azileg08's Reading List
5 stories
The Last Dance by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 22,812
  • WpVote
    Votes 455
  • WpPart
    Parts 10
Ang sabi nila, sa anumang social occasion, pinaka-memorable ang last dance. At plano ni Maggie na siya ang maging last dance ng bestfriend at matagal na niyang secret love na si Phil sa kanilang college graduation ball. Ang kaso, gaya sa mga teleserye, may kontrabida nang gabing 'yon na bumulilyaso sa plano niya. Umuwi siya tuloy na luhaan. At ang malala, napaamin siya kay Phil tungkol sa tunay niyang nararamdaman para dito. Kaso mukhang the feeling is not mutual, dahil mula noon, umiwas na nang tuluyan si Phil at hindi na nakipag-usap pa sa kanya. Six years later, muli silang nagkita. At ang nakakainis, kinukulit siya nito sa utang niya na hindi naman niya maalala. Plano niyang iwasan na lamang ito para na rin sa ikatatahimik ng buhay niya kahit pa mas guwapo na ito ngayon at mas irresistible. Kumbinsido ang isip niya na madali lang naman niya iyong magagawa dahil naka-move na siya. Wala nang epekto si Phil sa kanya. Wala na talaga. Pero... kung ang puso niya ang tatanungin, wala na nga ba talaga?
That First Night With Mr. CEO (TEASER CHAPTERS ONLY) by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 725
  • WpVote
    Votes 32
  • WpPart
    Parts 5
Girl friday sa umaga, estudyante sa gabi. Ganyan ang ikot ng buhay ni Samantha Bautista araw-araw. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral upang lalong matustusan ang pangangailangan nila ng nanay niyang may sakit. Wala sa mga priority niya ang pag-ibig subalit may secret crush siya sa bagong CEO ng kanilang kumpanya na si Aaron Miguel Sandejas. Isang gabing lasing si Aaron, nagtagpo ang kanilang landas at nalagay sila sa isang sitwasyon na nagpangyari upang kusang isuko ni Samantha ang sarili sa lalaki. Pangyayari na nagresulta sa kanyang pagdadalang-tao. Napilitan si Samantha na itago ang kanyang kalagayan. Kasabay niyon ang kanyang pagbabagong-buhay nang matuklasan niya ang lihim sa kanyang tunay na pagkatao. Apat na taon ang nakalipas, muling nagtagpo ang landas nila ni Aaron. This time, hindi na niya ito boss, kundi isa na sa mga kliyente sa events planning company na pag-aari niya. Ikakasal na ang lalaki at siya ang events planner para sa engagement party at nalalapit na kasal nito. Ayos lang sana siya, kaya niyang magpanggap na wala nang epekto sa kanya ang presensiya nito. Kaso, kahit na anong tanggi niya, panay ang tanong nito sa kanya ng, "Have we met before?" Aaminin ba si Samantha? O maninindigan siya na hindi niya ito kilala at hindi nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila na hanggang ngayon, tila hindi nito maalala.
Loving The Lost Billionaire by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 369
  • WpVote
    Votes 34
  • WpPart
    Parts 9
Mabait, mayaman at maganda, ganyan ang tingin ng buong mundo kay Charlize Elizabeth Sandejas o Charlie, ang tagapagmana ng Sandejas Shipping Lines. Nasa kanya na ang lahat maliban sa isang bagay-- ang puso ni Gael Estrada, ang ulilang lubos na tinulungan noon ng kanyang mga magulang at ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal. Thinking he doesn't want her because of their differences in life, Charlie had spent the last three years of her college life trying to unlove and forget him. Subalit muling bumalik si Gael sa buhay niya bilang kanyang bagong bodyguard. Sa pagkakataong iyon, nagtapat si Gael sa tunay nitong nararamdaman na siya lang ang pinakamamahal nito at wala nang iba. Nang maipit si Charlie sa isang kasunduang hindi naman niya talaga ginusto, lihim siyang nagpakasal kay Gael at nagpakalayo-layo. At nang akala niya maayos na ang lahat sa piling ng kanyang mahal, bigla na lamang siyang iniwan ni Gael sa panahong kailangang-kailangan niya ito. Makalipas ang halos limang taon, muli silang nagkita ni Gael. He is now a billionaire but doesn't have any memory of her. He wants two things from her, her signature on their divorce papers and her company's closure. Papayag ba siya sa gusto ni Gael nang gano'n-gano'n na lang gayong ito ang unang nanakit at nang-iwan sa kanya? Paano niya lalabanan ang galit sa kanya ng dating asawa na hindi niya alam kung saan nagmula? At higit sa lahat, paano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanilang anak na bunga ng minsan nilang pagmamahalan na hindi naman nito maalala
Kahit Na by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 1,798
  • WpVote
    Votes 37
  • WpPart
    Parts 1
Walang kasalanang 'di kayang lusawin ng pagmamahal. Dahil ang puso, patuloy na magmamahal sa kabila ng maraming kahit na.
My Unexpected You (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 140,448
  • WpVote
    Votes 3,463
  • WpPart
    Parts 25
Bangenge nang magising si Jia kinabukasan, matapos niyang lumaklak ng ilang litrong alak nang nagdaang gabi sa kasal ng matalik niyang kaibigan na si Json dela Vega. Ayos lang ang sakit ng ulo, inaasahan niya iyon, pero ang pagkirot ng mga kasu-kasuan niya pati na rin ng pinakaiingatan niyang kabibe, iyon ang 'di niya inexpect ng bongga! Mas lalo pang nawindang ang mahilo-hilo niyang mundo nang matanto niyang katabi niya ang lalaking sinumpa niya kagabi dahil sa kahambugan nito. At ang malala mga katoto, tulad ng ganda niya, hubad din ang ginoo! Ang lalaki, walang iba kundi ang ubod ng gwapo, ubod ng yaman at lodi sa abs at crush ng buong universe na si Tyrone San Miguel. Ayos lang sana na ito ang unang lalaking naglunoy sa kagandahan niya, ang kaso nag-iwan ito ng remembrance ng isang gabing pinagsamahan nila. Hindi calling card, hindi rin kissmark, kundi bata- bata na nasa sinapupunan niya.