MariaAbrill
- Reads 273
- Votes 306
- Parts 51
Tao lang naman ako may puso din ako, kaya nasasaktan ako hindi ako bagay na kapag ayaw na itatapon lang. Inaamin ko hindi ako kagandahan para magkaroon ng gwapong kasintahan. Matalino nga ako, laging nakakakuha ng award, with honor minsan nga with high honor pa, pero bakit ganito iniiwan nila ako.
Akala ko magiging masaya ako dahil dumating sa buhay ko ang isang lalaking magpapasaya sa buhay ko pero nagkamali ako, ang sakit-sakit kaya simula noon hindi ko na binalak na magkaroon ng nobyo dahil alam ko na masasaktan lang ako.
Siguro swerte na lang ang panghahawakan ko bahala na ang swerte kong saan ako nito ibibigay, kahit hindi gwapo ang nakatadhana saakin tatanggapin ko ito ng buong puso ko basta't huwag lang ako nitong saktan.
Pero mayroong dumating sa buhay ko na isang taong hindi ko aakalain na siya na pala ang magmamahal saakin at hindi ako iiwan. Siguro siya na ang ibinigay saakin ng panginoon, pero bakit ang pangit ng una naming pagkikita?