mus-alonlymdahlia
- Reads 1,723
- Votes 870
- Parts 18
"Okey kalang ba?" May pag-aalang tanong nito sakin.
Napahilamos nalang ako at napabangon.
"Bad dreams?" tanong nito sakin na ang mata ay nasa langit. Ni titigan eto ay hindi ko ginawa. Nanatili ako sa posisyon ko sa pagtulog sa gilid nang puno.
"Aalis nako." sabi ulit nito at sa pagkakataong eto ay nakuha nya na ang atensyon ko.
Ang babaeng eto. Madalas antok sa klase, hindi tahimik sa mga kaibigan pero pagdating sakin, heto na ata ang pinakatahimik sa lahat.
Namumuhay bilang isang normal na estudyante. Pero hindi ko alam kung bakit iba ang nakikita ko.
Napupuno eto nang misteryoso. Ilang beses ko nabang pinaimbestigahan ang katauhan nito?
Ngunit nauuwi nang paulit-ulit sa parehas na impormasyon.
Isang normal na babaeng lumaki sa mahirap na pamilya. Isang babaeng nagpapatuloy para lamang sa pamilya nito.
Hindi eto mahilig magkuwento nang anumang may kinalaman sa kanya. Aminado akong may mga oras na pinapakinggan ko ang bawat usapan nila.
Ako si Ziggykiel Montemayor. Isang Leon, isang klase nang taong kinatatakutan nang lahat. Isang taong hindi pweding pandiliman nang mata. Walang nakalalampas sakin maski isa.
Ngunit sa unang pagkakataon ay may isang nakalampas sakin, sa unang pagkakataon may nakapanakit sakin na napalampas ko. Sa unang pagkakataon may isang taong hindi natakot sakin. Sa unang pagkakataon may tumitig nang deretso sa mga mata ko.
Ngunit kung iniisip nyang ayos lang saakin yun, hindi. Hindi pweding palampasin ko sya sa susunod.
Dahil heto ang pagkatao ko. Isa akong Demonyo sa paningin nang iba at wala akong planong bigyan sila nang pansin.
Minsan din akong nagmuhay na isang may pinapangarap na babae. Isang palangiting tao.
Ngunit lahat yun ay napalitan nang pait. Nang sakit, at hindi na ako pweding masaktan pa ulit ninuman.
Hindi na ako---magtitiwala pang muli sa kahit na sinuman.