Books
33 stories
You And I by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 126,374
  • WpVote
    Votes 2,680
  • WpPart
    Parts 24
"I knew I loved you the first time I saw you. AndI'm falling over and over again every time I look at you." Kung gaano katagal nang kaibigan ni Rey si Casey ay ganoon na rin katagal na umiibig siya sa binata. Ngunit tila hanggang pagkakaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa kanya. Gayunman, patuloy pa rin niyang minamahal ito nang lihim at idinadalangin sa Diyos na sana ay dumating ang panahon na matutugunan din nito ang pag-ibig niya. Tila dininig naman ng langit ang mga dasal ni Rey dahil isang araw ay biglang nagbago ang pakikitungo ni Casey sa kanya. Bigla itong naging extra sweet at maalalahanin. Nagkaroon tuloy siya ng dahilan upang ipaglaban ang nararamdaman niya para dito. Ngunit nang nakakita na siya ng pag-asang makamit ang puso nito, bigla naman siyang ipinagtabuyan nito nang paulit-ulit. Hanggang sa dumating sa puntong hindi na nagpakita o nagparamdam si Casey sa kanya. Dahil sa labis na pagmamahal niya rito ay inalam niya ang dahilan ng ipinagkakaganoon nito. Sa nalaman ni Rey masusubok kung gaano talaga katatag ang pag-ibig niya rito... Author's Note: This is one of the first stories I've ever written. Fifth book ko yata 'to? And I must've written this from year 2012. Anyway this story holds a very special place in my heart. Hope y'all like it. I'm going to update this every other day. Thank you. ?
Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1) by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 197,938
  • WpVote
    Votes 4,487
  • WpPart
    Parts 31
"At kung tatanggapin mo ako, please accept the wine. Puwedeng masama ang lasa nito ngayon, but it will get better with aging. Tulad natin. We may argue, fight, and argue. But I believe we'll get better in time... You and me." Sa unang araw pa lang ng pagdating ni Ciara sa bayan ng Kanaway, mainit na agad ang dugo niya kay Lucas de Gala, ang masungit na lalaking nakatira sa lighthouse tower-like na bahay, dahil pinalabas siya ng lalaki nang mapagkamalan siyang nag-trespass sa pamamahay nito. Mula noon, sa bawat pagkikita nila ay para na silang aso't pusa kung magbangayan. But Lucas offered her something nobody ever dared to give her-ang magamit ang kanyang kakayahan sa paggawa ng alak. Kaya tinanggap niya ang business partnership na ino-offer ng lalaki. Lagi silang magkasama kaya hindi naiwasan ni Ciara na maging malapit kay Lucas. Hindi na rin niya napigilan ang sarili na unti-unting mahulog ang loob sa binata--na may kabutihang-loob palang taglay. Handa na siyang sumugal lalo't naramdaman din niyang attracted si Lucas sa kanya. Pero nang ipagtapat ni Ciara ang tunay na damdamin ay labis siyang nasaktan dahil sa tahasang pagtanggi ng binata, sabay sabing kailanman ay hindi ito magmamahal...
A Reason To Live (Completed/Unedited Version/ Published) by CarlaReikoPHR
CarlaReikoPHR
  • WpView
    Reads 237,975
  • WpVote
    Votes 954
  • WpPart
    Parts 7
"If you love someone, no matter how much she has hurt you, crushed you, you will always find yourself forgiving her in the end. Mahal mo, eh." "I don't want to see you ever again." Pakiramdam ni Jean ay sinaksak ang puso niya nang ilang beses nang marinig iyon kay Apollo, ang nag-iisang lalaking minahal niya. Pero hindi niya ito masisi, because those were the same words she said to him when she left him a few years ago. Nasasaktan man ay naiintindihan ni Jean si Apollo. She left to allow him to move on with his life without her and he did. But she was back now. At si Apollo ang binalikan niya. Wala siyang planong layuan ito kahit pa lantaran siyang ipagtabuyan, kahit may girlfriend na ito. Hindi siya magpapatinag. Nabigyan siya ng pagkakataong mabalikan si Apollo kaya hindi niya palalampasin iyon! She still loves him and she would make him realize he still feels the same towards her. Hindi bale nang magmukha siyang stalker sa kakasunod kay Apollo. She's back and she's never going anywhere without him!
MORE THAN I FEEL INSIDE by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 207,236
  • WpVote
    Votes 4,066
  • WpPart
    Parts 22
"Whatever happens, even if my heart stops beating, it will not stop from loving you." Unang beses pa lamang na nagtama ang mga mata nila, alam na ni Althea na umiibig na siya kay Gabriel. At wala na siyang ibang pinangarap kundi ang maging kanya ito. Nangyari naman ang inaasam niya; she became Mrs. Gabriel Vasquez. Ngunit sa pangalan lamang sila naging mag-asawa dahil labis na kinasuklaman siya nito. Iyon ay dahil isang kasunduan lamang sa pagitan ng mga magulang nila ang nangyaring kasalan at siya ang labis na sinisisi nito sa bagay na iyon. Despite everything, she still loved him and she would take every risk to make him love her, too. And fate had been so kind to her. He fell in love with her, too. Subalit kung kailan may katugon na ang damdamin niya rito, saka naman niya nalaman na nasa panganib ang buhay niya na nakatakdang maglayo sa kanya rito. Will fate still be on her side? Warning: It may not be suitable for younger readers. But no, not an SPG story. :)
Pulang Rosas, Linyang Gasgas, Pag-ibig Na Wagas (Kanaway Book 3) by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 213,578
  • WpVote
    Votes 4,763
  • WpPart
    Parts 32
"I don't want another girl. I can't even look at them anymore. My heart, my mind, my eyes-you own everything." Napilitang pumayag si May na magpanggap na girlfriend ng kanyang boss sa rancho na si Dash de Gala para daw tumigil na ang manipulative at snob na ina nito sa pagma-matchmake sa binata at sa mga anak ng mga amiga nito. Kapalit iyon ng pagtulong ni Dash na hindi mailit ng bangko ang bahay na naiwan ng mga magulang ni May. Hinayaan din niya na mapagkamalan siyang lesbian ni Dash upang maging off-limits sa charms nito, kahit alam naman niyang never siyang magiging type ng binata. Because Dash-despite his sometimes childish, playful, and carefree attitude-seemed to be "perfect" and "high and mighty" in his own right. Samantalang siya ay hamak na empleyado nito at never na naging isang sopistikadang babae. Pero sa kanilang pagpapanggap ay hindi sinasadyang nahulog ang loob ni May sa binata na kinalaunan ay nagpakita rin ng interes sa kanya. Nagselos pa ito sa nagbabalik na ex-boyfriend niyang si Randall. They would have made their fake relationship real... almost. Kung hindi lang sa pagtutol ng ina ni Dash at ang pagkawala ng matagal nang pangarap ng binata na pamahalaan ang canning business ng pamilya dahil sa hindi inaasahang pagkabulgar ng kanilang kunwa-kunwariang relasyon.
When I See You Smile (published under Phr completed)    by BabyLouParksPhr
BabyLouParksPhr
  • WpView
    Reads 139,058
  • WpVote
    Votes 2,474
  • WpPart
    Parts 10
Si Race ay isang TV ad model na sobrang hinahangaan ni Chazel. Pero nang ipalabas ang latest TV ad appearance nito ay parang ipu-ipong tinangay ng hangin ang malaking paghanga niya rito. Naka-briefs lang kasi ito sa higanteng billboard nito na nasa harapan pa mismo ng opisina niya. At siya ang nahihiya sa pagbuyangyang nito ng katawan doon. Chazel was a conservative type of woman, at mahalay para sa kaniya ang makakita ng mga lalaking halos nakahubad na. Pero tila naman pinaglalaruan sila ng tadhana ni Race. Kahit saan siya magpunta ay biglang sumusulpot ito sa kung saan. He roled like a knight inshining armor to rescue a damsel in distress. Siya ang tinutukoy na damsel. Tulad ng mga love stories and fantasy, siyempre ay may kontrabida. Starr roled the 'kontrabida' part. Pero kabaligtaran ang nangyari; ang kontrabida ang minahal ng hero? How sad!
Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015) by YaneyChinita
YaneyChinita
  • WpView
    Reads 175,082
  • WpVote
    Votes 3,167
  • WpPart
    Parts 13
Found You (January 2015) by Yaney Matsumoto "I love you. You're my present and you're definitely going to be my future." Hindi alam ni Marla kung matatawa o magagalit sa kanyang ama nang sabihin nito na ipapakasal siya sa anak ng best friend nito. At dahil mukhang desidido ang kanyang ama sa pinaplano ay naglayas si Marla sa kanila. Dahil sa labis na sama ng loob at kadesperaduhan ay naisipan niyang maglasing sa isang bar para pawiin ang lungkot at sama ng loob. And then she met Micky, the man who sat next to her. And one thing lead to another. She spent the rest of the night with him in his hotel suite! Ang akala ni Marla ay hindi na muling magtatagpo ang mga landas nila ni Micky. But she got the biggest irony of her life! Because the man whom she refused to get married to was the same man she had a one-night stand with! Unti-unting nahulog ang loob ni Marla kay Micky sa mga araw na lagi niyang kasama ang binata. Ngunit naputol ang lahat ng sayang naramdaman niya nang malaman ang pinakatatagong sekreto ng binata-matagal nang mahal ni Micky ang stepsister nito... *note this version is raw / unedited so beware of the grammatical errors here, there and everywhere~ and yesss, this is a spin-off my novel Once And For Always. So if you haven't read that, go check it out. :) Please enjoy reading! :) PS Micky here was inspired of Micky Yoochun of DBSK / JYJ. He's my 2nd bias in JYJ eh. I love him ♥
Once And For Always (COMPLETE- Published 2013 under PHR) by YaneyChinita
YaneyChinita
  • WpView
    Reads 149,121
  • WpVote
    Votes 2,646
  • WpPart
    Parts 11
Kahit ilang beses na habol-habulin niya ito, walang problema sa kanya. What was important was that they were going to be together in the end. Louise hated Jaeden to the core. Ito lang naman kasi ang asshole na dumurog sa puso at pagtitiwala niya six years ago. Dahil sa pagkabigo at pait na naranasan niya rito ay nagtungo siya sa New York upang kalimutan na ang lahat ng nangyari sa pagitan nila. Nang magdesisyon siya na bumalik sa Pilipinas-she was already a successful pastry chef-ay taas-noong sinabi niya sa mga kaibigan niya na matagal na siyang naka-move on sa ex-boyfriend niya. And then she saw him again... Seeing him again made her realize something. She lied. Hindi pa pala siya totally naka-get over sa kanyang ex-boyfriend. Pero hindi niya aaminin iyon kahit kanino. Lalo na kay Jaeden. Ngunit nang muling suyuin siya nito ay tinanggap uli niya ito sa buhay niya. Ngunit mukhang nagkamali na naman siya ng desisyon dahil sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan na naman siya nito... ***Author's note: The hero in this novel Jaeden Lagdameo was inspired by Kim Jaejoong , well in the alternate universe, for me, Jaeden and Jaejoong are the same person.Hehe. *** This is the raw and unedited version so pardon the typos and grammatical errors you may come across with. All Rights Reserved 2013
Maybe Someday (Published under Precious Hearts Romances) by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 158,077
  • WpVote
    Votes 2,463
  • WpPart
    Parts 10
My very first approved novel from Precious Hearts Romances. "Ayokong marinig mula sa iyo na hindi mo na ako mahal." Pagkalipas ng apat na taon ay nagbalik si Cassandra sa Pilipinas para pagbigyan ang hiling ng kanyang amang may sakit. Sa pag-uwi niya ay nagkrus uli ang mga landas nila ni Anton Santillan. Hindi niya inakalang sa pagtatagpo nilang iyon ay gigisingin nito sa kanya ang isang damdaming pilit niyang kinalimutan-isang batang pag-ibig na nagdulot sa kanya ng ibayong sakit ng kalooban na siyang dahilan ng pag-alis niya sa bansa. Sa pag-uwi rin niyang iyon ay may natuklasan siyang isang bagay na gusto niyang pagsisihan: a child's play that ruined her chance at happiness. Magagawa pa ba niyang itama ang mga maling nagawa niya at bawiin ang pusong minsan ay naging pag-aari niya?
CASEY'S SECRET RECIPE (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 101,872
  • WpVote
    Votes 1,582
  • WpPart
    Parts 12
"Stop begging me to let you go. Because that's the last thing I'd do." Pagkalipas ng sampung taon, bumalik si Casey sa Pilipinas sa pag-aakalang nalimutan na ng lahat ang kanyang madilim na nakaraan. Pero nagkamali siya. Dahil hindi pa man siya nagtatagal sa bansa ay ginulo na siya ng mga tao sa kanyang nakaraan. At isa na roon si Gideon, ang lalaking naging malaking parte ng nakaraan niya. Tatakas na sana uli si Casey pero dalawang bagay ang pumigil sa kanya. Una: ang kagustuhan niyang makasama uli si Gideon kahit kumokontra doon ang kanyang puso at Pangalawa, gusto niyang masiguro ang kutob niyang mayroong inihahandang sorpresa ang binata para sa kanya. Aminado si Casey na mahal pa rin niya si Gideon kaya nakahanda siyang ayusin ang gusot na namagitan sa kanila. Mukhang ganoon din ang gusto ng binata kaya nagkasundo silang ibalik ang dating magandang samahan nila. Maayos na sana ang lahat. Kaya lang, nalaman niyang ikakasal na pala si Gideon sa iba at inililihim lang nito iyon sa kanya.