raradampayla's Reading List
26 stories
❤Heaven's Love (COMPLETED; Published Under PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 68,736
  • WpVote
    Votes 1,338
  • WpPart
    Parts 10
"Papatulan ko lahat ng kabaliwan mo, just to make sure na hindi ka mawawala sa akin. I'd rather look stupid than to spend my whole life without you near me." Hindi inaasahan ni Heaven na tototohanin ng kanyang ama ang sinabi nito na ipinagkasundo siya nito kay Kurt Tan. Kapag hindi raw siya nagpakasal kay Kurt, kahit singkong duling ay wala siyang matatanggap na mana. Pero sadyang matigas ang ulo niya. Tumakas siya. Wala siyang alam na mapupuntahan maliban sa bahay ng kaibigan niya noong college. Kaya bitbit ang napakataas na pride niya ay nagtungo siya sa isang liblib na bayan sa Quezon para doon magtago. Doon niya nakilala si Christian Opeda. She fell in love with him. Masaya na sana siya sa bagong buhay niya pero noon naman siya natunton ng mga magulang niya. Kulang na lang ay magmakaawa siya para lang hayaan na siya ng mga ito. At halos mamatay siya nang malaman niyang ang nagturo ng kinaroroonan niya ay ang walanghiyang si Christian!
IBIGIN MO AKO, LALAKING MATAPANG (MEN IN BLUE#26) COMPLETED by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 134,817
  • WpVote
    Votes 2,078
  • WpPart
    Parts 11
Kung ano-anong masasakit na salita ang palaging ibinabato ni Happy sa kababata niyang si Garret. Ngunit kung anong inis niya rito, siya namang pagkagiliw ng tatay niya rito. Si Garret ang palaging kasa-kasama ng tatay niya sa pagkakarpintero. "Kahit ano'ng sabihin n'yo, ayoko pa rin sa Garret na 'yon. Ayoko sa lahat iyong taong walang modo, basagulero, at walang ambisyon sa buhay." Lumipas ang mga taon. Isa na siyang matagumpay na arkitekto. Sa pagkakataong iyon ay muling nagkrus ang mga landas nila Garret. Ibang-iba na ang lalaki sa Garret na nakilala niya noon. Mukhang kakainin yata ni Happy ang mga sinabi niya noon tungkol sa lalaki dahil sa kakaibang damdaming nararamdaman niya rito...
My Manager's note: WORK OR LOVE? by sirSherwin21
sirSherwin21
  • WpView
    Reads 1,025
  • WpVote
    Votes 11
  • WpPart
    Parts 10
Sypnosis: My manager's note: work or love? Talent manager itong si Chelsea sa isang t.v network. marami siyang hinahawakan mga talent artist na kanyang pinapa sikat. sa hindi niya inaasahan ay nag subok na mag artista ang dating crush niya sa University school na kanyang alma mater. si Aldrin Barcelona, ka school mate niya at graduated ng nursing. nag kurus ang kanilang landas at naging alaga ni Chelsea itong si Aldrin sa showbiz kalaunan. naging mahusay at successful naman ang career ni Aldrin sa pag aartista hanggang sa mahulog na ang loob nito sa kanyang manager na si Chelsea. ngunit prior ni Chelsea ang kanyang trabaho at dini distansya niya ang kanyang sarili lalo sa usaping love life. pilit niyang ipinapa intindi sa kanyang mga alaga lalo kay Aldrin na dapat ay makinig at sumunod sa kanya bilang kanilang manager. sa nararamdaman naman ni Aldrin para kay Chelsea ay inabutan ni Chelsea ng isang pirasong papel si Aldrin na naka sulat ang -Manager's note: work or love?. maipag lalaban pa kaya ni Aldrin ang pag-ibig nito sa kanyang manager? hanggang saan kaya aabot ang career nito.
The CEO's Bad Girl (Watty's 2018) by MarieSalzar
MarieSalzar
  • WpView
    Reads 1,997,135
  • WpVote
    Votes 68,002
  • WpPart
    Parts 54
'It seems you don't get it. Ms. Jones, let me rephrase it.' Asher said. Carson look at him as if he had already lost his mind. Asher then stood up. He placed both of his hands on Carson's chair, trapping her. He leaned over her ear with her back facing him. 'What kind of man, do you like?' he asked 'Someone not like you' she said. ~~~~~~ Carson Jones is a rebel heiress and known as the bad girl of the cream of the American socialites. She's smart, speaks her mind, doesn't care what others will say about her and does what she want. Asher Stone is a cold-hearted, workaholic CEO who had no interest on anything besides work. When a deal made them crosspath with each other, the least Carson Jones expected is to be living with a hot Italian-English man whom she kept clashing with. What will happen if she ended up getting more than she vied for? Will she be able to survive a year with him?
Wedding Girls  Series 12 - JULIANNE - The Bridal Gown Designer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 106,395
  • WpVote
    Votes 2,620
  • WpPart
    Parts 15
"I've never been happier in my life, honey. I've never been this in love before. I'm so glad you came into my life." *** Hindi inaasahan ni Julianne na sa kanya ipapamana ni Mildred Sunico ang lahat ng kayamanan nito sapagkat hindi naman siya kadugo ng matanda. Subalit hindi ganoon kadali ang magiging pagsalin sa kanya ng kayamanan nito. Kailangan muna niyang sumunod sa kondisyon nito. Ang mag-asawa siya sa loob ng anim na buwan. Tamang-tama naman na nag-alok na sa kanya ng kasal si Tim Pozzorubio. Parang dobleng suwerte iyon sa buhay niya. Matutupad na rin ang pangarap niyang maging bride at may mamanahin pa siya. Pero paano kung matuklasan niyang si Tim ay konektado sa isang taong malaki ang interes sa kayamanang mamanahin niya?
Trapped in a Vengeful Heart by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 430,882
  • WpVote
    Votes 6,218
  • WpPart
    Parts 33
(Finalist for PHR Novel of the Year 2015) "In this cruel world, you've managed to introduce me gentleness." Caleb came back to the Philippines with an epic plan, to ruin Alaric, his twin brother. Kaya naman ilang araw bago ang kasal ni Alaric ay dinukot at binihag niya ang pinakamamahal nitong fiancée na si Gianna at dinala sa kanyang pribadong isla. Pero sa araw-araw na nakakasama niya ang dalaga ay siya rin ang nahuhulog sa sariling bitag. He fell in love along the way with Gianna. Sa panibagong laban nilang iyon ng kanyang kakambal, masiguro pa kaya ni Caleb ang kanyang pagkapanalo?
Camp Speed Series 8: The one who holds my heart [Published Under PHR] (Complete) by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 35,237
  • WpVote
    Votes 578
  • WpPart
    Parts 11
He still has the power to make her heart skip a bit. College pa lang ay gusto na ni Zeke si Akane Mishima, ang weird pero napaka-gandang transferee sa Unibersidad nila. Kaya naman laking tuwa niya nang maging malapit sila sa isa't-isa. Lalong umusbong ang nararamdaman niya para sa dalaga nang makilala niya ang ugali nito. At pakiramdam niya ay pareho lang naman sila ng nararamdaman base sa mga ikinikilos nito kapag magkasama sila. Pero naglaho ang lahat ng ilusyon niya nang makita niya itong kayakap ang kaibigan niyang si Kiel. At lalong sumidhi ang sakit na nararamdaman niya nang malaman niyang magkasamang umalis ng bansa ang mga ito. Maayos na siya. Nakapag-move on na siya. Iyon ang itinatak niya sa kukote niya sa loob ng pitong taon. Inabala niya ang sarili niya sa negosyo niya at sa pangangarera. Hanggang sa isang araw, habang itinataboy niya ang isa sa mga babaeng nagpapasakit ng ulo niya, nakita niya itong naglalakad palapit sa kanila. Hindi na siya nag-isip at bigla na lang niya itong hinalikan sa labi. Boom! Sa isang iglap, nakapasok na naman ito sa nananahimik na buhay niya. At doon niya na-realize na hindi nagbago ang nararamdaman niya para dito! Eh ano ngayon kung may Kiel na sa buhay nito? Babawiin niya ito, by hook or by crook!
Once, Again, Always (published under PHR March 30, 2016) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 437,525
  • WpVote
    Votes 7,633
  • WpPart
    Parts 30
Anim na taon na ang nakakaraan ay may isang bagay na nagawa si Elaine na labis na nakaapekto sa pamilya niya. Dahil doon, pakiramdam niya ay habambuhay na siyang kailangan may patunayan sa mga ito. She was on the right track. Guidance Counselor na siya ngayon sa isang exclusive school for girls. Pero muling magkrus ang landas nila ni Red Caringal - isang lalaking konektado sa nakaraan ni Elaine. Nagkita silang muli dahil anak pala ni Red sa pagkabinata ang isa sa mga estudyanteng suki sa opisina ni Elaine. Nagkalapit ang mga loob nila ni Red. At inaamin ni Elaine na hindi madaling labanan ang atraksyong nararamdaman niya para kay Red. Lalo na at maging si Red ay tila wala namang balak na labanan iyon. One thing led to another. They became lovers. Kaso, marami ang kumukontra. Sana kung against all odds ang drama nila. Dahil paano naman ipaglalaban ni Elaine ang isang lalaking hindi naman in love sa kanya?
The Tanangco Boys Series 9: Justin Karl Chua by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 104,822
  • WpVote
    Votes 1,734
  • WpPart
    Parts 10
Justin and Nancy Jane were childhood sweethearts. Kasama nila ang isa't isa sa lahat ng oras. Magkakampi sa lahat ng bagay. Highschool sila nang mag-desisyon ang mga magulang ni Nancy Jane na mag-migrate sa America. Masakit man ay wala siyang nagawa kung hindi ang lumayo kay Justin nang hindi nasasabi dito ang tunay niyang damdamin. Sampung taon ang nakalipas nang kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas. Ganoon na lang ang gulat niya na sa kanyang pagbalik, iba na ang Justin na dinatnan niya. Kasabay niyon ay ang muling pagbangon ng inakala niyang pagmamahal para dito na matagal nang naglaho. Pero mukhang huli na ang lahat para sa kanya. Dahil, may iba nang nilalaman ang puso nito. Dapat pa nga ba niyang ipaglaban ang pag-ibig para sa lalaking una't huli niyang mamahalin? O hahayaan niyang mawala ito sa ikalawang pagkakataon?
For One Single Kiss COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 611,825
  • WpVote
    Votes 9,364
  • WpPart
    Parts 20
For One Single Kiss By Vanessa Brat-iyan ang tingin kay Penelope ni Franco, pero wala siyang pakialam doon. Basta siya, gagawin niya ang lahat ng ikasisiya niya-at mas mag-e-enjoy siya kung makukunsumi si Franco. Mabuti nga iyon dito. Kung umasta kasi ito ay akala mo kiing sinong magaling at guwapo. Eh, ano ngayon kung talagang magaling at guwapo ito? Wala naman siyang pakialam doon-wala na dapat. Ayaw na niyang alalahanin na minsan ay minahal niya ito at tinang- gihan nito ang pagmamahal niya. Hindi niya inakalang sa kanya rin pala babalik ang lahat ng pangungunsumi niya rito: ipinatapon kasi siya ng daddy niya sa probinsiya, at ang pinakamatindi sa lahat, kasama niya roon si Franco upang bantayan siya! Staying in a province without the comfort of the luxuries she was used to was hell as it is, at lalo pa iyong naging impiyerno nang ma-realize niyang in love pa rin pala siya kay Franco at wala na siyang pag-asang mapansin nito dahil engaged na ito sa iba...