JemaPalmes's Reading List
125 stories
MR. PUBLIC SERVANT (published under PHR) (unedited) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 127,765
  • WpVote
    Votes 2,648
  • WpPart
    Parts 13
Hindi akalain ni Krista na ang lalaking mayabang na nakaengkwentro niya sa isang coffee shop ay siya rin palang nakatadhanang maging boss niya-- si Doreamon Sulibit. Hindi na niya nakuhang mag-back out dahil ano na lang ang iisipin at sasabihin ng taong nagrekomenda sa kanya sa trabaho. Katwiran niya ay kaya naman niyang sakyan ang kayabangan ni Doreamon na may natural na karisma sa mga babae. Ngunit ang pagsakay sa kayabangan ni Doreamon ay siya ring nagbigay-daan kay Krista na mahulog ang loob dito. Lalo lang nag-umigting ang nararamdaman niya nang halikan siyang bigla ni Emon isang gabi na hinatid siya nito. Magmula nang araw na iyon ay alam niyang nagbago na ang relasyon nila ng lalaki. Nag-go with the flow si Krista sa naging relasyon niya kay Emon. Pero wala sa hinagap niya na ang simpleng pagkausap sa kanya ng ina ni Emon ang magdudulot ng labis na sakit at pagkadurog ng puso niya.
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly by BalatSibuyas
BalatSibuyas
  • WpView
    Reads 1,993,573
  • WpVote
    Votes 35,276
  • WpPart
    Parts 49
Simple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang registered nurse. Nangako na lang din siya na ilalaan na lamang niya ang pagmamahal sa kaniyang pamilya na nasa Pilipinas. Sa edad niyang kuwarenta ay tuluyan na siyang napaglipasan ng panahon at napabayaan ang kaniyang pangangatawan hanggang sa tumaba na siya nang husto. Nang kinailangang operahan ng kaniyang pinakamamahal na ina ay napilitan siyang umuwi ng Pilipinas para maalagaan ito. Sa kaniyang pagbabalik ay makikilala niya ang anak ng aristokratang alahera na matalik na kaibigan ng ina. Ang bente-singko anyos na heartthrob at isa ring hopeless romantic na si Stephen Aquino, ngunit head-over-heels naman sa sexy at maganda nitong girlfriend na si Sophie Barranda. Laking dismaya pa niya dahil ipinagkasundo pala siya dito sa kabila ng labin-limang taong agwat nila. Matupad kaya niya ang kahilingan ng ina o pangangatawanan na lang niya ang kaniyang pagiging isang old maid? Ano ang epekto ng kasunduang ito sa sa magandang relasyom nila Stephen at Sophie? Basahin at saksihan ang pagiging mabuting anak, kapatid, at kaibigan ni Beverly, ang kaniyang kulitan at kilig moments kay Stephen, at ang iringan nila ni Sophie. Sila at ang iba pa ang makakasama ni Ms. Beverly sa kaniyang huling biyahe. (Fanfiction for Ms. Regine Velasquez) "Every day is a journey, and the journey itself is home." -Matsuo Basho
My Ex My Brother 「 One-Shot 」 by Yvainne_163
Yvainne_163
  • WpView
    Reads 38,853
  • WpVote
    Votes 795
  • WpPart
    Parts 12
Isang babaeng nag ngangalang Chloe May S. Empress na 18 anyos na gulang. Di kayamanan pero ito naman ay napakagandang babae. Ang ina lamang ang kasama niyang lumaki dahil ng manganak ang nanay niya ay saktong namatay rin ang tatay nito kakamadaling pumunta sa Ospital. Sa di inaasahang pangyayare nag asawa ang ina nito pero di siya nagulat dito ang ikinagulat niya ang kanyang magiging stepbrother niya ay ang ex boyfriend niya... Nagbakasyon ang mga magulang nito at pinagsama muna sila sa iisang bubobong ng walong buwan... Ano nalang kaya ang mangyayare sa kanilang dalawa? ✔
Story Of Us Trilogy Book 3 (Alexander Mondragon) Completed by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 208,050
  • WpVote
    Votes 5,765
  • WpPart
    Parts 32
Story Of Us Trilogy Book 1: Vladimir Mondragon Book 2: Ezekiel MOreno Book 3: Alexander Mondragon Isang biyaya ang pagkakaroon ng anak ngunit paano kung ni hindi mo alam kung sino ang ama at kung paano ka nagdalang-tao? Iyon ang malaking dilemma ni Christine. She was suffering from retrogade amnesia because of an accident. Ngayon wala siyang ibang magagawa kunid buhayin ang batang nasa sinapupunan niya at ipagpatuloy ang buhay kahit kulang ang kanyang alaala. Noon nagtagpo ang landas nila ng sikat na modelong si Alexander Mondragon. He was larger than life. Hindi niya inakala na ang simpleng babae na tulad niya ay mapapansin ng celebrity na katulad nito. He even showed affection to her daughter Daphne. Ang puso niya na dati nang humahanga sa binata ay tuluyang umibig dito.
Chasing Stav (Montenegro Girls #1) by iaammjosh_
iaammjosh_
  • WpView
    Reads 80,818
  • WpVote
    Votes 72
  • WpPart
    Parts 3
|| EDITING || HINDI inaasahan ni Tracey na darating ang araw na gagawin n'ya ang lahat-lahat para sa larangan ng pag-ibig. Kailanman ay hindi s'ya naging pabor sa katagang, "love at first sight", subalit... mapaglaro ang tadhana at tila gano'n ang nangyari sa kan'ya. When she first met him- she already knew that he's the one. Ngunit sa kasamaang palad, hindi naman sila magka-pareho ng nararamdaman ng lalaki, at bago iyon para sa kaniya. I mean-she's Tracey Montenegro for pete's sake! But then, she realized that she shouldn't think about it, she loves him and that's all that matters, at gagawin n'ya ang lahat-lahat... mapasagot lang ang lalaki. It was never easy- kaya nama't sobrang saya n'ya nang sa wakas ay marinig nito ang mga katagang matagal nang inaasam. Ngunit matapos ang ilang segundong kasiyahan, agad itong naputol nang matuklasan n'ya ang tunay nitong hangarin. Ipagpapatuloy kaya n'ya ang nararamdaman kahit alam niyang delikado? Kahit na walang magandang maidudulot ang pagmamahal na nararamdaman kundi panganib? photo: unsplash
Rowie's Craze COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 92,269
  • WpVote
    Votes 1,707
  • WpPart
    Parts 11
Phr Imprint 5172 Published In 2014 Unedited
Sana Bukas Tayo Pa Rin by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 97,349
  • WpVote
    Votes 2,188
  • WpPart
    Parts 14
Phr Imprint 1419 Published In 2002 "I have branded you as mine even then... even when we were still kids. Wala akong ibang babaeng minahal bukod sa iyo." Kumabog ang dibdb ni Evangeline nang makita ang dalawang bata sa larawan. Picture nila iyon ni Gideon. Walong taong gulang siya noon at hinding-hindi niya malilimutan ang ginawa ni Gideon matapos silang kuhanan ng litrato... Inilapit nang husto ni Gideon ang mukha sa kanya at hinalikan siya sa mga labi. "'Yan," masayang sabi nito, "magbata na tayo mula ngayon." Hindi malaman ni Evangeline kung maiiyak o magagalit sa ginawa ni Gideon. Sininghalan niya ito. "Anong magbata? Mga bata pa tayo, eh, gusto mo na makigaya sa matatanda?" Nagbuntong-hininga si Evangeline sa alaalang iyon ng kanilang pagkabata. Minahal na nila ni Gideon ang isa't isa mula pa noon. Kung hindi lang sa pagkakamali na nagawa niya, marahil nasa kanya pa rin ang pagmamahal nito hanggang ngayon.
Devlin, Just One Kiss (Assassins 1) by tyraphr
tyraphr
  • WpView
    Reads 165,474
  • WpVote
    Votes 4,142
  • WpPart
    Parts 14
Labag sa loob na bumalik si Sunny ng bansa dahil na rin sa utos ng Lolo niya. She has been away for two years at kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin pa niyang hindi na lang bumalik. But her Lolo blackmailed her, sinabi nito na hindi niya makukuha ang pera sa trust fund niya kapag hindi siya agad bumalik ng Pilipinas. Kailangan pa naman niya ang pera na 'yon para sa matagal na niyang pinaplano na pagtatayo ng sarili niyang business. Kaya naman sa bandang huli ay wala na rin siyang nagawa kundi umuwi. And imagine her surprise nang sa pagbabalik niya ay bigla na lang ibinigay ng Lolo niya sa kanya ang pamamahala ng football club na itinayo nito. Telling her na kung hindi niya pamamahalaan 'yon ay hindi na niya makukuha ang pera sa trust fund niya. What choice does she have? So she reluctantly agreed kahit pa nga wala naman siyang kaalam-alam sa naturang laro. Okay na sana ang lahat. That was until she met the the club's coach, Devlin Mendoza. Ito na yata ang pinakanakakainis na lalaking nakilala niya. Una pa lang nilang pagkikita ay tahasan na agad nitong ipinakita ang pagkadisgusto sa kanya. He immediately labeled her as a dumb blond na ang kaya lang gawin ay gumasta ng pera. Dapat ay magalit siya dito, pero habang tumatagal at mas nakikilala niya ito, natagpuan na lamang niya ang sarili na lagi itong sinusundan-sundan ng tingin. Although he's the most annoying and most insufferable man she had met, she still found herself unexplicably falling for him. Pero hindi pa man niya nasasabi ang nararamdaman dito ay saka naman biglang nanganib ang buhay niya.
Fall All Over Again by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 337,760
  • WpVote
    Votes 7,570
  • WpPart
    Parts 23
published under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang paslit ka pa lamang ay pinapangarap ko na ang mga labing iyan. Look how lucky can I get." 💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓 "Crush kita. Hihintayin kong lumaki ka at liligawan kita, promise 'yan." Paslit pa lamang si Timmy nang unang bitawan ni Third ang mga salitang iyan. Sa paglipas pa ng taon ay muli nitong inungkat ang pangako. "'Mula ngayon ay opisyal na girlpren na kita, kaya huwag ka ng magpapaligaw sa iba," pilyong sabi nito. "Puwede ko bang halikan ang girlpren ko?" "Sira ka ba?" Napamulagat siya nang todo sa request nito. "Ako ang unang boypren mo, kaya dapat ako din ang first kiss mo. Una at huli..." Bago sila naghiwalay ng lalaki ay ninakawan siya nito ng halik sa mga labi. "Hindi mo na talaga ako makakalimutan niyan, Timmy. Hanggang sa muli nating pagkikita..." Pero hindi na sila muling nagkita pa. Ang pangako nito ay nabaon sa limot. Paano nga ba panghahawakan ang isang pangako ng kabataan? Paglipas ng maraming taon ay muling nagkrus ang landas ng dalawa. Ang dating cute na Third noon ay isa nang macho at guwapong anak ni Adonis ngayon. Hindi pa niya limot ang hinanakit sa kababata, at ang masaklap ay hindi pa rin lipas ang kahibangan niya dito. "I always keep my word, Timmy. I always do." Huh! Ito pa ang may ganang magsabi ng gano'n? Pero sadya yatang hindi sila para sa isa't-isa dahil muli silang pinaghiwalay ng tadhana. And this time, hindi lamang isang baldeng luha ang idinulot nito sa kanya, tinangay pa nito ang lahat- ang kanyang isip, puso at buong pagkatao. Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
Blackmailing the Music-hater [PHR] - Completed by phrjelevans
phrjelevans
  • WpView
    Reads 107,888
  • WpVote
    Votes 1,660
  • WpPart
    Parts 14
"Ang sabi dito sa ending ng nobela mo, MJ kissed the love of her life while whispering how much she loved him. Ano pa ang hinihintay mo? Handa na ang mga labi ko. Halikan mo na ako."