akiraladyandrada
ILANG linggo nang sunod nang sunod kay Savannah ang isang lalaking naka-hooded jacket at shades.
Akala yata nito, hindi pa siya nakakahalata...
Aso ba ito? Bakit panay ang buntot sa kanya? Kung gayon, ano'ng breed nito? Half-Greyhound, half-boogeyman, half-human? O baka naman balak mag-aplay na anino niya?
Bigla, kinilabutan siya. Baka naman espiya? O... kidnapper?! Eh di sana... noon pa siya kinidnap. Sinusundan lang naman siya.
Wala rin naman siyang naaalalang atraso niya sa nakaraan...
Hanggang mapilitan siyang kumprontahin ang lalaki.
She was surprised nang malamang napaka-guwapo pala nito. And he had a super defined chest na
bahagyang nakahantad sa open jacket nito. Kinilig tuloy siya.
Walang babala, ninakawan siya nito ng halik. Sa lips!
"Umph!" Halos mapugto ang kanyang hininga.
"Someday, you will be mine!" walang kagatul-gatol na sabi nito.
Parang may kamandag ng Anaconda ang halik nito. She was paralyzed.