ElyssianLionheart1
Mahilig magbasa ng WebNovel and PR Head na si Brianna Dela Cruz kaya naman laking gulat niya nang mabasa niya sa isang 'di kilalang may akda and eksaktong mga nangyari sa isang Raffle draw na ang department niya mismo ang nag-Host noong tanghali lamang na iyon.
Kada detalye---mula sa pangalan ng mga nanalo hanggang sa mismong pinag-usapan nila ni Argine sa telepono---ay eksaktong nakalahad sa maiksing kabanata ng kwentong naisulat isang linggo na ang nakalilipas.
Ngunit ang mas ikinabahala ni Brianna ay ang kung paanong sa mga susunod na kabanata'y itinakdang mamatay ang isa sa mga karakter ng kwentong ito na si... Argine.
Mapipigilan kaya ni Brianna na maiba ang direksyon ng kwento at mailigtas ang kaibigan sa posibleng mangyari?
Abangan sa mga kabanata ng kwentong isinulat ng...
May Akda.