msmlkmsbttr's Reading List
170 stories
DG Series #3: Never Gonna Let You Go by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 1,517,542
  • WpVote
    Votes 36,170
  • WpPart
    Parts 44
Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang babae. Pero hinahanap hanap naman nya ang isang parte nito sa lahat ng babaeng nakakarelasyon nya. Hanggang sa makita nya ulit ito at parang huminto sa paginog ang mundo nya. Pero iba na ang pangalan nito ngayon at may anak na. Ang puso nyang nanahimik ng ilang taon ay muling nagulo at litong lito. Atlas Montecillo and Jolene Caraz story #TAGALOG #MATURE_CONTENT
DG Series #2: Truly Madly Deeply In Love by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 2,494,064
  • WpVote
    Votes 52,215
  • WpPart
    Parts 52
Si Luis Gregory Federova o Luigi sa kanyang mga kaibigan ay isang kilalang businessman. Bukod sa sarili nyang negosyo ay pinamamahalaan din nya ang malaking kumpanyang iniwan sa kanya ng yumaong lolo. Tuso sya at isang matinik na negosyante. Pero bukod sa pagiging matinik na negosyante ay matinik din sya sa mga babae. Kilala din syang mainitin ang ulo at maiksi ang pasensya sa mga taong ginugulangan sya. Pero pagdating kay Ivona ay para syang maamong tupa. Hindi sya nagpapakita ng pangit na ugali dito dahil natatakot syang ma-turn off ito sa kanya. Matagal na nyang gusto ang dalaga. High school pa lang ito ay crush na nya ito. Hanggang sa isang mainit na gabi ang pinagsaluhan nila. Para syang nanalo sa lotto ng mapagalaman nyang sya ang una nito sa sa lahat. At gagawin nya ang lahat maulit lang ang langit na tinamasa nya sa piling nito. Kinaumagahan ay nagising syang may nakatutok na baril sa kanya. Nasa kwarto na pala ang mga magulang ni Ivona at galit na galit na nakatingin sa kanya. Ang akala ng mga ito ay pinilit nya si Ivona. Tinakot sya ng mga itong idedemanda ng rape kung hindi nya pakakasalan si Ivona. Pumayag naman sya hindi dahil sa takot syang maidemanda kundi gusto nyang ariin na ng buo si Ivona at ikulong sa piling nya ng habang buhay. Ngunit nalaman nyang planado lang pala ang lahat dahil gusto ng mga itong kikilan sya ng pera. Namuhi sya sa dalaga pero hindi nya ito kayang pakawalan. Luis Gregory Federova and Ivona Aguaz story #TAGALOG #MATURE-CONTENT
DG Series #1: Captive Heart by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 3,102,966
  • WpVote
    Votes 58,708
  • WpPart
    Parts 50
Si Aitana ay simpleng guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan. Hindi naman talaga nya pangarap ang maging guro. Naging guro sya dahil sa tiyahin nyang matandang dalaga na dati ding isang guro na retirado na. Ang pangarap talaga nya ay maging isang beauty queen. Matalino naman sya, maganda at sexy. Yun nga lang kapos sya sa height at medyo lagapak sa behavior. Madalas syang napapaaway sa totoong buhay man o sa social media kaya madalas din syang nawawarningan sa school. Pero masusubok yata ang powers nya sa isang gwapo, matangkad at machong pulis pero ubod ng arogante at dominante. Uubra kaya sya dito o matitiklop sya? Lorenzo Villegas and Aitana Mangubat story #MATURE #TAGALOG
[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karma by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 1,932,979
  • WpVote
    Votes 43,442
  • WpPart
    Parts 50
Naniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman nya kasalanan yun dahil unang una palang ay sinabihan na nya ang mga ito na wag mai-inlove sa kanya. Ngunit isang araw may isang matandang babaeng wala yata sa sarili nito at hinulaan sya. At ayon nga daw sa kapalaran nya ay nalalapit na ang karma nya. Ang babaeng magpapatibok ng triple sa bato nyang puso. Ang babaeng magpapaiyak sa kanya. Ang babaeng mahihirapan syang mapaibig kahit lumuhod pa sya sa asin. Tinawanan lang nya ito. Hindi sya naniniwala sa karma. Tao lang ang gumagawa ng karma nya. Pero ng makilala nya si Maggie ang hipag ng kaibigan nyang si Austin ay nagiba ang tibok ng puso nya. Unang kita pa lang nya dito ay alam nyang tinamaan na sya. Pero hindi pala ganun kadali ang pagdadaanan nya para mapaibig ito. Dahil desi syete lang ito at malaki pa ang pagkadisgusto sa kanya, laging nakasimangot tuwing nakikita sya. Ang isip nya ay nagsasabi na kalimutan na lang ito at ibaling na lang ang atensyon sa iba, ngunit ang puso nya naman ay ito lang ang hinahanap hanap kahit halos isumpa sya nito ng sirain nya ang date nito sa lalaking gusto nito. Danon Acosta and Maggie Caperiña story #MATURE #TAGALOG
[The Bachelors Downfall Series #4] When Love and Hate Collide  by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 1,674,301
  • WpVote
    Votes 30,891
  • WpPart
    Parts 41
Simula ng dumating ang bagong pamilya ng ama ay napilitang umalis ni Lex sa bahay nila na punong puno ng alaala ng kanyang yumaong ina. Hindi nya kayang makasama ang mga ito. Ang ama nya ay tila wala ng respeto sa yumao nyang ina at sa bahay pa talaga itinira ang bagong pamilya. Lalo pang lumaki ang hidwaan nilang mag ama. Halos isuka na nila ang isa't isa. Mukhang kaya syang ipagpalit ng ama sa bago nyang pamilya. At natitiyak nyang pera lang at yaman ang habol ng bago nyang pamilya. Kaya nagbago ang isip nya at bumalik sa bahay para bantayan ang bagong pamilya. Lalo na at ang anak ng madrasta nya ay feeling prinsesa. Kung umasta ay parang pag aari nya ang bahay. Ubod pa ng kulit at arte. Ngunit sa kabila ng kakulitan at kaartehan nito ay hindi nya naman maitago ang pagnanasang nararamdaman nya para rito. Ubod din kasi ito ng ganda at ubod din sa kaseksihan. Kaya hindi nya tuloy alam kung ano ang dapat panaigin nya. Ang init ba ng ulo nya sa taas o init ng ulo sa baba. Alexander Cortez and Graciella Serapino story #tagalog #mature #erotic
TEMPTATION ISLAND: Midnight Mistress by RaceDarwin
RaceDarwin
  • WpView
    Reads 18,456,626
  • WpVote
    Votes 399,525
  • WpPart
    Parts 99
Midnight Mistress is now live! Temptation Island Series| R-18
[The Bachelors Downfall Series #3] Be My Baby  by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 2,400,985
  • WpVote
    Votes 43,198
  • WpPart
    Parts 43
Paano ba pigilan ang damdaming umuusbong sa babaeng simula pa lang pagkabata ay tinuring mo nang kapatid? Sebastian Albano & Althea Canlas story #tagalog #mature #spg13
[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot  by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 2,557,566
  • WpVote
    Votes 44,003
  • WpPart
    Parts 41
Ako si Mecaela. Isang simpleng dalagang probinsyana. Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan akong huminto sa pag aaral at lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho. Pero dahil hindi nakapagtapos ay nahirapan akong makahanap ng magandang mapapasukan. Kaya napilitan akong mamasukan bilang isang kasambahay ng isang gwapo at machong lalaki na medyo bastos na kung sino sinong babae ang dinadala sa bahay at saksi pa ako sa kaharutan nya. Paano kung isang araw ako naman ang harutin nya? Papalag ba ako o papayag? Austin De Clemente and Mecaela Caperiña story. #MATURE_CONTENT #EROTIC #TAGALOG Read at your own risk! 🔞 June 2022
[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na Mekaniko by lhiamaya
lhiamaya
  • WpView
    Reads 3,489,694
  • WpVote
    Votes 48,007
  • WpPart
    Parts 40
Si Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng matipuhan ay nakukuha nya. Pero paano kung sa isang dalagang mas bata sa kanya ng labing tatlong taon sya nakaramdam ng init na katawan? Na ang turing sa kanya ay parang kuya. Mapigilan nya kaya ang pagnanasang nararamdaman sa dalaga o magpapaalipin sa nais ng katawan na maangkin ito. Pierre Allen Rosca at Anika Robles story. #Tagalog #Erotic #Mature Rated - SPG🔞 April 2022
Getting To You (Azucarera Series #2) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 30,792,776
  • WpVote
    Votes 1,233,755
  • WpPart
    Parts 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and proper. Walang mag-aakalang may magagawa siyang isang bagay na ikakahiya ng kanyang pamilya. When it happened, she was devastated. The truth was revealed and yet everyone seems to their fingers to someone else, hindi siya. Hindi siya kayang paratangan ng probinsiya ng ganoong bagay. She was guilty and regretful. She carried it within her, and never forgave herself. Nang umuwi si Alonzo Salvaterra, nakita niyang pagkakataon iyon para humingi ng tawad. She was always soft spoken but this time, she hopes that her voice was enough. And that it will get to him. This is the second book of Azucarera Series. The series consist of three books. The two other books are: Against The Heart (Azucarera #1) Hold Me Close (Azucarera #3)