LaKhantot
- Прочтений 15,050
- Голосов 261
- Частей 14
Sa ilang buwan na paglalayag, sa pagitan ng asul na langit at walang katapusang alon, ang barko ay naging isang kanlungan ito ng mga lalaking nangungulila-nag-iinit at nauuhaw sa tawag ng laman. Malayo sa mata ng mapanghusgang mundo, ang laot ang naging saksi sa lahat. Nagsimula sa payak na samahan. Ngunit habang tumatagal ang paglalayag, kasabay sa init ng makina at ng sikat ng araw sa kubyerta, unti-unting lumiyab ang pinipigilang pagnanasa. Ang pagkakaibigan ay naging pagtuklas. Ang mga sulyap ay nauwi sa lihim na haplos. At isang gabing tahimik, sa masikip na kabina, nagkatipon ang anim na lalaking lunod sa kamunduhan. Nang sumara ang pinto, nag-iba ang ihip ng hangin. Ang simpleng inuman ay napuno ng malagkit na titigan. Sa pagitan ng tawa at biruan, bumuo ang tensyon na unti-unting lumulukob sa mapupusok na pagkatao. Handa ka na bang sumama sa paglalayag ng mga marino na sisira sa kani-kanilang limitasyon, at wawasak sa lahat ng kanilang itinuturing na bawal? Tara at subaybayan mo ang... KADETE