Em Priel Master Piece
13 stories
Regalo (One Shot) by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 1,770
  • WpVote
    Votes 76
  • WpPart
    Parts 1
Higit ka pa sa kahit anong regalo na nakuha ko. Maraming salamat. A Non fiction story. A piece I wrote for the Guardian Newspaper of Rizal Technological University.
~Espren (Short Story) by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 2,466
  • WpVote
    Votes 79
  • WpPart
    Parts 1
"Espren, may sasabihin ako sa'yo." "Ano yun espren?" "Naalala mo nung bibigyan sana kita ng chocolates?" "Ah nung naiinis ako sa mundo. Tapos gusto mo akong pasayahin? Haha. Naalala ko na." "Yung chocolates kasi. Nasa bahay pa. Tapos ano..." Tumingin ako sa kanya habang nakahiga kami sa damuhan, malungkot ang muka niya habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Naghintay ako ng sagot, pinilit niya lang ngumiti noon dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya. "Alam mo sabi nila kapag ang chocolates daw pinatagal mong kainin, nagiging mapait. Nawawala yung sweetness." Tumahimik lang ako. Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin, pero hindi ko na lang iyon pinansin. Alam ko na naman sa mga oras na 'yon na mabigat na naman ang pakiramdam nya. "Naalala mo noong may sakit ka? Pilit kang pinapainom ng gamot ni tita? Sabi mo ayaw mong inumin yung gamot kasi mapait." Sabi ko sa kanya. "Pero alam mo, minsan kung ano pa yung pinakamapait na gamot, 'yon pa yung pinakamabisa." Tumingin ako sa langit, hindi ko alam kung maiintindihan niya din ang gusto kong sabihin. Mahirap tanggapin para sa kanya. Pero mas mahirap na tanggapin para saakin na nasasaktan ko siya. Tumawa na lang siya na parang isang baliw. Umupo siya at tumalikod saakin...tumatawa siya ng walang tigil, pero...alam ko sa pagkakataong iyon na lumuluha na naman siya. cover credits: Kristoffer Ian Dacoycoy Belen
Eroplanong Papel (Short Story) by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 1,277
  • WpVote
    Votes 37
  • WpPart
    Parts 1
“Para tayong mga eroplanong papel na naglalaro sa himpapawid. Kung magtugma man ang ating landas ay ang hangin lang ang nakakaalam. Hindi natin malalaman kung kailan, hindi natin malalaman kung saan. Magkikita tayo ng paulit-ulit ngunit hindi magtatagpo ang ating puso at isipan.” special thanks: cover by Ian Belen.
Tiklado by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 2,237
  • WpVote
    Votes 121
  • WpPart
    Parts 3
Noon iniisip kong gumagawa lang ako ng kanta para sa sarili ko. Iniisip ko na isinusulat ko lang silang lahat dahil...dahil gusto ko. Pero nagbago bigla ang lahat noong makita kita isang araw sa sayawang iyon. Hindi ka sumasayaw. Nakatitig ka lang sa akin at pinapanood mo ako habang tinitipa ang bawat tiklado ng aking piano. Nilapitan kita pagkatapos, ngumiti ka pero hindi ka nagsalita. Tumakbo ka palayo pero muli kang lumingon para lang ipakita ang iyong napakagandang ngiti. Kailan ko nga ba isinulat ang kantang ito? Ah...oo naalala ko na. Naalala ko noong sinabi mo sa akin na papayag ka lang na makilala kita kung gagawan kita ng kanta. Hindi ko alam na iba pala ang dahilan mo kung bakit gusto mong isulat ko ang bawat piyesa ng kantang ito.
Tagu-taguan by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 5,258
  • WpVote
    Votes 284
  • WpPart
    Parts 11
"Tara laro tayo!" "Anong laro naman ang gusto mo?" "Tagu-taguan...ikaw ang taya ha?" "Haha sige sige gusto ko 'yan!" "Oh dali! Dali na takpan mo na ang mga mata mo tapos bilang ka hanggang sampu ah?" "Tapos hahanapin kita?" "Oo hahanapin mo 'ko. Kapag nahanap mo ako, ako naman ang taya." Nakakapanibago yata na sa pagkakataong iyon ay pumayag kang maging taya kung matataya kita. "Sige! Isa...dalawa...tatlo..." Nagbilang ako hanggang sampu sa likod ng puno ng ating paboritong palaruan. Noong una akala ko nasa paligid ka lang. Halos isang oras siguro akong naghanap sa 'yo, nakangiti pa ako noon. Mukha nga akong tanga habang naghahanap, pero noong naisip ko ang sinabi mo sa akin dati ay hindi ko na tinuloy ang paghahanap. "Bakit ba kasi tayo hanap ng hanap sa mga bagay na nagtatago? Kaya nga sila nagtatago...kasi ayaw nilang magpahanap," sabi mo. "Oo nga 'no? Kasi kung gusto nila magpahanap, magpapakita sila. Kahit gaano katagal 'di ba?" sagot ko naman. Ewan ko ba. Sa tuwing maaalala ko ang mga panahon na 'yon noong mga bata pa tayo, napapangiti na lang ako. Mga bata pa nga tayo noon, wala pang alam. Pero hindi na tayo bata ngayon. Hindi na siguro natin kailangang magtaguan...ng nararamdaman. Special thanks: Cover by: AFeelingWriter
Abot Langit by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 9,551
  • WpVote
    Votes 370
  • WpPart
    Parts 13
Ang sequel ng Patunayan. Kapag mapait ang buhay kailangan ng chaser. Matuto tayong lumangoy kapag nalulunod na tayo sa alak at pag-ibig mga bro! :-) -EMPriel
Salamisim by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 2,194
  • WpVote
    Votes 73
  • WpPart
    Parts 2
Kung marami na nga ang namamatay sa maling akala iisipin ko na talagang torture ito. Pero bakit ko nga ba mas pinili ang ganitong sitwasyon? Minsan iniisip ko napakatanga ko lang talaga na kahit na ano pang gawin mong pagsusungit at pagtataray sa akin ay nagagawa pa rin kitang suyuin. May punto na parang palagay ang loob natin sa isa't-isa. May punto naman na para bang kinasusuklaman mo na ako. Pero kahit na ganoon ay heto, nandito pa rin ako at patuloy na naghihintay. "Hmm, sorry," napakatipid na sambit mo. Hindi ko nga alam kung saan na bang lupalop nakakarating ang isang salitang gaya niyan. Napakadaling paniwalaan para sa akin dahil ikaw naman ang nagsabi, pero dumating yung punto na napagod na lang ako. "Pasensiya na rin. Nakalimutan ko kasi...hindi nga pala tayo. Kaya siguro dapat ilugar ko na lang ang sarili ko sa tamang lugar at tao." Ngumiti ako at nilagpasan ka. Ngumiti ka rin, pero kitang-kita sa mga labi mo ang mapait na katotohanan. "Mahal mo pa rin ba ako?" tanong mo. Isang tanong na nakapagpatgil sa akin. Ang tanging nagawa ko na lamang ay lumingon, ngumiting muli...at umiling.
+16 more
Patunayan by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 10,254
  • WpVote
    Votes 538
  • WpPart
    Parts 10
Noon, inakala ko na ang oras ay may kinalaman sa bawat galaw ng tao, kung magbabago man ang oras nito ay ibig sabihin, iba na naman ang mangyayari. Nagkamali ako. Bumabalik din kasi ang mga kamay nito sa dati; paikot-ikot lang, paulit-ulit. Walang saysay. Pwera na lang noong makilala ko siya. Based on a slightly true story.
Philippines: Year 2302 - Helena's Downfall by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 214,195
  • WpVote
    Votes 4,946
  • WpPart
    Parts 25
Dalawang taon na ang nakararaan matapos ang insidenteng naganap sa Pilipinas, natunghayan ng buong mundo ang pagbagsak ng isang diktador na nagngangalang Johan Klein. Sinubukan niyang manipulahin ang lahat ng gumagamit ng memory gene upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng buong mundo gamit ang MCM o Memory Control Maneuver. Ito ang programang ginawa ng MEMO upang kontrolin ang lahat ng tao sa mundo na gumagamit ng memory gene upang pabagsakin ang isang bansa, tanggalin ang mga balakid sa daraanan ng MEMO at gawing matiwasay ang pamumuhay ng bawat gumagamit nito sa paraan ng pagcontrol. Hindi ito nagustuhan ng mga tao, bagkus ay ipinakita lamang ni Johan ang kung anong kayang gawin ng MEMO upang sirain ang sangkatauhan. Inalay niya ang sariling buhay para lang baguhin ang sistema ng buong mundo. Pinalabas niyang si Helena ang kumitil sa kanya upang siya ang kilalanin bilang tunay na bayani. Lubos namang nalungkot si Helena sa ginawa ng binata ngunit naniwala naman ang mga tao na dahil sa kanya ay nagkaroon ng pagbabago. Tuluyang bumagsak ang kompanyang MEMO. Naging panatag ang buhay ng bawat tao at tuluyan na ring nasira ang caste system sa buong mundo na humati sa lipunan sa mahabang panahon. Naging tahimik ang bawat isa ngunit isang balita ang gumimbal sa buong mundo. Natuklasan ng gobyerno na nawawala ang MCM program, pinaniniwalaang ipinasa ito ni Johan Klein sa isang di kilalang tao na tinatawag na Subject 1. Dahil dito ay naglunsad ang pamahalaan ng bawat bansa ng ilang fact finding committee upang hanapin ang MCM program at alamin ang tunay na pagkatao ng Subject 1. Marami na ring iba't-ibang organisasyon ang nakikipag-agawan sa naturang programa upang baguhin ito at i-hack upang hindi lamang DNA ni Johan ang makapag-activate sa naturang program. Ang mga di kilalang organisasyon na lumalantad sa lipunan ay patuloy din na naghahanap sa naturang programa na maaari nilang gamitin sa pansariling kapakanan at maaaring ikasira ng buong sangkatauhan.
Minsan May Tayo (Short Story) by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 811
  • WpVote
    Votes 31
  • WpPart
    Parts 2
"Hindi ba talaga puwede?" tanong niya. May kung anong bumara sa aking lalamunan habang hawak ang manibela. Napaiwas ako ng tingin sa daan. Muli ko siyang tiningnan, ang mga ilaw lamang ng poste sa gabing iyon ang tangi kong pag-asa para makita ang luhaan niyang mga mata. Hindi ako nakapagsalita. "Dahil ba sa kanya?" sambit niya habang pinipigilang humikbi. Napakapit ako sa aking bibig. Walang kumakawalang mga salita. Walang maramdaman kundi ang pangungulila. Huminga ng malalim, ibinuga sa kawalan, ipinihit ang sasakyan sa kanan upang huminto sa gitna ng kadiliman. Tuluyan siyang umiyak ngunit walang kahit anong tunog. Umiyak siya na tila pinipigilan ang kanyang sarili na kumawala sa kalungkutan. Tulala lamang ako, nakatingin sa kawalan. "Naiintindihan ko na ngayon," sabi niya. "Hindi gano'n 'yon." Pinatay ko ang aking pananahimik at tumingin sa kanya. Pinilit niyang ngumiti at pahirin muli ang natitira pang luha sa namumugto niyang mga mata. Huminga siya ng malalim at pumaling sa likod ng kotse upang kunin ang kanyang backpack. "I have to go now," sambit niya nang buksan ang kotse. "Steph..." wika ko. Sinusubukan siyang pigilan. "Steph, please." Naglakad siya sa harap ng kotse kung saan nakikita ko ang patuloy niyang paghikbi at pagyakap sa sarili sa malamig na gabing iyon. Mabilis ang kanyang paglalakad, tila ayaw magpahabol. Ang tanging nagawa ko na lang ay panoorin siya habang unti-unting naglalaho sa aking paningin. Napayuko na lamang ako at isinandal ang ulo sa manibela. See full story: https://www.wattpad.com/story/154522007?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=share_reading&wp_page=reading&wp_uname=tropangbarubal&wp_originator=q0%2FRrLsIaG0h8qJ8CaeLgIsggqGouEu9n7sC9y2xFrQ%2FzCuVUwoagKGAVMVZXopNOGTersrWLks6db0qBrSf8zG07eVIwgP4ia5dGF6qErLv5SeuinN2JPEDQW%2B529bj&_branch_match_id=545224052653409448