumating ang isang napaka-aroganteng lalaki na sumira ng pamamahinga niya - si Jared. Pinsan pala ito ng boss niya at naroon din ito para magbakasyon. Pagkatapos ng matinding diskusyon at nagkasundo sila pareho na manatili doon. Magkasama sila sa resthouse pero wala silang pakialam sa isa't-isa. Pero sadyang mahirap iwasan ang atraksiyon na nadarama niya para rito. This beast was so damn hard to ignore!
Crizandra's Dream Come True  (Raw/Unedited) (COMPLETED) by xoKALELxo
xoKALELxo
  • WpView
    Reads 92,844
  • WpVote
    Votes 1,609
  • WpPart
    Parts 11
(May crush ka ba sa school niyo? Baka maka-relate ka rito :P) (Published under PHR - 2014) Ang sabi ni Zanny sa kanyang sarili ay hindi siya magka-crush sa unang araw ng klase. Pero narinig yata siya ni Kupido dahil nang unang araw niya sa kolehiyo ay agad nahulog ang puso niya, pati na rin yata ang mga mata niya nang makita si JK. Ito ang naging inspirasyon niya kahit pa todo-effort para lang malaman ang buong pangalan nito. Ngunit nag-level up nang husto ang kagagahan niya rito. Nakapagsinungaling siya at inangkin na nobyo niya ito na naging sanhi ng pagkaunsiyami ng love life nito. She knew he was mad at her and she was not going to like what he'd do to her. Pero ang gagang puso niya, kinilig pa sa kaalamang makakausap niya ang binata kahit na ba galit nga ito sa kanya!
VIGILANTES BOOK 3: CHARITY, THE CHAMELEON by margarette_ace
margarette_ace
  • WpView
    Reads 1,952
  • WpVote
    Votes 104
  • WpPart
    Parts 6
Charity's latest mission is to infiltrate a human trafficking syndicate. Kailangan niyang makakuha ng impormasyon at ebidensiya laban sa pinaghihinalaang leader ng sindikato na si Calyx Sorentes, at para makalapit dito ay kailangan muna niyang makipaglapit sa pinsan nito na si Klyde Soriano. Her plan was foolproof. She already memorized and made sure to know everything about her new cover as Felicity Rivas down to the last detail. Pero hindi napaghandaan ni Charity ang isang malaking distraction na nagngangalang Vien Legazpi. She was trying to do her best to do her job while ignoring Vien but he was making it hard. Dahil mukhang hindi ito naniniwala sa pag-arte niya at naging misyon na nito na sirain ang diskarte niya at paaminin siya sa tunay niyang pagkatao...
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 8: Lance Barrera by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 68,724
  • WpVote
    Votes 1,902
  • WpPart
    Parts 22
Walang ibang hiling si Denise kundi magkaroon ng maayos na buhay at talikuran ang isang trabaho na napilitan siyang pasukin. Sa trabahong iyon ay nakilala niya si Lance Barrera. Seryoso ito, mayaman pero hindi naging hadlang iyon para magkaroon sila ng magandang pagkakaibigan. Kaibigan lamang ang dapat na ituring ni Denise dito. Pero hindi niya pa rin napigilan ang sariling humigit pa doon ang nararamdaman para kay Lance. Hindi iyon puwede. Nakatali na siya sa ibang lalaki na nagligtas sa kanya sa hindi magandang buhay noon. At siguradong wala ring katugon kay Lance ang kanyang nararamdaman. Palaging sinasabi ng lalaki na may isang parte ng pagkatao nito ang hindi matatanggap ng kahit na sino - ang dahilan kung bakit ito iniwan ng dating asawa at kung bakit nawala na ang paniniwala sa mga salitang 'pag-ibig' at 'pamilya'.
Daizuke Niwa: The Ultimate Hottie Billionaire by iamJonquil
iamJonquil
  • WpView
    Reads 227,181
  • WpVote
    Votes 11,977
  • WpPart
    Parts 20
DAIZUKE NIWA's story. A story that evolve Friendship, Youth, Love and Romance. #TheUltimateHottieBillionaire Daizuke Niwa's own meaning of U.H.B. TEASER Kung mayroon mang pinakamayaman sa grupo ng mga UHB Men, walang iba kundi si Daizuke Niwa. Para kay Nashnairah ay nasa binata na ang lahat. Wealth and everything. Kaya naman pakiramdam niya ay kasing layo ng napakalawak na lupain ng mga ito ang estado nila sa buhay. Mahirap abutin si Daizuke. Iyon ang masakit na katotohanan para sa lihim na umiibig na si Nashnairah. Para sa kaniya ay simple lang ang buhay ng pamilya niya kumpara sa pitong kalalakihan na mga kaibigan niya. She's the UHB Princess, kinaiinggitan ng lahat ng kababaihan dahil napapalibutan lang naman siya ng pitong nagguwa-gwapuhang kalalakihan. The famous UHB Men. Lahat ng mga ito ay pawang anak ng mga bilyonaryong tao sa lipunan. May mga gintong kutsara sa bibig since birth. Tinitilian ng marami, pinagkakaguluhan... Ganoon pa man, sa iisang tao lang tumitibok ng mabilis ang puso niya. Walang iba kundi kay Daizuke Niwa.
The Martinez Siblings Book III: Forever after all (Unpublished @PHR/ unedited) by thisisjhemc131
thisisjhemc131
  • WpView
    Reads 69,489
  • WpVote
    Votes 1,198
  • WpPart
    Parts 17
"I love you Abigail Sebastiano. I have loved you all along. And I promise to love you until both our heart stops beating. No favors, no compromises. Just you and only you." "Only the best for my only daughter" mga katagang sa tuwina'y binabanggit ng ama ni Gail. As an only daughter ay lumaki siyang nakukuha ang anumang naisin. But despite everything she has, Gail wanted only one thing. Aaron Martinez' heart. Itinatatak niya sa isip ang paniniwalang sa bandang huli'y they will end up together. Pero iba ang gusto ng binata. Power, connections and statuesque-type na babae. And she doesnt have any of those dahil bukos sa hindi siya ganoong tipong babae, mas pinili niya ang maging isang ordinaryong staff ng maliit na travel magazine. But she has Lorenzo Sebastiano as a father. Pero kaya ba niyang tanggapin na dahil doon kaya niya makukuha ang puso ng binata?
Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 242,360
  • WpVote
    Votes 4,004
  • WpPart
    Parts 24
Somewhere Only We Know By Europa Jones How bad could it be to develop a crush on him? After all, crush pa lang naman. Hindi akalain ni Marjory Arieta-Student Council President ng Benedict College na pakikiusapan siya ng principal para sa disciplinary sanction ni Jason Velasquez. Sa kabila ng nararamdamang pagtutol dahil sa reputasyon ng lalaki bilang isang bully at tyrant ay wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag. Pero siniguro niya sa sarili na pahihirapan itong mabuti. Nagbago ang lahat nang makilala nang husto ni Marjory si Jason. Lalo na nang matuklasan nila ang sekretong grotto. Unti-unting naging malinaw ang lihim sa pagkatao at ang mga dahilan ng mga ipinapakitang pag-uugali ng binata. Naging saksi ang grotto sa pag-usbong ng unang pag-ibig ni Marjory kay Jason. Nararamdaman niyang may pagmamahal din ang lalaki sa kanya pero natatakot siyang ungkatin ang estado ng relasyon nila dahil umiiwas ito tuwing ipipilit niya ang topic. Kahit pa inamin ni Jason na mahal siya nito ay nilayuan pa rin siya ng lalaki dahil hindi nito kayang tanggapin ang sarili. Pero maghihintay pa rin si Marjory. Hahanapin niya si Jason. At sana balang-araw ay puwede na itong mahalin...
BECAUSE THIS IS OUR TIME by ZindyRivera
ZindyRivera
  • WpView
    Reads 7,238
  • WpVote
    Votes 288
  • WpPart
    Parts 16
Ela Cruz was considered the meanest villain by some of her basher. Masama ang tabas ng salita sa pagpopost SA social media kapag may bagay siyang hindi nagustuhan. She gave direct criticism carelessly, and she never felt sorry lalo na kapag alam niyang tama siya. Kahit pa makasakit siya ng damdmin ng iba. But everything changed when she meet Jackson 'Boss Jack's Alegre. Dinapuan siya ng salitang konsensya at guilt. Kaya para makabawi sa pagbibigay niya ng negative reviews sa restobar nito, nagpresenta siyang tulungan ito. But she end up working for Jack. Because she realized she had f mo moinally fallen in love with him. Pero paano kung ang lalaking minamahal ay may ibang goal sa buhay, his revenge and the woman whom he promised his heart. long time ago. Dapat bang bumitaw na lang siya, para hindi na masaktan pa ang puso niya. P.s dear readers, this story was inspired by the kdama itaewon class. Sa mga nakapanood, this story had the same plot. Hindi Kasi ako makaget over Kay Kim da mi. Please don't judge me. I'm also a fan. Sana mag enjoy kayo SA ilang kilig scene and lines.
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,104,483
  • WpVote
    Votes 33,911
  • WpPart
    Parts 59
Dana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at buwan. Subalit hindi tamang taon. She was in her grandmother's house in Binondo in the year 1928! Back in time, she met the young Leon Fortalejo, bilang si Isabelita. And she fell in love with the handsome Spaniard. Pag-ibig na hindi nagkaroon ng katuparan kahit noong panahon ng kanyang Lola Isabelita. At nasa 1928 siya upang maisakatuparan iyon. Could she change history?
LEL 2: Jet Larxel Suarez a.k.a. COPPER [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR] by NaturalC
NaturalC
  • WpView
    Reads 34,802
  • WpVote
    Votes 2,795
  • WpPart
    Parts 44
Copper despised criminals more than anyone in the world. Isang masakit na pangyayari sa buhay niya ang pagkamatay ng unang babaeng pinahalagahan niya dahil sa isang serial killer. He vowed to eliminate murderers especially the one who killed Ayano. Nakita niya ang taong hinahanap sa Pilipinas. Sa isang misyon mula sa organisasyong kinabibilangan na sangkot ang isang malaking security agency. Plano niyang isa-isahin ang mga agents sa R-section ng ahensiya. Patayin kung kinakailangan. Hanggang sa matagpuan niya ang taong iyon. On the middle of his mission, he met Heidi. Isang babaeng kinagiliwan niya na aksidenteng na-recruit ng ahensiya. A hardworking woman who knew some fighting stance. Di niya ito nagawang balewalain dahil alam niyang inosente ito. Subalit iyon lang ba talaga ang rason niya? Bakit natagpuan niya ang sariling pinoprotektahan ito kaysa unahin ang kanyang misyon? Dahil ba 'yon sa tapang na nakikita niya sa mga mata nito sa kabila ng takot? O dahil hindi niya matanggap sa sarili niya na apektado siya sa pisikal na kagandahan nito? Kung ano man ang nararamdaman niya, saan siya nakatakdang dalhin no'n?