precious hearts romance
126 stories
Fragments of Memories 1: Married at Seventeen (Wattys2019 WINNER) by IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Reads 1,506,466
  • WpVote
    Votes 15,466
  • WpPart
    Parts 15
The Wattys2019 Winner : Romance Category Ranked #1 in Romance Ranked #1 in Pain Ranked #1 in Broken Ranked #1 in Drama Ranked #1 in Amnesia Ranked #1 in Marriage Thera De Marco kinaiinisan at kinaiinggitan ng nakararami. For inexplicable reasons, within five years of marriage to her husband Sean, she has gone from being soft-hearted and happy, to savage and ill-tempered. Despite her unhappiness, and her hate towards her husband she has refused to get her marriage annulled. Just before her 30th birthday, Thera is hit by a car, causing her memory - before she meets Sean, to be wiped out. When she resumes her life, she begins to question why she was so unhappy in her marriage. Magbabago kaya ang damdamin ni Thera para sa asawa habang wala siyang maalala? Or do the secrets run deeper than she ever realized? Disclaimer: This story is written in Taglish.
One Night With Mr Gorgeous_Complete by IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Reads 1,071,497
  • WpVote
    Votes 22,939
  • WpPart
    Parts 17
One Night With Mr. Gorgeous by La Tigresa "I'm not going to marry you, Theo." "And do you think I want to? Wala akong choice. Nanay ka ng anak ko." Natameme si Arielle. "Hindi ko hinihingi sa 'yo na maging asawa ka sa akin oras na makasal tayo, Arielle. If you're worried about making love to me, huwag kang mag-alala, hindi kita oobligahin. Hindi ko rin naman matandaan na ipinilit ko ang bagay na 'yan sa isang babae. I can always find myself a woman to take your place anyway." Nag-init ang mukha ni Arielle sa inis. At sa ibang babae pala planong sumiping ng walanghiya at hindi sa kanya! 'Eh, kaninong kasalanan? 'Di ba ikaw naman 'tong nag-iinarte? 'Tapos, kapag naghanap siya ng ibang babaeng ikakama, maiinis ka.' Ipinilig niya ang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit naman siya maiinis kung sakaling gawin nga ni Theo ang sinabi? Nagseselos ba siya? Pumapayag na ba siyang maging Mrs. Theo De Marco? Of course not! HIGHEST RANK : #24 in Romance #21 in random #5 in PHR PHR top 2 Best Seller for the month of March 2017 ================================
Men In Tux 3: When The She - Devil Falls In Love by IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Reads 622,305
  • WpVote
    Votes 18,031
  • WpPart
    Parts 29
Siya si Ronalyn Cruz. Isang call center agent na iginapang ang sarili mag isa. Pero bago siya naging si Rona, siya muna si Angel Joy Albana., ang dalagitang pinalayas ni Alissandro De Marco, ang bunsong anak na lalaki ng mag asawang kumupkop sa kanya. Nangako si Ronalyn na gugugulin ang ang lilipas na mga taon sa pagpapayaman. Kung mayroon man siyang isinumpa nang umalis siya sa poder ng mga De Marco iyon ay yong hindi siya babalik sa buhay ng mga ito hanggang wala pa siyang napapatunayan. Pero tila nananadya ang tadhana. Mahirap pa rin si Rona nang muling magkrus ang mga landas nila ni Ali. At nang nangailangan siya ng maituturong boyfriend kay Erin, ang babaeng umagaw sa pinaka unang lalaking nanligaw sa kanya, walang pagdadalawang isip na kumapit siya sa kamay ni Ali at ipinakilala ito bilang kanyang fiancé. Huli na nang marealize ni Rona na habang kinukumbinsi niya si Erin tungkol sa relasyon nila ni Alissandro, mabilis naman siyang nahuhulog dito. Paano na ngayong maliban sa alam niyang monster pa rin ang tingin sa kanya ni Alissandro, bumalik pa si Monica, ang babaeng dahilan kung bakit siya pinaalis noon ng binata? Highest Rank : #104 in romance (12/04/2017) #15 in precious hearts romances == ===
Men In Tux 2 : Fall For Me Again by IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Reads 536,588
  • WpVote
    Votes 16,934
  • WpPart
    Parts 23
Broken-hearted si Carol nang unang magkrus ang mga landas nila ni Leandro 'Lian' De Marco. Gwapo ito, matangkad at simpatiko. Kung hindi lang siya nito inuutusang lumayas agad sa tinitirhan niyang apartment na pag aari pala nito, marami pa sana siyang magagandang katangian na mapapansin sa lalaki. Hindi naging maganda ang unang pagtatagpo nila ng binata kaya ganon na lang ang pagtataka niya nang makisimpatya ito sa kanya nang mahuli niyang may kasamang ibang babae ang boyfriend niya. Higit pa silang pinaglapit ng pagkakataon nang alukin siya nito ng isang espesyal na trabaho. Pumayag din itong makitira siya pansamantala kasama ang Lola at pamangkin niya sa bahay nito. Habang lumilipas ang mga araw, nahuhulog si Carol dito. Kaya naman masayang masaya siya nang ligawan siya nito at tanggapin niya ang pagmamahal nito. Pero isang araw, bigla na lang itong naglaho. Pagkatapos ng halos dalawang taon, muli silang nagkita. Leandro has temporary amnesia. Nakahanda siyang gawin ang lahat para ipaalala sa lalaki ang nakaraan nila pero paano kung kasabay ng pagbabalik ng ala-ala ng binata ay ang pagbabalik din ng pagmamahal nito sa babaeng dahilan kung bakit sila pinaglapit noon ng tadhana? ♥
MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 ) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 275,076
  • WpVote
    Votes 5,166
  • WpPart
    Parts 25
Geneva caught Robin in a compromising situation. Kaya mula noon ay natatak na sa isip niya ang pagiging maloko sa babae ng binata. Pagkaraan ng mahigit isang dekada ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Robin. Hindi na siya nagtaka na nanatili itong binata. Alam niyang ito pa rin ang tipo ng lalaking hindi magpapatali. Kaya ganoon na lang ang pagtataka ni Geneva nang suyuin siya ni Robin. Hindi na niya magawang iwasan nang hindi sinasadyang may nangyari sa kanila. Inalok naman siya ni Robin ng kasal, pero nagpakatanggi-tanggi si Geneva. Ang katwiran niya, kailangan muna nilang kilalanin ang isa't isa na siyang sinang-ayunan naman ni Robin kahit labag sa kalooban nito. Naging maayos ang pagbahay-bahayan nila. At sa mga araw na kasama ni Geneva ang binata ay unti-unti ring nahuhulog ang loob niya rito. Pero kung kailan handa na siyang aminin ang nararamdaman kay Robin ay saka naman sila naaksidenteng dalawa. At ganoon na lang ang panlulumong naramdaman niya nang hindi na siya maalala ni Robin. Paano na ngayon ang gagawin niya?
THE STORY OF US: PATTY AND ANDRES (published under PHR2370)  COMPLETED by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 272,729
  • WpVote
    Votes 2,719
  • WpPart
    Parts 11
Masugid na nanliligaw si Andres sa kaibigan ni Patty na si Azenith. Maliban sa kanya, botung-boto ang lahat sa binata para sa kanilang kaibigan. Matagal na silang magkakilala ni Andres pero ni hindi siya pansin nito. Bilang ganti, madalas niyang asarin ito. Pikon at suplado kasi si Andres kaya natutuwa si Azenith na kulitin ang binata. Nang mabasted ito, somehow, ikinaligaya niya iyon. Nalaman niya ang dahilan kung bakit... nang halikan siya nito.
MISS ULTIMATE BELIEVER IN TRUE LOVE (Published under PHR5303)Completed by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 71,956
  • WpVote
    Votes 1,633
  • WpPart
    Parts 12
Nakilala at nakapalagayang loob ni Portia si Nic, ang lalaking kagaya niya ay mahilig din sa mga animated at fairy-tale movies. Sa ilang beses na pag-imbita ni Nic na manood sila ng sine ay tila may mahikang taglay ang binata na hindi matanggihan ni Portia. At sa isang iglap ay namalayan na lang niyang hinalikan siya ni Nic. Para kay Portia, itinuring niyang isang hangin lang na dumaan sa buhay niya ang namagitan sa kanila ni Nic. Nagpalit siya ng cell phone number upang maiwasan at para hindi na siya magambala muli ng binata. After all, wala siyang kaide-ideya kung sino talaga si Nic at ganoon din ito sa kanya. Subalit hindi inakala ni Portia na muli niyang makikita si Nic. Isang masamang biro na si Nic o Gannicus pala ang kaisa-isang anak na lalaki ng kanilang boss at ang binata na ang nakatakdang mamahala sa kompanyang pinapasukan niya... Makakaya pa kayang pangatawanan ni Portia ang pag-iwas kay Gannicus gayong ang binata na mismo ang lumalapit sa kanya?
THE STORY OF US 5: SOCORRO AND HANS (published under PHR1953) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 86,835
  • WpVote
    Votes 1,600
  • WpPart
    Parts 10
Pangit at wala raw sex appeal si Socorro kaya imposibleng magustuhan siya ng kahit sinong lalaki, lalo na ng crush niyang si Hans Gatmaitan. But she proved her detractors wrong. Sa tulong ng isang kaibigan, animo isang bulaklak na namukadkad ang kanyang ganda. Napansin siya ni Hans. Naging visible siya sa paningin nito. They became friends. Nadama niya ang importansiyang ibinibigay nito sa kanya. Dahil doon ay lalong nahulog ang loob niya sa binata. Nag-umpisa siyang mangarap na isang araw ay kakausapin siya ni Hans at magtatapat ito ng pag-ibig sa kanya. Ngunit isang malaking dagok sa kanya ang nalaman niya sa birthday party ni Hans. Nadurog ang kanyang puso sa deklarasyong binitiwan nito sa harap ng mga bisita. Kalabisan ba talaga ang asamin ang puso nito? *** Things we love about being pinay: *** How positively friendly we are... we can get along with just anybody...
THE STORY OF US 3: CHARLYN AND IVAN (published under PHR1863) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 85,930
  • WpVote
    Votes 1,560
  • WpPart
    Parts 11
Isang pangyayari ang nag-udyok kay Charlyn na puntahan si Ernesto Yap, ang taong matagal na niyang binura sa kanyang buhay. Panahon na upang ibalik niya ang sakit na idinulot nito sa kanilang mag-ina. At si Engr. Ivan Arcanghel, ang kalaban sa negosyo ni Ernesto Yap, ang mabisang instrumento para magtagumpay siya. Sa buong buhay ni Charlyn ay noon lang siya magtatangkang hulihin ang atensiyon ng isang lalaki. Wala siyang alam sa pakikipagrelasyon dahil pinatigas na ng mga pagsubok ang kanyang puso. Ngunit ano na ang gagawin niya kapag nalaman ni Ivan na ginagamit niya lang ito? Maisasakatuparan pa kaya niya ang kanyang plano kung biglang pumanig ang kanyang puso kay Ivan?
THE STORY OF US 2: AZENITH & ZARDOU (published under PHR1847) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 99,476
  • WpVote
    Votes 2,048
  • WpPart
    Parts 10
Ang akala ni Azenith ay tahimik na ang mundo niya. Sa kabila ng mga nangyari sa kanya ay maraming oportunidad ang kumatok sa pinto niya. Subalit nang makarating sa kanya ang balita na nasa Maynila rin si Zardou-- ang lalaking pinakaiiwasan niya -- ay naalarma siya. Hindi nito dapat malaman ang kanyang kinaroroonan. Mayaman ang lalaki at kayang-kaya nitong bawiin sa kanya ang lahat, maging ang kanyang dignidad. Pero nangyari ang kinatatakutan ni Azenith. Hindi sinasadya ay nagkrus ang kanilang mga landas. Natuklasan niyang hindi pa rin nawawala sa kanyang puso ang mahikang dulot ni Zardou sa tuwing matitigan siya nito. Ngunit sa estado nito ngayon, alam niyang hindi na maaaring dugtungan ang kanilang nakaraan...