PHR
8 stories
Ganoon Kita Kamahal COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 989,521
  • WpVote
    Votes 18,727
  • WpPart
    Parts 21
"You may have an enchanting smile and eyes that look deep into a man's soul but I am immune to the likes of you, Judy..." Labing anim na taon si Judy nang ipagtabuyan siya ng ina at ng stepbrother sa Hacienda Esmeralda pabalik ng Maynila sa kasalanang hindi niya ginawa. Makalipas ang anim na taon ay dumating muli sa buhay niya si Jose Luis Esmeralda, ang panganay na anak ng lalaking muling pinakasalan ng ina niya. Pinilit siya nitong iuwi ng Hacienda Esmeralda dahil sa isang trahedyang kinasangkutan ng ina. Para dito ay isa siyang masamang babae. Iyon ang pagkakilala ni Jose Luis sa kanya kahit noong panahonng siya'y dalagita pa lamang. Pero bakit nais nitong pakasalan siya sa kabila ng pagkakaalam niyang kinasusuklaman siya nito?
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY  by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 105,206
  • WpVote
    Votes 2,157
  • WpPart
    Parts 12
Gumuho ang mundo ni Cyrene nang mahuli niya ang boyfriend niyang may kaniig na babae sa kama nito. Sa sobrang sakit na naramdaman ay sa pagkain niya ibinunton iyon. Namalayan na lang niyang palobo nang palobo ang katawan niya. Bale-wala lang naman sana iyon sa kanya kung hindi lang siya tinawag ni Lanter na "mataba" at "manang." Palibhasa, ubod ito ng guwapo. Dahil doon ay tinangka niyang gayumahin ang matagal na niyang crush na pinsan nitong si Josh para ipamukha kay Lanter na magkaka-love life siya kahit mataba siya. Pero kung kailan hinihintay na niya ang resulta ng ginawa niyang panggagayuma kay Josh ay saka naman biglang bumait si Lanter sa kanya. Kung suyuin siya nito ay para siyang isang prinsesa. Diyata't dito umepekto ang gayuma? Parang gusto tuloy niyang uminom ng isang box na slimming tea.
Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3) by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 253,112
  • WpVote
    Votes 6,362
  • WpPart
    Parts 27
"Destiny is something you don't find. It comes to you at the right place and the right time. And right now, I think I've just met mine." 💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖 Deejay and Gelo were best of friends. Si Cherry ang kaisa-isang babae na minahal ni Gelo, pero nabighani naman ang dalaga sa isang lalaki na nagngangalang Karlo. Ngayon ay kailangan ni Gelo ang tulong ni Deejay para mabawi nito si Cherry. Kahit alanganin ay pumayag si Deejay sa plano ni Gelo. Anything for her dear best friend. Ang mission niya: Akitin si Karlo. Hindi na niya kailangang mag-effort, dahil sa unang pagtatagpo pa lamang nila ni Karlo, a.k.a. Ahrkhei, nakuha na niya agad ang atensyon nito. Tama nga ang hinala nila ni Gelo. Karlo was indeed a handsome playboy, a cheater, a jerk, at kahit na sinong babae ay mahuhulog sa talento nito sa panloloko. Kailangan lang na mahuli ni Cherry si Karlo sa akto. Kailangan nilang patunayan sa babae na si Gelo ang tamang lalaki para dito. Magtagumpay nga kaya sina Deejay at Gelo sa kanilang plano, o sa huli ay masasaktan lamang sila pareho? Published under PHR 2015 Modified version
Ang Misteryo ng Maldita  by Vanessa by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 382,401
  • WpVote
    Votes 6,812
  • WpPart
    Parts 29
JT met Paola Danica one night while she was stinking drunk. Hindi niya alam kung bakit tinulungan niya ito gayong bukod da hindi naman niya kilala ito ay nagsuka pa ito sa kalsada, at walang pakialam kahit na masagasaan ito ng naglalakihang bus sa Cubao. When she passed out, he took her to a motel. And he woke up with cops arresting him. Wala pa mang beinte-kuwatro oras ay napakarami nang nagyari sa kanya dahil sa babaeng ito: Napasakay siya sa ordinaryong bus nang wala sa oras, nasukahan, naaresto nang naka-briefs lang, at nagpalipas ng gabi sa presinto. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, bakit hindi niya magawang pahindian ang dalaga sa mga hiling nitong lahat naman ay tila sinadya upang malagay siya sa alanganin? Bakit siya nagtitiyaga rito gayong sinabi mismo nito na hindi ito handa sa anumang relasyon? He was a class-A male, chasing crazy, mysterious maldita. Somehow, that was all right with him. What the hell happened to the universe?
Kapag Minahal Kita by Nicka_Gracia
Nicka_Gracia
  • WpView
    Reads 112,308
  • WpVote
    Votes 1,542
  • WpPart
    Parts 12
This is unedited version. Published under Precious Hearts Romances. Circa 2014.
MORE THAN I FEEL INSIDE by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 207,516
  • WpVote
    Votes 4,066
  • WpPart
    Parts 22
"Whatever happens, even if my heart stops beating, it will not stop from loving you." Unang beses pa lamang na nagtama ang mga mata nila, alam na ni Althea na umiibig na siya kay Gabriel. At wala na siyang ibang pinangarap kundi ang maging kanya ito. Nangyari naman ang inaasam niya; she became Mrs. Gabriel Vasquez. Ngunit sa pangalan lamang sila naging mag-asawa dahil labis na kinasuklaman siya nito. Iyon ay dahil isang kasunduan lamang sa pagitan ng mga magulang nila ang nangyaring kasalan at siya ang labis na sinisisi nito sa bagay na iyon. Despite everything, she still loved him and she would take every risk to make him love her, too. And fate had been so kind to her. He fell in love with her, too. Subalit kung kailan may katugon na ang damdamin niya rito, saka naman niya nalaman na nasa panganib ang buhay niya na nakatakdang maglayo sa kanya rito. Will fate still be on her side? Warning: It may not be suitable for younger readers. But no, not an SPG story. :)
The Ladies' Man meets Elli Gerardo by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 104,280
  • WpVote
    Votes 1,451
  • WpPart
    Parts 10
Kaya pala ng isang taong magmahal nang paulit-ulit sa iisang tao sa loob ng mahabang panahon kahit na sinaktan na siya nito. Nasa college si Elli nang makilala niya si Gideon. Isang kilalang personalidad si Gideon sa campus na kabaligtaran niya. Alam niyang hindi siya kagandahan at walang-wala siya kung ikokompara sa mga campus sweetheart. Oo, para siyang insecurity na tinubuan ng tao. Ngunit nag-a la Rapunzel sa haba ang buhok niya nang magkagusto sa kanya si Gideon. Heaven talaga ang feeling niya nang mga panahong iyon. Pero may bad news: hindi pala totoong in love si Gideon sa kanya. Kaya para hindi naman masaid ang pride niya, na siyang natitira na lang sa kanya, ay nagkunwari siyang hindi rin mahal ang lalaki. She asked her suitor, Craig, to be her pretend boyfriend until the end of the school year. Sampung taon ang lumipas bago muling nagkrus ang mga landas nila ni Gideon at sa pagkakataong iyon ay kailangan niya itong pakasalan para maisalba ang naghihingalo nang negosyo ng pamilya nila. Would they have their "happily ever after"? O maging sa pagkakataong iyon ay hindi pa rin sila uubra?
ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version) by anrols
anrols
  • WpView
    Reads 67,006
  • WpVote
    Votes 1,395
  • WpPart
    Parts 10
Catch line: "Where do we go from here? Nasa nakaraan ka, nasa kasalukuyan ako... Ah! Basta, sa kasalukuyan lang ako nakahawak ngayon - dahil dito, abot-kamay kita." Teaser Nagkaroon si Nicka ng partial memory loss. Sa dinami-rami ng pwedeng mabura sa isip niya, ang dalawang taon pa na nakalipas sa buhay niya ang hindi niya matandaan. Tila isang fast forward ng buhay niya ang naganap. Nilapitan niya ang kasintahan niyang si Oscar para makapitan sana ito sa gitna ng mga nakakayanig na pangyayari sa buhay niya. To her dismay, hindi na ito ang dati niyang nobyo. He seemed so distant. He seemed so angry at her. Hindi kaya may nagawa siyang kasalanan dito sa loob ng dalawang taon na hindi niya maalala? Kailangang tuklasin niya ang dahilan ng matinding galit sa kanya ng lalaki. Kailangang gumawa siya ng paraan para maibalik ito sa piling niya...