MarkusJuan's Reading List
5 stories
Dirty Bastard by MarkusJuan
MarkusJuan
  • WpView
    Reads 7,368
  • WpVote
    Votes 235
  • WpPart
    Parts 25
Shawn Raven Walton, anak nina Roice at Gaia. Isa siya sa mga suki ng kulungan. Normal na ring maituturing ang paglabas masok nito doon. Sa rami ng kanyang mga katarantaduhan na ginawa ay tila kilala at nanawa na sa kanya ang mga pulis at preso roon. Sa kabilang banda, darating naman ang panibagong naka destino na pulis kung saan siya naroon. Si Aika Summer Montefalco anak nina Althea Belle at Matt Gabby. Kilala ito sa pagiging palaban, mabagsik at walang inuurungan. Halos lahat ng mga kriminal ay iniiwasan ito dahil sa naranasan nila na hirap sa babae na ito. Paano kung ang tarantado na si Shawn at palaban na si Aika ay magtagpo? Umubra kaya ang tapang ni Aika? o aamo ang mala tigreng si Shawn? Maghahalo na kaya ang mga balat sa tinalupan?
ILALIM by mingineee
mingineee
  • WpView
    Reads 31,622
  • WpVote
    Votes 1,946
  • WpPart
    Parts 28
[WARNING: VIOLENCE, MENTION OF DRUGS, RAPE. DISCLAIMER: I DO NOT ROMANTICIZE RAPE. I HAD TO WRITE IT THE WAY IT SHOULD BE WRITTEN. I SAID WHAT I SAID. THANKS FOR THE CONCERN.] "Ibalik mo ako kung saan mo ako napulot. Hayaan mo dahil ako'y makakalimot. Ako'y natagpuan mo sa ilalim, kaya kong bumalik roon nang taimtim. Paalam, mahal." Sa loob ng maikling panahong paninilbihan ni Keith Sebastian sa bilangguan, natagpuan niya ang sariling tumatakas sa krimen na kanyang nagawa. Kasama ang tatlong mga lalaking kanyang naging sandalan, pilit niyang nilisan ang kwebang pinaninirahan ng kagaya nilang mga makasalanan. Sa maikling panahong pilit na pagtatago, nakita niya ang sariling nahuhulog sa hindi pamilyar na sensasyong dala ng mga makamundong bagay. At sa panahon ng pagtanggap niya ng mga pangyayari, nagsimula ang misteryosong paghabol ng mga nakaraang pilit niyang iniwan. "Walang libreng hustisya sa bayang hindi malaya." STARTED: MAY 11, 2021 ENDED: ------- RANKINGS ????️ #3 Jail 12/03/21 #3 Prison 12/15/21 #2 Jail 12/22/21 #1 Jail 02/11/22
Game of Fate: Cruel by MarkusJuan
MarkusJuan
  • WpView
    Reads 709
  • WpVote
    Votes 149
  • WpPart
    Parts 7
'MarkusJuan × Calypzo Alcazar Collaboration' Nagsimula ang lahat ng magkaroon ng nakakahawang virus, lahat naapektuhan, bata man o matanda. May mga ilang kaso rin ng mga karumal dumal na pagpatay na hindi matukoy ang salarin. Dito masusubok ang tatag ni Gael Villanueva na isang normal na binata, pero nagbago magmula nang maturukan ito ng vaccine. Ang dapat na maging lunas sa sakit ay siya namang magbibigay ng ibang epekto sa kanila. May namatay at misteryong dala nito sa ilan. Dadanak na ng dugo. Lalaban para sa sariling buhay. Sari-saring emosyon ang nararamdaman sa bawat pagsubok na darating. Magawa kaya niyang masolusyunan ang suliranin na ito? o tatalunin sila ng kasamaan?
Hello, Steve by MarkusJuan
MarkusJuan
  • WpView
    Reads 2,066
  • WpVote
    Votes 233
  • WpPart
    Parts 12
Steve Ryder, isang binata na nangangarap makaahon sa hirap. Kaya naman ay magmula sa probinsya ay pumunta siya sa Manila para tuparin ang naudlot na pangarap ng kanyang ama, ang pagiging Pulis. Mag aaral siya sa isang all boys school sa Manila, kung saan makikilala niya ang iba't ibang tao na magiging parte ng buhay niya. Bagamat lalaki ang kasarian niya, hindi maitatanggi ang natatangi niyang ganda na magiging dahilan ng mga hindi inaasahang pangyayari. Subaybayan natin si Steve na harapin ang pagsubok ng buhay. Matupad kaya ang pangarap niya? O Maapektuhan siya ng mga nasa paligid niya?
Prae High by MarkusJuan
MarkusJuan
  • WpView
    Reads 459
  • WpVote
    Votes 47
  • WpPart
    Parts 2
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya.Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at paglaban na nakatay ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?